Coco Martin reacts to Angeline Quinto’s admission they had a "special relationship"

Pinaasa nga ba ni Coco Martin si Angeline Quinto? “Wala namang pinaasa, wala namang gano’n,” paliwanag ni Coco.


Tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ng iba pang media si Coco Martin kung ikinagulat ba niya ang pag-amin kamakailan ni Angeline Quinto na nagkaroon umano sila ng “special relationship” subalit naudlot daw ito at di umusbong.

Tanong ng PEP sa mahusay na aktor noong Yahoo Awards, ikinagulat ba niya ang rebelasyon ni Angeline?

“Hindi ko naman kasi alam na ganun,” tugon ni Coco.

“Hindi kami nagkakausap, pero kung anuman siguro ang purpose no’n, [pagdating] sa part ko, nirerespeto ko na lang kasi, ako bilang lalaki, di ka dapat pumatol, lalung-lalo na [kapag] babae yung nagsasalita.

“And respeto ko na lang sa kanya kung ano man yung dahilan kung ba’t sinabi niya ’yon o kung anuman yung purpose kung ba’t may ganung interview.”

Pagbubunyag ni Angeline sa isang recent interview kamakailan, naging kumplikado diumano ang “pagkakaunawaan” nila ni Coco at naudlot ito.

Binanggit pa nga ni Angeline na pakiramdam umano niya ay nagselos ang aktor sa pagkaka-link ni Angeline kay Sam Milby, paliwanag ni Angeline sa ABS-CBN News online.

Itinanong kay Coco kung pinaasa ba niya si Angeline.

“Ba’t naman ganun? Actually hindi ganun. Nagkatrabaho kasi kami and then mabait siya, siguro sabi ko hindi rin mahirap na mahulog ang loob mo sa kanya pero yung paasa, wala namang gano’n.”

Nagtambal sina Coco at Angeline sa pelikulang Born To Love You noong 2012.

Hindi rin nagulat si Coco sa isyung ito na kapag kasagsagan ng promotion ng pelikula ay kadalasan ay ili-link ang magkatambal at pagkatapos maipalabas ng pelikula ay natatapos na rin ang ingay.

Ayon kay Coco, karaniwan namang nangyayari ang ganito pero sa sitwasyon umano niya ay hindi niya kailangang mag-alala dahil alam niyang wala siyang ginawang masama.

Hiniritan ng tanong si Coco kung nagkaroon ba sila ng closure ni Angeline sa tinutukoy ng singer-actress na naudlot nilang “special relationship.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaibigan kami, nagkatrabaho kami at mabuti siyang tao.

“Wala akong masasabi sa kanya. Ang natatandaan ko lang maganda ang experience ko sa kanya bilang katrabaho at mahal ko siya bilang kaibigan,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, hindi raw niya pinaasa si Angeline.

“Wala namang pinaasa, wala namang gano’n.

“Ang alam ko nagtulungan kami sa trabaho and then ano nga first acting [project ni Angeline for a film], tinulungan ko siya.”

Dahil daw pareho silang busy ni Angeline sa kani-kanilang proyekto ay matagal na rin silang hindi nagkakausap.

NO TIME FOR LOVE? Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala pa ring napapabalitang lovelife si Coco?

“Alam ko naman kasi... kumbaga marami akong mga kakilala, mga veteran actors, na mga kaibigan, kumbaga marami akong natutunan sa kanila at isa sa mga natutunan ko sa kanila habang okay ang trabaho, samantalahin mo.

“Nanggaling ako sa wala, alam ko kung paano pahalagahan ang pinagtrabahuhan ko,” diin ng binata.

Hindi na rin siya masyadong nababahala kung mayroon mang isyung ipinupukol sa kanya.

“Kumbaga nagsisimula pa lang po nasanay na ako sa mga ganyan.

“Saka nung pinasok ko ang trabahong ito, alam ko na kasama po ’yan,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN