Ejay Falcon says Dugong Buhay creator Carlo J. Caparas is "deserving" of National Artist honor

Nag-iba na naman ng style ng buhok ang young actor na si Ejay Falcon dahil na rin sa kanyang role sa ABS-CBN afternoon soap na Dugong Buhay.


Marami ang nagsasabing mas bagay kay Ejay Falcon ang kanyang bagong look ngayon kung saan nagpa-semi-kalbo ito mula sa kanyang long-curly hair.

Kuwento ni Ejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mga three days ago [lang ako nagpagupit], para sa role ko sa Dugong Buhay.

“Oo nga, e, sabi nga medyo malinis.

"Kasi dati, long hair na kulot, medyo rugged, so ngayon iba naman talaga.

"Hinihingi ng karakter ko na ganun kaya kailangan kong gawin ’to.”

Ang Dugong Buhay ang afternoon soap na pinagbibidahan ni Ejay sa ABS-CBN.

Hindi ba siya nanghinayang dahil matagal din niyang pinahaba ang kanyang buhok tapos bigla na lang niyang pinagupit?

Sagot ni Ejay, “Nanghinayang siyempre, actually nakatabi siya ipapa-frame ko sa bahay. Para hindi siya mawala.

"Yun yung alaala ng Dugong Buhay sa akin. Kung matapos na yung soap namin, makita ko lang yun, yun yung maalala ko na, ’A, ito yung sa Dugong Buhay.’”

Nakausap ng PEP si Ejay kagabi, July 17, sa Zirkoh, Tomas Morato, sa birthday celebration ng entertainment editor na si Leo Bukas.

DUGONG BUHAY. Ano pa ang dapat abangan ng mga tao sa Dugong Buhay?

Saad niya, “Siyempre yung pagbabago sa akin, kaya siguro ako nagpagupit kasi may rason.

"Yun yung mga pagbabago sa karakter ko as Victor, ito yung umpisa ng pagbabago ko—yung parang magpalit ng anyo, ng bagong mukha.

"Yun, nagpagupit ako kasi may revelation sa character.”

Masaya naman daw si Ejay sa magagandang comments at reviews ng show niya, lalo na sa social media.

Sabi niya, “Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta at, yun nga, sa mga comments sa Twitter, sa Facebook.

"Nakakataba ng puso at mas inspired kami lahat magtrabaho dahil sa mga magagandang comments.

"Ang ratings naman ay bonus na lang sa amin yun, ang mas importante yung material na nagawa namin ay maganda yung naibibigay namin sa mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbubutihan pa raw nila ang pagpapaganda sa kanilang soap, lalo’t na-extend sila.

“Na-extend kami, e. Alam ko hanggang September pa, kasi dapat hanggang July lang kami.

"Yun, na-extend kami hanggang September, sa pagkakaalam ko, pero hindi ko pa rin alam hanggang kailan talaga.”



CARLO J. CAPARAS AND SUNSHINE CRUZ. Naging mainit naman ang pangalan ng dalawang may parte sa kanilang soap—si Carlo J. Caparas bilang orihinal na may likha ng Dugong Buhay at ang co-star ni Ejay na si Sunshine Cruz.

Ano ang masasabi niya na natanggalan ng parangal bilang National Artist ang may akda ng kanilang soap?

Sabi ni Ejay, “A, oo nga, medyo... actually narinig ko lang ’yan pero hindi ko alam kung paano magsasalita tungkol diyan.

"Ang masasabi ko lang, deserve ni Direk Carlo yun, kasi napakagaling niya at napakarami na niyang nagawa at naibahagi sa industriya.

“Halos lahat ng komiks niya, ginawang pelikula, ginawang teleserye.

"So siguro deserving naman siya na makuha yung ganung award.

"And nagpapasalamat ako sa kanya na sa lahat ng nagawa niya, parang may isang naibigay sa akin—yun nga yung Dugong Buhay.

“And sana mabigyan pa ako ng ibang material na gaya nung ginawa niya.”

Kumusta namang katrabaho si Sunshine?

Ayon kay Ejay, “Oo, masaya, tawanan, halos araw-araw nga kami magkakasama, e.

"Kumbaga, ito yung teleserye na sobrang madaming bonding.

"Pag walang taping minsan, lumalabas kami kasama yung mga girls, minsan basketball with the boys, staff.

"Si Miss Shine naman, napakabait katrabaho.

"Noong una nailang ako sa kanya, nahiya ako sa kanya.

"Pero noong kasunod nun, sobrang okay na.”

Balita namang may bago na raw boyfriend si Sunshine matapos nitong makipaghiwalay na sa asawa nitong si Cesar Montano. May alam ba siya dito?

Tugon ni Ejay, “Ay, wala. Wala po ako sa posisyon para magsalita sa ganun.

"Sa nakikita ko, parang wala naman, e... sa taping, wala naman akong nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam, basta pag sa taping, kung pagbabasehan ko yung pag sa taping, wala, wala... wala talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN