Cherry Pie Picache defends Kim Chiu against bashers: “People can be so harsh sometimes, we really don’t know what happened, what’s the truth.”

Cherry Pie on the Kim-Maja rift: “Lahat ng sakit there’s time to heal, let’s be realistic. Of course I wish for them to someday patch things up pero wag nating pinipilit. Tao sila, may damdamin sila, malalaki na sila. Let them process it, in time you know I’m sure, ganun naman tayo. Kahit naman tayo, yung mga ginawa natin nung mga kabataan natin, pinagtatawanan mo na lang. In time, I hope they will patch things up pero sa akin para ipilit na pagba


Katakut-takot na pangba-bash ang tinaggap ni Kim Chiu nang mamatay ang kanyang ina na si Mr. Louella Yap Chiu kamakailan sa edad na 50.

Kabi-kabila ang mga masasakit na mga paratang ang tinaggap ng aktres galing sa kanyang detactors na kumukuwestiyon sa kanyang estado bilang butihing anak, lalo na kaugnay ng kanyang paglipad sa Singapore sa kalagitnaan ng burol ng yumaong ina.

Bagamat ganito nga ang reaksiyon ng karamihan ng kanyang bashers, alam naman ng pamilya ni Kim at malalapit na kaibigan ang tunay na dahilan sa kanyang commitment na matagal nang naplano at hindi na maaring talikuran.

Sa interview ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cherry Pie Picache sa presscon ng pelikulang Boses, agad naman niyang dinepensahan si Kim at nakiusap sa mga bashers nito na sana ay huwag naman itong basta-bastang husgahan.

Inamin din ni Cherry Pie na naging laman din pala ng pag-uusap nila ni Kim ang namayapang ina nang magkasama silang dalawa sa seryeng Ina, Kapatid, Anak (IKA) kunsaan sila gumanap bilang mag-ina.

“We talked about it. Matagal ko nang nakasama si Kim. I love Kim so much, hindi showbiz, in and out of work.

“Na-endear siya sa akin lalo na after Tayong Dalawa and then we didn’t work for quite sometime lalo siyang na-endear sa akin kasi na-solidify yung bond namin kasi naging mag-nanay kami for Ina, Kapatid, Anak.

“Yeah, we talked about it, I texted her about it but I guess she’s busy and she’s fixing a lot of things.

“People can be so harsh sometimes, we really don’t know what happened, what’s the truth. Sana kaunting consideration, kaunting awa kasi di naman natin alam, di ba?

“I know Kim, she’s a very kind-hearted girl, very simple, her wishes, her prayers and her dreams are very simple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s really working hard not only for her but for her family so let’s be kinder. Di naman alam ng tao kung ano ang nangyayari, ang alam lang ninyo kung ano ang napapanood, kung ano ang naririnig pero let’s be kinder.

“Kaya nga sabi ko yung mga ganyan di naman talaga tayo nagre-rejoice kung hirap yung iba. Sana lang maging kinder yung tao, they don’t have to be so harsh in judging,” kuwento niya.

Agad naming tinanong si Cherry Pie kung ano ba ang suportang binigay niya sa batang aktres.

“The time na nangyari yan if I got it right, that’s the time we just finished the show, towards the end.

“Actually tapos na pero she still had pending commitments and those girls, the young stars today really work hard, I can attest to that.

“They come to work daily, they don’t sleep, minsan two-three hours, that’s how hard they work and that’s how committed and dedicated and responsible they are to their jobs especially with Kim, Maja, sila Enchong na nakita ko.

“I think when that happened, if I heard it right, she had other commitments. She’s trying her best,” dagdag pa niya.

Nakasama din sa seryeng Ina, kapatid, Anak at isa rin sa gumanap bilang anak niya dito si Maja Salvador. Bukas na aklat ang malalim na tampuhan na namagitan kina Kim at Maja dahil kay Gerald Anderson na kasintahan na ngayon ng huli.

Hiniling daw ba ni Cherry Pie na sana ay nagkaayos man lang sila Kim at Maja bago pa man nawala sa ere ang IKA?

Pag-amin ng award-winning actress, “You know, honestly di ko na winish yun.

“I mean, lahat ng sakit there’s time to heal, let’s be realistic. Of course I wish for them to someday patch things up pero wag nating pinipilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tao sila, may damdamin sila, malalaki na sila. Let them process it, in time you know I’m sure, ganun naman tayo.

“Kahit naman tayo, yung mga ginawa natin nung mga kabataan natin, pinagtatawanan mo na lang.

“In time, I hope they will patch things up pero sa akin para ipilit na pagbatiin, wag na lang. Kasi may kanya-kanya silang pinanggagalingan.

Ayon kay Cherry Pie, hanga siya sa propesyonalismo ng dalawa kung saan hindi hinalo ng mga ito kung anuman ang personal nilang problema. Pinuri din ng aktres si Enchong kung saan kabilib-bilib daw talaga ang pagmamahal at dedikasyon ng mga ito pagdating sa kanilang trabaho.

“Sobra, ako nga pag naiisip ko, pag sa akin nangyari yun parang di ko kaya.

“Very professional, very responsible, very committed to their job. I’m very, very happy, I love Kim sincerely. Kim, Maja and si Enchong, very professional, very dedicated kaya medyo let’s be kind.

“Mahirap ang mga pinagdadadaanan nila, they’re still young kids, they’re not adult adults. Bata pa naman sila kaya medyo hinay-hinay lang sa panghuhusga,” pakiusap ng beteranang aktres.

ON BARON GEISLER. Kamakailan ay hinatulang guilty si Baron Geisler sa kasong acts of lasciviousness na sinampa laban sa kanya ni Patricia Martinez, anak ni William Martinez at Yayo Aguila.

Dahil dito ay nag-file naman ang aktor ng motion for reconsideration noong July 17 sa Makati Municipal Trial Court.

Matatandaang minsan ding nagreklamo si Cherry Pie kay Baron noong nakaranas siya diumano ng “sexual harassment” mula kay Baron noong magkasama sila sa isang proyekto, at natapos na lang ang kontrobersya noong pinatawad siya ni Cherry Pie

Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa naging desisyon ng husgado, inamin ng aktres na isang bagay ito na hindi niya ikinatutuwa.

“You know we are not happy when these things happened. What we don’t like is the act or the behavior, sorry nga ngayon ko lang talaga ’yan narining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We don’t really rejoice, ’ay naku dapat ’yan sa taong ’yan,’ kasi di naman talaga yung tao. Man is created basically good, so you hope and you pray that they will always be good and they will always be .

“I feel sad na ganun yung naging verdict but at the same time you know it’s justice.

“God only knows their heart, di ba? I don’t really know what happened or what’s the truth so that’s justice, and we only hope and pray that this will bring something good especially to Baron... a better Baron.

“We only hope that this justice will make him a better person.

“I’m not happy but if Patricia feels there’s justice in that, with how’s she’s violated then that’s okay also. Ako, I’ll pray for Baron,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN