Luis Alandy denies wedding rumors; girlfriend not pregnant

Luis Alandy on alleged wedding with fiancee Bebs Hollmann: “I am still single but not available! Kita n’yo naman, wala akong suot na wedding ring. Kaya hindi pa ako married. Yes, I am engaged, pero siyempre pinaplano at pinag-iipunan pa natin ang lahat. I want to give my fiancée the wedding of her dreams. Minsan lang naman kasi mangyayari ’yon kaya I want to give her what she wants. Kaya pag-ipunan muna natin ng husto, di ba? Kung ikakasal man ako, s


Natawa na lang ang Kapuso actor na si Luis Alandy sa kumalat na balitang kinasal na raw siya sa kanyang fiancée na si Bebs Hollmann dahil buntis na raw ito.

Sa USA raw sila diumano ikinasal ng kanyang fiancé noong huling nagbakasyon doon si Luis.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis sa press conference ng early primetime series ng GMA-7 na Binoy Henyo last July 16, idiniin nitong walang katotohanan ang kumakalat na balita.

“I am still single but not available!” sabay tawa niya.

“Kita n’yo naman, wala akong suot na wedding ring. Kaya hindi pa ako married.

“Yes, I am engaged, pero siyempre pinaplano at pinag-iipunan pa natin ang lahat.

“I want to give my fiancée the wedding of her dreams.

“Minsan lang naman kasi mangyayari ’yon kaya I want to give her what she wants.

“Kaya pag-ipunan muna natin ng husto, di ba?

“Kung ikakasal man ako, siyempre, ipapaalam naman namin sa mga kaibigan namin dito.

“Hindi naman namin iyon itatago,” pagtatapat ng binata.

Dagdag pa ni Luis na hindi buntis ang kanyang fiancé.

“She is not pregnant. I guess that will clear everything,” dagdag pa niya.

FILMMAKING COURSE. Kaya nga raw medyo humaba ang bakasyon ni Luis sa US ay dahil nagplano ito na mag-enroll sa isang film school sa Los Angeles, California.

Nasa plano nga ni Luis na subukan ang maging isang director balang araw kaya gusto na niyang kumuha ng isang filmmaking course.

Naghintay raw siya kung may available slots pa para makapag-enroll siya sa naturang film school. Pero nagkataon na napuno na raw at next year na lang daw siya ulit susubok.

“Nasa plano ko na talaga ang mag-take up ng filmmaking sa L.A. Dala ko na lahat ng mga requirements ko in the hope na baka ma-accept ako. It will be a six-month course.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mabilis napuno, e. First come, first served. Yung ibang students galing rin ng ibang bansa at matagal din silang naghintay ng chance nila.

“Kaya sinabihan ako na next year na lang ako mag-try.

“Okay lang naman because sinabihan naman ako ng manager ko [Noel Ferrer] na may mga film courses naman dito sa atin like in UP and Ateneo de Manila University.

“Kaya I am considering it next year. Kung hindi ako palarin ulit na makapasok doon sa L.A., dito na lang ako sa Pilipinas,” detalye pa niyang kuwento.

BINOY HENYO. Timing nga na noong papauwi na si Luis ng Pilipinas ay may bagong project na siyang gagawin at ito nga ay ang Binoy Henyo.

Kabilang sa mga huling nagawang mga teleserye ni Luis ang Indio at Yesterday’s Bride.

“Pagbalik ko nga from my long vacation, itong Binoy Henyo nga ang project na sinimulan ko na.

“First time ko to work with Sheena Halili in a series. Minsan lang kaming nagkasama noong maging guest ako sa sitcom na Kaya Ng Powers noon.

“Natutuwa ako rito kay Sheena kasi magaling siya sa comedy pero magaling din siya sa drama.

“Napanood ko siya sa Indio and she’s very good. Kaya siguro binigay sa kanya ang role na Agnes dito sa Binoy Henyo. Ibang Sheena Halili ang mapapanood nila rito,” pagmamalaki ni Luis.

Si Luis ay gaganap bilang Francis, ang boyfriend ni Agnes at ama ni Binoy na ginagampanan naman ng bagong Kapuso child actor na si David Remo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN