Alessandra de Rossi almost cried in recent Personalan episode; narrates: “Medyo napapaluha ako kasi alam ko yung pinagdadaanan ng taong ’to.”

Alex on simply "being herself" as a talk show host: “Noong unang taping ko kasi, ang stiff ko masyado. Kasi sabi nila seryoso dapat ako. Kaya ako naman, nagpakaseryoso. E, parang hindi raw natural. Gusto nila na relax naman ako. Kahit sinabihan naman ako na just be myself, puwede naman akong maging serious na hindi ako naninigas. Maging ako lang ako. They still want to see Alessandra de Rossi pero hindi bilang artista kundi bilang isang tao na handang makinig at ma


Ini-enjoy ni Alessandra de Rossi ang kanyang pagiging host ng public service talk show na Personalan sa GMA News TV.

Si Alex ang pansamantalang pumalit kay Jolina Magdangal-Escueta dahil buntis ito ngayon at nagdesisyong magpapahinga muna.

Inamin ni Alex na kinabahan daw siya noong unang pag-upo niya sa Personalan dahil hindi pa raw siya sanay sa gano’ng kaseryosong programa.

“First time kong gumawa ng gano’ng show kaya natural lang na sobra akong kabahan.

“Nanlamig nga ang mga kamay ko kasi panibagong environment ’yon para sa akin.

“Kilala n’yo naman ako, di ba? Sanay ako sa mga baklaan na chikahan. Kung sana parang show lang ito ni Ellen DeGeneres, kakayanin ko ang ganun kasi chikahan lang at echosan, di ba?

“Pero iba nga itong Personalan. Dito ako na-challenge kasi mas kailangan na makinig ka sa mga guest mo.

“Hindi ako ang naka-spotlight dito kundi ang mga panauhin namin.

“Kaya thankful ako sa GMA-7 na binigyan ako ng ganitong pagkakataon at ipagkatiwala sa akin ang ganitong klaseng programa, ” panimulang kuwento pa ni Alex nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cucina Ni Bunso restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City last July 17.

BE YOURSELF.” Though sinabihan nga si Alex na maging seryoso sa pakikipag-ugnayan niya sa kanyang guests, iginiit naman ng mga producers na gusto pa rin nilang makita ang kanyang personalidad.

“Noong unang taping ko kasi, ang stiff ko masyado.

“Kasi sabi nila seryoso dapat ako. Kaya ako naman, nagpakaseryoso.

“E, parang hindi raw natural. Gusto nila na relax naman ako.

“Kahit sinabihan naman ako na just be myself, puwede naman akong maging serious na hindi ako naninigas. Maging ako lang ako.

“They still want to see Alessandra de Rossi pero hindi bilang artista kundi bilang isang tao na handang makinig at magbigay ng kanyang payo sa mga taong nangangailangan ng guidance,” patuloy niya.a

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin nga rin ni Alex na minsan hindi niya maiwasang matawa or mag-react sa mga problema ng kanyang mga panauhin.

“May isang episode na medyo natawa ako dun sa problema na kinukuwento ng isang guest namin.

“Ngayon natutunan ko nang pigilan ko ang sarili ko kasi kailangan makinig ako at hindi gawing katatawanan ang problema nila.

“Sometimes gusto ko ring sumagot din sa mga sagutan nila ng dalawang panig. Minsan kasi may punto itong nasa kaliwa, tapos mali ang katuwiran nung isa.

“E, hindi ako puwedeng kumampi kahit kanino. Neutral lang dapat ako parati.

“Kaya nga may mga celebrity guests kami sa audience para sila yung mag-point out kung ano ba ang mali or kung sino ba ang nagsasabi ng tama.

“Pero nakakapagbigay naman ako ng advise, lalo na sa mga problemang nakaka-relate ako,” diin pa ni Alex.

EMOTIONALLY INVOLVED. May isang episode nga raw sa Personalan na muntik nang mapaiyak si Alex. Ito ay tungkol sa problema ng magkapatid na mas paborito ng ina ang isa.

Naka-relate nga raw si Alex dahil nangyari ang ganyan sa kanila ng kanyang nakakatandang kapatid na si Assunta de Rossi.

“Kapag tungkol naman sa magkapatid, relate na relate ako.

“Pinagdaanan ko kasi ’yan. Kaya medyo may emotional thing sa akin ang ganyang topic.

“Noong nagkukuwento nga yung guest namin, medyo napapaluha ako kasi alam ko yung pinagdadaanan ng taong ito. Alam ko yung feeling na hindi ka naging favorite ng parents mo.

“Pero siyempre, hindi ka puwedeng magpakita ng emotions habang may nagkukuwento.

“Nakinig lang ako at noong bigayan na ng payo, maayos naman akong nakapagsalita tungkol sa problemang iyon,” pag-amin niya.

Dahil nga sa Personalan ay mas lumawak ang pag-unawa ni Alex sa mga problema ng marami at kung paano haharapin ito.

“Sa totoo lang, marami akong natututunan sa mga guest namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga problema ko minsan, walang nasabi sa mga pinagdaraan nila.

“Yung inakala mong simple at nakakatawang problema, malaking bigat na sa kanila iyon.

“Kaya dun ko na-realize na walang mabigat at magaan na problema. Pantay-pantay itong lahat. Pero parating may solusyon kung haharapin natin ito at hahanapan ng tamang solusyon,” ngiti pa niya.

CINEMALAYA ENTRY. Bukod nga sa Personalan ay busy rin si Alex sa pag-promote ng kanyang entry sa Cinemalaya Independent Film Festival na Liars. Mula ito sa direksyon ni Gil Portes.

Natuwa nga si Alex dahil matagal din silang hindi nagkatrabaho ni Direk Gil na nagdirek sa kanya sa mga pelikulang Mga Munting Tinig, Homecoming at Barcelona.

Ang Liars ang ikatlong pelikula na ni Alex sa Cinemalaya after ng Busong (2011) at Santa Niña (2012) kunsaan nanalo siya bilang best actress sa ASEAN Film Festival Awards.

Based on a true story ang pelikulang Liars na tungkol sa isang Filipino baseball team na binawian ng premyo dahil sa ginawa nilang panloloko sa Little League World Series noong 2002.

Ginagampanan nga ni Alex ang role na Eloisa Avelino, isang journalist na nag-expose ng katotohanan sa ginawang panlilinlang ng naturang team.

“Actually, yung role ko rito ay ginawa lang babae. Lalake yung journalist at nalaman ko nandito pala siya sa Pilipinas.

“Nag-research naman ako tungkol nga sa story nitong baseball team at nakakalungkot nga dahil maraming naapektuhan dahil sa exposé na iyon, lalo na ang future ng mga bata.

“Ipapakita naman sa movie na medyo nakunsensya rin ang character ko dahil sa ginawa niyang exposé sa kapwa Pinoy niya.

“Kung sana naging tahimik na lang siya, baka ang ganda na ng mga nangyari sa baseball team na iyon at naging mas maganda pa ang buhay ng mga pamilya nila.

“Pero tama bang angkinin natin ang karangalan na iyon kahit na alam nating nagsinungaling tayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang mga bagay-bagay na pag-iisipan ng marami sa pelikula naming Liars,” pagmamalaki ni Alex.

Magkakaroon ng gala premiere ang Liars sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa July 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN