Singer-actor Chris Cayzer detained for alleged trespassing

Nakakulong ngayon sa Mandaluyong City Criminal Investigation Detention Cell ang singer-actor na si Chris Cayzer dahil sa diumano’y pagpasok niya sa dalawang condo units sa Mandaluyong City nang walang paalam.


Kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong City Criminal Investigation Detention Cell ang singer-actor na si Chris Cayzer.

Inireklamo ng trespassing si Chris dahil pinasok diumano niya ang dalawang units sa Tivoli Gardens, Mandaluyong City.

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay SPO1 Emmanuel Ermino ng Mandaluyong City Central Intelligence Unit, nangyari ang insidente Huwebes ng gabi, July 18, bandang 7:30 p.m.

Pilit daw pinasok ni Chris ang unang condo unit na kanyang pinuntahan pero pinigilan siya ng unit owner na nakipagbalyahan pa raw sa 26-year-old singer-actor para maisara ang pinto.

Nang mabigo si Chris na pasukin ang unang condo unit, pinasok diumano niya ang katabi na unit na tanging mga yaya at mga bata ang nasa loob.

Nakaramdam daw ng takot ang mga yaya at bata dahil hindi nila kilala si Chris, na nanood pa ng TV, kaya humingi sila ng tulong sa Mandaluyong City Police.

Sinabi ni SPO1 Ermino na hindi makausap nang maayos si Chris, na ikinulong habang hinihintay ang inquest proceedings.

Bumalik sa Pilipinas si Chris noong January 2013 para i-resume ang kanyang showbiz career.

Matagal na nanatili sa Australia si Chris, na muling napag-usapan dahil sa pagsali niya sa The X Factor Australia noong September 2012.

Naging semi-regular si Chris sa defunct musical-variety show ng GMA-7 na SOP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN