LJ Reyes not ready yet to divulge real score with Paulo Avelino

Bagamat matagal nang napapabalita na hiwalay na sila ni Paulo Avelino, tikom pa rin ang bibig ni LJ Reyes tuwing matatanong tungkol dito. Paliwanag niya, “Hindi ko pa po masagot kasi marami pa pong dapat pag-usapan. Pero masaya naman po kami. Siyempre, may mga bagay po at nangyari na hindi ko basta pwedeng sabihin kasi may mga inaayos po. Magsasalita naman po ako in due time.”


Hindi pa raw handa si LJ Reyes na sagutin ang kumakalat na balitang nagkakalabuan na sila ng ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino.

Nang tanungin kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nagkakaproblema ba sila ni Paulo, ang sagot ng aktres, “Hindi ko pa po masagot kasi marami pa pong dapat pag-usapan.

“Pero masaya naman po kami.

“Siyempre, may mga bagay po at nangyari na hindi ko basta pwedeng sabihin kasi may mga inaayos po.

“Magsasalita naman po ako in due time.”

Nakausap ng PEP si LJ sa pocket presscon na inorganisa ng management niyang PPL Entertainment Inc. kagabi, Hulyo 18, sa Baang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Co-managed si LJ ng PPL at GMA Artist Center.

Hindi rin masagot ni LJ kung hindi na umuuwi sa bahay nila si Paulo. Pero nagkikita naman daw si Paulo at ang anak nilang si Ethan Akio.

Nagsabi na rin daw ang aktor na pupunta sa birthday ni Aki sa July 24.

Ito naman daw ang magandang masasabi ni LJ kay Paulo bilang ama—hindi raw ito nakakalimot sa obligasyon nito.

“Mabuting tatay naman po siya.”



DOES SHE STILL LOVE PAULO? Marami kasi ang naninibago kay Paulo ngayon kapag ini-interview ang aktor.

Dati kasi ay open ito na pag-usapan ang relasyon nila ni LJ at maging ang baby nila. Pero lately ay hindi na ganito si Paulo.

Hindi ba nasasaktan si LJ sa pagbabagong ito ni Paulo?

Sabi niya, “I think marami rin naman po kasing bagay na nagbabago, alam n’yo yun?

“Through time, through experiences, may mga nagbabago.”

Mahal pa rin ba niya si Paulo?

Tugon ni LJ, “Naniniwala naman ako na kahit sinong tao na dumating sa buhay mo, mahalin mo, hindi naman na mawawala yun.

“Pero nag-iiba-iba lang siya ng level—puwedeng tumataas, puwedeng bumababa, ganun.”

Natawa lang si LJ nang matanong kung bumababa na ba ang level ng pagmamahal niya kay Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saka niya sinabing, “Basta ang importante po, yung respeto ko nandun pa rin.”

Sino ba ang may diperensiya sa kanila kaya may kailangang ayusin?

“Alam n’yo, mahirap kasing magsalita kung sino ang may diperensiya kasi parang ang dating po nun, nagdya-judge ako or naninisi ako.

“Ang hirap kasi sa lahat ng bagay, sa lahat ng relationship—friendship, family, ganyan—it takes two people, di ba?

“Hindi lang naman po iisa lang.”

Umaasa pa rin ba siya na magkakaayos sila?

“Hopeful ako that good things will come,” maikli ngunit makahulugang sagot ni LJ.



LOVE FOR GMA AND SHOWBIZ. Samantala, masayang ibinalita ni LJ ang bagong teleserye na gagawin niya sa GMA-7.

Prinsesa ng Masa, kasama ko ulit sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

“Mag-start pa lang kami ng taping. Kontrabida ako.

“Na-miss ko rin namang mag-kontrabida. Yung last ko kasi, hindi, e—yung Aso ni San Roque, mabait ako e,” sabi ni LJ.

Hindi naman daw mapili si LJ sa role kahit pa bida o kontrabida ito.

“Gusto ko kasi nagagawa ko lahat. So, okay sa akin na kunwari sa Aso Ni San Roque mabait ako doon, dito masama ang ugali ko, ganyan.

“Maganda yung paiba-iba, di ba?

“Pag nag-i-indie [movie] ako iba rin. Maganda yung marami kang nagagawa.”

Nagpapasalamat lang si LJ sa GMA dahil sa magagandang proyektong ibinibigay sa kanya.

Saad niya, “Sobrang love ko ang GMA dahil siyempre hindi naman lahat ng nagkaka-baby, aminin natin, hindi naman lahat nakakabalik or nabibigyan ulit ng same level of opportunity.

“Ako, sobrang thankful ako sa kanila, lagi akong nagpapasalamat sa kanila na never nila akong pinabayaan at hindi sila basta-basta nagbibigay ng project sa akin.

“Naa-appreciate ko iyon na naghahanap sila ng project na feeling ko, ang laki ng tiwala nila sa akin na mae-execute ko yung mahihirap na characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakatuwa, nakakataba ng puso na ganun yung tingin nila sa akin.”

Ano ba ang meron sa showbiz kaya ginugusto niyang ipagpatuloy ang pag-aartista?

Sabi ni LJ, “Sa totoo lang, mahirap talagang mag-artista, mahirap talaga.

“Pero first of all, ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa propesyon na ito ay yung pagmamahal mo talaga doon sa craft.

“Kasi kahit anong mangyari, nami-miss ko talaga siya, e—yung umarte, yung sumayaw, ganyan.

“Feeling ko, yun talaga ang passion ko kasi.

“Secondary na lang din na ito yung bread and butter. Pero hindi lang naman ito yung kailangan maging source of income mo.

“Ngayon, may business na ako. Mainly talaga yung love mo for the craft.”

Ang business na tinutukoy ni LJ ay ang Reluxe Spa, kung saan isa siya sa co-owners kasama ang manager niyang si Perry Lansigan at kapwa PPL talents na sina Geoff at Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, at Rochelle Pangilinan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN