Eula Caballero reveals "taking a leap" with Christian Samson after her debut

Eula Caballero on Christian Samson: “He’s s my best friend and being my best friend, I’ve known him as someone who is being very sincere, someone na very malambing."


Masaya si Eula Caballero na naging maganda ang takbo ng hero-seryeng pinagbibidahan niya sa TV5, ang Cassandra: Warrior Angel.

Malapit nang magtapos ito at aminado ang young actress na malaki ang natutunan niya pagdating sa acting habang ginagawa nila ang nasabing serye.

Sabi niya, “Actually, pinilit naming kuhanan lahat yesterday and, so far, nakuhanan naman namin lahat.

"And they have to edit some parts kasi masyadong mahaba and then yung sa mga voice-overs, okay na rin.

"So, I think, so far, I think kumpleto na kami.”

Dagdag ni Eula, “I guess we have to wait lang from the editors, baka may mga hindi papasang eksena, baka i-reshoot so...

"So far naman, naka-block-off pa kami for taping ng two days pa, pero natapos na naming lahat.”

Marami rin daw nadiskubre si Eula sa pasikut-sikot sa loob ng production—kung paano makibagay at makisama sa lahat ng production people.

Sabi niya, “Actually, una na siguro sa natutunan ko na sa industriyang ito, na iba-iba ang pamamalakad, na iba-iba ang atake ng bawat tao sa bawat production.

"Pati artista, iba-iba ang atake nila, so iba-iba ang pangangailangan.

"Like sa Cassandra, action kami, horror-drama-fantasy, so ang dami naming pangangailangan.

"So, I just learn to accept and adjust.”



EXCLUSIVELY DATING. Sa kanyang official Instagram account, hindi ikinakaila ni Eula, sa pamamagitan ng kanyang posts, na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Christian Samson.

Si Christian ay co-finalist ni Eula sa dating artista search ng TV5 na Star Factor.

Minsan din ay naispatan sila ng PEP sa isang mall na namamasyal at sobrang sweet.

Kaya inusisa namin si Eula kung boyfriend na ba niya si Christian.

Aniya, “After my debut, we have taken a leap, higher than being friends.

"I’m dating him, I’m dating him... he’s the only guy that I’m dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re exclusively dating, pero not really committed to a relationship.”

Anong meron si Christian at bakit ganun na lang sila ka-sweet?

Ani Eula, “He’s s my best friend and being my best friend, I’ve known him as someone who is being very sincere, someone na very malambing.

"Like, kapag magkasama kami ng pamilya niya o siya din sumasama din sa pamilya ko, sobrang mama’s boy.

"Na parang he is not afraid to show who he is, and he’s very talented also, very hardworking, and magaling siya sa ginagawa niya sa school, very nice.

"One thing that I like about him is that he really gets along well with my family.

"That something, that gesture is like pogi points for me.”

Kinikilig siya?

Pag-amin ni Eula, “Well, hindi naman ako magmamaang-maangan na sabihing hindi.

"Of course, kinikilig ako, because he’s been there for over a year.

"And so far, wala namang nanliligaw sa akin na umabot ng taon.

"And tapos, pag hindi ko sinagot agad, wala, naggi-give up.

"Pero siya, he’s there.

"And the effort that he’s showing is really incomparable and he is really amazing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN