Paul McCartney appeals to PNoy to free Mali the Elephant; Dingdong, Marian throw their support to animal rights crusade

Excerpts from McCartney’s letter to PNoy:

“I have heard from my friends from PETA that various government authorities are continuing to deny that Mali’s welfare should be within their jurisdiction and that the veterinarian who was brought in to perform a health assessment failed to address Mali’s debilitating foot problems and the unimaginable loneliness of a herd animal kept alone. Actions must be taken for this ailing elephant


Marami nang mga artista, local at foreign, ang sumasang-ayon sa panawagang palayain na mula sa Manila Zoo ang elepanteng si Mali at ipadala na ito sa elephant sanctuary sa Thailand.

Ito ay kaugnay ng awareness campaign ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) para sa elepanteng matagal nang nakatalaga sa Manila Zoo at diumano’y di nabibigyan ng kaukulang pangangalaga.

Sa kanilang petisyon, na sinusuportahan ng maraming cause-oriented groups pati na rin ng mga celebrities, iminumungkahi ng PETA na ipadala ito sa wildlife sanctuary sa Thailand kung saan ito diumano mas mabibigyan ng mas naaangkop na natural environment at kung saan din makakasama nito ang kapwa niya elepante.

Kabilang sa mga bagong nanawagan na mapalaya si Mali ay ang magnobyong Dingdong Dantes at Marian Rivera at ang music icon at ex-Beatles member na si Paul McCartney.

May ilang araw na ang nakalipas mula noong lumabas sa maraming social media networking sites ang larawan nina Dingdong at Marian na may hawak na mensahe na palayain na ang kaisa-isang elepante sa Pilipinas na may karamdaman din sa kanyang paa.

PAUL MCCARTNEY LETTER. Kahapon, July 19, kumalat din ang sulat ng music icon na si Paul na nanawagan sa pangulo ng Pilipinas na si President Benigno "Noynoy" Aquino III para payagan nang makaalis si Mali mula sa Manila Zoo.

Nakasaad sa kanyang sulat:

Dear Mr. President,

"I am writing to add my voice to the many others who are supporting the transfer of Mali, the lonely elephant currently being held at the Manila Zoo, to a sanctuary in Thailand as soon as possible.

“I respectfully urge you to use your good offices to expedite the transfer as, with every single day that she remains in the zoo, Mali suffers.”

Dagdag pa niya, “I have great regard for government to intervene on behalf of animals, just as yours did with the May 2012 directive ordering that Mali be evaluated and considered for transfer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That said, time is passing and it has been more than a year since that directive was issued—yet Mali no closer to enjoying her well-deserved retirement at an approved sanctuary.

“I have heard from my friends from PETA that various government authorities are continuing to deny that Mali’s welfare should be within their jurisdiction and that the veterinarian who was brought in to perform a health assessment failed to address Mali’s debilitating foot problems and the unimaginable loneliness of a herd animal kept alone. Actions must be taken for this ailing elephant and you hold the key.”

“The video footage of Mali is heartbreaking. You only have to have a heart to see what so many experts have already pointed out: that the way she continuously favors one leg is a sign of constant pain.

“I was shocked to learn that Mali has never even received proper preventive foot care when foot and joint problems are the leading cause of death among captive elephants kept on hard surfaces and when this type of care is something that every reputable zoo in the world offers.”

“Please know that everyone who cares for elephants is awaiting the day when Mali leave the zoo for her new retirement home at the sanctuary and—surrounded by other elephants—take her first steps in freedom. With the stroke of a pen, you can bring an end to her suffering, and I urge you, with all my heart, to direct that Mali be given that joy now.”

“Let me end with a quote from Mahatma Gandhi that I hope you believe in too: “The greatness of a nation and its moral progress can be judged by the way its animals are treated.”

Hindi pa raw sigurado ang Malacañang kung nakarating na kay Pangulong Aquino ang sulat ni McCartney.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nitong pagpasok ng 2013 ay ang Baywatch star namang si Pamela Anderson ang nanawagan din sa pangulo na palayain na si Mali mula sa Manila Zoo. Niyaya pa nga niya ang pangulo na pag-usapan ang naturan isyu, ngunit tinanggihan ito ni Pnoy dahil sa kanyang busy schedule.

MAYOR ESTRADA: NO TO MALI’S TRANSFER. Tutol naman si Manila Mayor Erap Estrada sa pagpapaalis kay Mali sa Manila Zoo base sa naging pahayag nito noong July 18 sa Agence France-Presse.

Ayon kay Erap, “Mali is just one elephant and sending her to Thailand would be embarrassing. It means we are not capable of taking care of one animal.”

Sa ulat naman ng 24 Oras, sinabi ni Mayor Erap na magiging masaya na raw si Mali sa susunod na taon dahil may dalawang elepanteng paparating mula sa bansang Sri Lanka para may makasama na ito. Bahagi raw ito ng modernisasyon ng zoo.

Ayon pa kay Mayor Estrada, “Merong mag-i-invest dito, na idi-develop yung ating Manila Zoo, tamang-tama ito and sila ang gagastos lahat pero sa kita may kikitain pa ang gobyerno.”

Bukod daw sa gaganda pa ang tirahan ni Mali, magpapadala din daw ng international veterinarian upang suriin si Mali.

Sakali raw matuloy ang pagbibigay ng dalawang elepante sa Manila Zoo, ang pinakamalaking kunsiderasyon daw ay kung kakayanin ni Mali na mabuhay kasama sila. Matagal na rin daw kasi itong hindi nakakakita ng kapwa elepante.

Tutol naman sa planong ito PETA.

Ayon pa kay Jana Sevilla ng PETA, “For 36 years, na neglect ng Manila Zoo si Mali, hindi dapat sila nire-rewardan ng bagong elepante.

“Study after study shows na talagang wala… na kahit gaano kayaman, gaano ka-well-funded na zoo ang nakapagpasaya sa elepante.”

Dapat daw talaga itong mailipat sa sa isang elephant sanctuary sa Thailand.

Thirty-nine-years-old na ngayon si Mali. Naibigay ito sa Manila Zoo noong tatlong taong gulang pa lamang ito. Maari daw itong umabot sa pitumpung taong gulang na edad kapag nasa isang magandang sanctuary ito nakatira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN