Lucho Ayala prefers dating non-showbiz

Inamin ni Lucho Ayala na mas gusto maka-date o manligaw ng mga hindi taga-showbiz. Paliwanag niya, "Kasi, pag dalawa kayong showbiz ano, e, di ang hirap, di ba? May taping ka na ganitong araw, may taping siya ng ganitong araw, so you barely see each other, di ba? So, ang hirap ng ganoon, di ba?"


Bago ang upcoming GMA-7 early primetime series na Binoy Henyo, gumanap bilang batang Michael de Mesa sa Indio ang young actor na si Lucho Ayala.

Inilarawan ni Lucho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang role niya sa Binoy Henyo.

“My role here is as Jaime, younger brother ako ni Francis, ni Luis Alandy.

“Mabait ako dito, ako yung hingahan niya ng sama ng loob.”

Wala raw siyang ka-loveteam dito.

“Pero sana magkaroon, hopefully, at the end or at the latter part, sana magkaroon. Pero ngayon, wala pa.”

Bagamt hindi kasing-ingay ng ibang artista ang pangalan ni Lucho, hindi siya nababakante sa trabaho sa Kapuso Network.

Sabi niya tungkol dito, “I’m thankful, I’m grateful, kasi I need projects, e, I need shows talaga.

“So I’m thankful na binibigyan ako ng projects, na hinahanapan ako ng GMA ng projects, so I’m thankful.”

Tatlong taon pa ang kontrata ni Lucho sa GMA Artist Center.

SEXY PICTORIAL. Twenty-one years old si Lucho, kaya natanong namin kung papayag na siyang mag-sexy pictorial or fashion show tulad sa Cosmo Bash.

Sabi niya, “Yeah, when I’m ready, when I’m ready, yeah... I’m still working out, I’m still working out.”

Wala ba siyang hang-ups sa pagpapa-sexy?

“Wala naman, wala naman... we’ll see. Time will tell.”

Iyon ang maaaring next step niya para mas lalong pag-usapan at sumikat.

“Probably, pero ngayon kasi, I’m not yet ready, e... my body, I’m not yet ready—kulang pa.”

Gaano ba siya kadalas mag-workout?

“Right now kasi, since may taping, after school, three to four times a week.”



WORK AND STUDY. Nag-aaral si Lucho sa University of the Philippines ng kursong Speech Communications, ngunit dati ay Theater Arts ang course niya.

Paliwanag niya, “I shifted out kasi hindi siya kaya ng time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi being in Theater Arts, I have to be part of the staff.

“And we have to be there in the wee hours every day, ganyan, so wala, hindi kaya, e.

“So I shifted out to Speech Communications.

"Under one department din naman, so it’s okay.”

Bakit iyon ang napili niyang kurso?

“Well, it’s more of the same, like it’s communication, e.

“E, ako naman, I’m into communication, I’m into any field or any types of communication, so I can venture in any type of communication-related jobs.

“So, like ito, acting, I mean communication is part of it, di ba?

“And studying communication, like diction and all that, I mean I can use it well.”



CAREER PLANS. Ano ang plano sa kanya ng GMAAC?

“We still have to talk e, about that.”

Masaya naman daw si Lucho sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.

“Yes, of course naman,” mabilis na sagot ni Lucho.

“I’m satisfied, but I know they’ll give me more projects, hopefully.”

Co-managed si Lucho ng GMAAC at ni Cesar Buendia.

“Tito ko kasi siya, e,” pagtukoy niya kay Cesar.

Kapag binigyan siya ng lead role, sino ang gusto niyang leading lady?

“Right now? It’s hard to tell, e.”

Dati nang inamin ni Lucho kung sino ang showbiz crush niya.

“Well tulad pa rin ng dati, Rhian Ramos pa rin talaga ang crush ko. Crush ko siya, e.”

So, si Rhian din ba ang gusto niyang maging leading lady?

“Well, if given a chance, why not?” sabi niya.

Nakatrabaho niya si Rhian sa Indio. Alam na ba ni Rhian na crush siya ni Lucho?

“I don’t know... siguro naman. Okay naman kami, friendly naman siya.”

Kung walang KC Montero sa buhay ni Rhian, liligawan ba ni Lucho ang dalaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I cannot tell, I don’t know.

"Ako, crush ko kasi siya, I admire her, her face, her talent. But I don’t know, I can’t tell.”



STILL LOVELESS. Walang girlfriend si Lucho since last year.

Sabi niya, “Mahirap matali, e, alam mo yun? Because of my work and marketability-wise, mahirap matali, e, di ba?"

Non-showbiz ang dating girlfriend ni Lucho at never pa siyang nanligaw ng taga-showbiz.

Paliwanag niya dito, “Personally kasi, some actors kaya lang nila gustong manligaw ng ibang showbiz personalities, because of fame, because of mapag-usapan, name recall and all that.

“Pero madaming magaganda talaga dito na mga showbiz personalities.

“Pero for me kasi, I prefer dating non-showbiz, e... it’s just me.

“Kasi, pag dalawa kayong showbiz ano, e, di ang hirap, di ba?

“May taping ka na ganitong araw, may taping siya ng ganitong araw, so you barely see each other, di ba?

“So, ang hirap ng ganoon, di ba?

“Dapat at least, one of you is parang free naman to accommodate. Parang ganoon.

"So parang personally, I prefer talaga dating non-showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN