Marian Rivera laughs off pregnancy rumor: "Hindi ako buntis!"

Natatawa na lang si Marian Rivera sa paulit-ulit na intriga o isyu na ibinabato sa kanya. Sabi ng Kapuso actress, “Palagi kong sinasabi, nakakaloka ‘yan—nagpakasal, ikakasal, buntis, may anak... paulit-ulit lang, e. Yung routine ng mga isyu at blind item at negative na ‘yan tungkol sa nangyayari sa akin, paulit-ulit. Nagsimula ako seven years ago, same issue... lahat."


Hindi nakaligtas sa mga intriga si Marian Rivera pagkatapos niyang rumampa sa nakaraang FHM victory party, kung saan siya ang hinirang na Sexiest Woman in the World at Philippines’s Finest.

Hindi lahat natuwa at mayroon pa ring mga puna, pero hindi na lang daw ito pinapansin ng Kapuso Primetime Queen.

Sagot ni Marian sa ilang pumintas at nanlait sa ayos niya nung nakaraang FHM party: “Yung suot ko kasi, may stylist ako. Nag-style sa akin si Liz Uy.

"Nag-usap din yung team namin kung ano isusuot ko at ang FHM, sila ang nagbigay ng theme sa amin kung ano ang peg para sa akin.

“Siguro hindi nga lahat ng tao mapi-please mo...

"Ang importante, kaya ako nandun sa event na yun, para magpasalamat sa lahat ng bumoto sa akin bilang kapalit sa pagmamahal nila.”

May ilan pang ikinumpara siya kay Daiana Menezes na mas mapangahas sa suot niya nung gabing iyon.

Sabi naman ni Marian, “Wala akong… anything against sa mga nag-FHM, dahil para sa akin, lahat ng 100 na babae na rumampa at nakasali sa FHM, lahat ‘yan deserving.

“Lahat ‘yan may kanya-kanyang katangian kung bakit sila nandun.

"At ang FHM, nagkataon lang na voting ‘yan, so ang maganda diyan kasi nagkakasundo ang mga kababaihan, na ito ang mga magaganda at mga sexy.

"So, walang kumpitensiya para sa akin…

"Proud ako na naging parte ako ng FHM, pero hindi ibig sabihin nun nakikipagkumpitensiya. Hindi.”

PREGNANCY RUMOR. Natawa na lang si Marian sa blind item na inilabas ng TV host-comedian na si Ogie Diaz na initials ng pangalan niya ang inilagay, na obvious na siya ang tinutukoy, na nagdadalantao raw.

“Dyusko! Kakatapos ko lang ng FHM, nakita naman nila yung katawan ko dun. Hindi!” bulalas nito.

“Palagi kong sinasabi, nakakaloka ‘yan—nagpakasal, ikakasal, buntis, may anak... paulit-ulit lang, e.

“Yung routine ng mga isyu at blind item at negative na ‘yan tungkol sa nangyayari sa akin, paulit-ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsimula ako seven years ago, same issue... lahat."

Diin pa ni Marian, “So, kinukumpirma ko ‘yan—hindi ako buntis!

"At kung buntis man ako, hindi ko itatago ‘yan dahil nakita ko ang mga nabuntis kung gaano sila kasuwerte at kung gaano sila kasaya pag may anak na sila.

“Sabi ko, sa buhay ko, sa buhay ng tao sa isang babae, sino ba namang ayaw magkaanak, di ba?

"Pero sa pagkakataong ito, hindi ako buntis.

"Pero sa mga role kasi, may buntis akong gagampanan na malapit nilang abangan.”

ANOTHER RUMOR. Mas nagulat naman si Marian sa isa pang lumabas na intrigang mayroon daw siyang sinoplang matandang fan.

Sabi niya, “Lola’s girl ako, e. Mahal ko ang mga matatanda at malapit ’yan sa puso ko, at ang mga bata... halos lahat naman.

"So, walang dahilan para mangganyan ako at paulit-ulit na isyu ’yan.

“Sabi ko nga ‘yan, ulit… so parang wala, e.

"Kung ikaw isang tao na mahilig din sa artista at matagal ka na sa industriya, maiisip mo rin na paulit-ulit, wala na bang iba?

"So, hayaan na lang natin.

"May mga ganyang pagkakataon, katulad ko, artista ako, public property ako, wala akong choice kung ano man sabihin nila.... wala akong choice.

"Ang importante, yung mga nasa paligid ko, yung kasama ko na nakakakita kung sino ba talaga si Marian Rivera, dun ako.”

Sabi pa niya, “Gusto kong iparating, ano man ang gawin nila sa akin, masaya ako sa buhay ko.

"At ang pagmamahal na ito ay i-spread ko talaga sa lahat ng mga taong kinakailangang mahalin at magmahal ng iba. Alam mo yung ganun?

“Ang sarap lang na nararanasan ko ito lahat, kasi iba kapag punung-puno ka ng pagmamahal sa buhay mo, e.

"Parang wala kang panahon sa mga ganyang klaseng isyu, lalo na kung hindi totoo.

“Well, wala namang bago. Lahat naman ng artista palagi na lang naaakusahan ng ganito, so sa ibang pamamaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakalungkot din sa mga artista na ginaganyan palagi.

"Pero ako siguro, ang masasabi ko lang, huwag kayong mag-alala, i-spread ko ang good vibes sa inyo.

"At hangga’t kaya ko kayong mahalin, ibibigay ko ’yan sa inyo.”

REGIONAL TOURS. Sa kabila ng mga negatibong intrigang ipinupukol kay Marian, napapatunayang marami pa rin ang sumusuporta sa kanya.

Habang wala pa siyang ginagawang drama series, nag-iikot muna ang GMA Primetime Queen sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa regional tour ng GMA-7.

Nagpapasalamat si Marian sa lahat na suportang ibinigay sa kanya ng mga fans kamakailan lang nang pumunta siya ng Cagayan de Oro, Iloilo City, at Cebu.

“Sa totoo lang, nakakataba ng puso dahil wala akong ini-expect sa bawat lugar na pinupuntahan ko.

“May mga pagkakataon na sabi ko, napakasuwerte ko dahil [sa] mga taong pumunta at nakikipagsiksikan talaga sila para makita ako at nagtitiyaga silang pumunta.

"Nakakataba ng puso dahil nakakaiyak na ganun yung pagtanggap nila at pagmamahal nila sa akin."

Kaya nagpapasalamat ang aktres sa lahat na nakipagsiksikan para makita lang siya sa mga lugar na pinuntahan niya sa regional tour nito.

“Sa pagkakataong ito, gusto kong ipaabot sa kanila kaya ako nagri-regional kasi ito yung pagkakataon ko na wala akong soap opera… na gustong puntahan ang bawat lugar na may mga taong nagmamahal sa akin, bilang palagi silang nandiyan para sa akin para ma-share ko naman sa kanila yung pagmamahal ko at pagtatanggol nila sa akin.

“So, sa lahat ng napuntahan ko sa Iloilo, sa Cebu, sa Cagayan de Oro, naku, salamat sa kanila at makakaasa sila na hangga’t wala akong soap na ginagawa ay pupuntahan ko ang mga regional na ‘yan kung saan man puwede makapunta ang GMA.

"Para magkita-kita kami, para ako mismo ang makapagpasalamat sa kanila,” masayang saad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN