Chef Boy Logro’s Kusina Master bags Best Lifestyle Program citation at 19th Annual NAMIC Vision Awards

Kinumpara ni Chef Boy Logro ang kaibahan ng drama shows sa cooking shows: “Yung drama, mag-e-end at mag-e-end, hindi pupuwedeng hindi mag-e-end. Ang pagluluto, hindi. Kasi, kumakain tayo, e, kaya yung pagluluto, walang hangganan—forever.”


Isang malaking karangalan ang natanggap kamakailan ng programa ni Chef Boy Logro na Kusina Master mula sa isang international award-giving body.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Chef Boy sa taping ng kanyang programa sa GMA Network building at masaya nitong kinuwento ang bagong rekognisyon na natanggap.

Sabi ni Chef Boy, “Nanalo nga po sa NAMIC [National Association for Multi-Ethnicity in Communications] Vision Awards na Best Lifestyle Program sa buong mundo, sa New York po siya.

“For the first time sa Pilipinas, ang GMA-7 ang nabigyan, ang Kusina Master at first time in our country na nagkaroon ng award ng NAMIC.

“Kasi po, ang ka-level niya na nabibigyan ng award, HBO, ESPN, akalain mo na yung isang hamak na Kusina Master, nabigyan.

“Tayo po ay nagpapasalamat.

“Of course, kung wala yung team, hindi naman po mabubuo, pati sa GMA-7, tayo po ay nagpapasalamat sa kanila.”

May ideya ba siya kung bakit ang Kusina Master ang napiling manalo?

“Alam ninyo, yun po ay tinatanong ko rin sa sarili ko.

“Pero, siguro po, sabi nga nila, maaaring dahil sa mga viewers na maraming natutunan.

“Madaling sundan and of course, from my humble beginning na hindi po ako naka-graduate ng pag-aaral, ako ay elementary [graduate] lamang.”

TALENT FEE. Magdadalawang taon na ang Kusina Master na araw-araw napapanood tuwing umaga. Malaki ba ang talent fee ni Chef Boy dito?

Sabi naman ni Chef Boy, “Ang T.F. [talent fee] ko po, hindi naman po siya kalabisan, hindi naman kulang—sapat lang po.

“Napakaganda po at marami po akong nabili at marami rin akong naipundar in few years time.”

MORE GUESTS. Halos lahat na yata ng mga sikat na Kapuso stars ay nai-guest na niya sa show. Meron pa ba siyang pangarap na maging guest pa?

“Well, siguro po, ang nais kong makapareha ay yung mga international chefs, siguro yung mga Asian chefs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun bang, kaya ko na palang i-compete ang sarili ko sa kanila.

“Hindi naman po ako nakikipag-kumpetensiya sa kanila kung hindi, hinahangaan ko rin sila, kinukuhanan ko ng mga techniques.”

Sa celebrities, may gusto pa ba siyang turuan at makasama?

“Well, of course, dito po, si Marian Rivera kasi, gusto talaga niyang mag-aral sa school ko, at saka lahat ng babaeng celebrities natin.”

Sa ibang network, gusto naman daw niyang makasama si Jodi Sta. Maria.

Aniya, “Kasi po, nag-aral sa akin si Jodi bago siya nag-Be Careful With My Heart.”

Parehong morning show ang mga programa nila sa magkabilang network ni Jodi at may pagkakataon na nagkatapat ang time-slot nila.

Kumpirma ni Chef Boy, “Opo, nagkatapat po, pero, the good thing is, lifetime ang cooking show, necessity ng tao.

“Yung drama naman po, mag-e-end at mag-e-end, hindi pupuwedeng hindi mag-e-end.

“Ang pagluluto, hindi. Kasi, kumakain tayo, e, kaya yung pagluluto, walang hangganan—forever.

Dugtong pa niya, “Sabi nga po ni Sir Jimmy Duavit [GMA-7 President and COO], ‘For life,’ for life raw po tayo rito, sabi niya lang po yun.”

NETWORK TRANSFER. Hindi naman itinanggi ni Chef Boy na nakakatanggap siya ng offer mula sa ibang network.

Saad niya, “Meron na rin, hindi ko na lang babanggitin.

“Minsan tumatawag, sabi nila, ‘We are from the other program, we would like to meet you.’

“Pero, hindi ko po alam, hindi naman nagpakilala, ‘Meet somewhere, we’re interested in your performance.’

“Pero, sabi ko, ‘Naku po, ma’am, hindi ko po masasagot ‘yan dahil hindi ko po maiiwan ang GMA, dito po ako nakilala.’

“It’s a matter of ano lang ‘yan, yung money.

“Pero, pag loyalty po, GMA pa rin po. At saka, matanda na ako para lumipat.

“Sa akin, this is my last and at the same time, ito na ang bread and butter at ito na ang last testimony ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “I love GMA, dito ako nakilala, ito ang nagbigay ng break—hindi natin pinag-uusapan ang kita—sapat naman.”

Paano kung ang offer sa kanya, sobrang laking talent fee?

“Ay, hindi po, sapat na po. Mas maganda ang simula maliit kesa malaki, baka ka malula.

“Maraming mayayaman, binigyan ng yaman—biglang yaman, biglang lubog.

“Mas maganda yung kuntento ka sa kinikita mo, tapos, unti-unti kang tumataas.”

HUMBLE BEGINNINGS. Ang orihinal na time-slot ng Kusina Master ay bago ang Eat Bulaga! pero pinalitan ito kamakailan ng The Ryzza Mae Show.

Hindi ba sumama ang loob niya noong ginawang mas maaga ang show niya?

“Hindi po, mas tumaas pa nga po ang rating,” pagmamalaki niya.

“Kasi po, marami po tayong followers na mga nanay, mga bata rin, kaya nga po hindi na po normal ang buhay ko, abnormal na.

“At saka, sa akin po, kung anuman ang tingin nila sa akin, tanggap ko po.

“Marami ang kumukutya na tanga naman ‘yan, walang kuwentang tao, hindi nakapag-aral, bobo naman ‘yan.

“Pero, tuwang-tuwa po ako kapag ginaganyan ako, kasi nga po, totoo naman po.

“Pero, ang nakikita ng tao, kung paano ako umaangat.

“May school ako, nakabili rin naman ako ng Fortuner, Pajero, may bahay naman ako, may school.”

BIRTHDAY CELEBRATION. Kailan lang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Chef Boy. Ano ang naging birthday wish niya?

“Ang aking birthday wish, sana, good health ako para mabigyan ko pa ng magandang pagluluto.

“Most especially sa Kusina Master na maging mahaba pa sana ang aming show.

“Yung wish ko, naging dream come true dahil siyempre po, walang imposible sa Panginoon.

“Binigyan niya po ako ng talino at kaalaman para mabigyan ko ang mga viewers, may natutunan sila.

“Kaya ako po ay nagpasasalamat sa Panginoon na binigyan niya ako ng lakas ng katawan.

“Although 57 na ang edad ko, parang 18-years-old lang ang galaw ko,” pagmamalaki ni Chef Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong June 29 ang aktuwal na birthday niya at halos isang linggo ang naging birthday celebration niya sa Kusina Master.

Natuwa naman si Chef Boy dahil nabigyan at napakain daw niya ang mga mahihirap na kababayan niya sa Davao.

Nasa 400 raw siguro ang mga taong pinakain din niya.

“Nagluto po ako, ipinagluto ko sila, lahat ng mga tao roon, pinakakain ko.”

HOMETOWN PROJECTS. Nakakauwi pa rin si Chef Boy sa kanilang probinsiya at halos linggo-linggo kasama ang kanyang misis, maliban lang kapag may taping siya.

Ngayon naman ay may pinapagawa na rin siyang resort.

Ayon kay Chef, “Yung simbahan po, napakagandang simbahan, malapit na pong matapos.

“Then, yung restaurant at resort po, bale po ang aking wife at ang anak ko, nandoon po.”

“Nagpatayo ako ng resort, may hotel para yung students, hindi na sila mag-o-OJT sa ibang hotel.

“Tatayuan ko po ng high school from fourth year to eight. Then, after na mag-graduate ka ng high school, puwede ka ng mag-aral ng Culinary.

“Yung aming lugar po, hindi siya tourist spot. Pero, ‘ika nga, gamitin natin ang aking pagka-Chef Boy... yum, yum, yum,” sabi pa niya.

“At saka, hindi ko po hinahangad na sa tanyag na lugar.”

MINERAL WATER. Ano pa ang meron sa kanilang lugar, sa kaniyang farm sa Compostela Valley, bukod sa kanyang mga niluluto?

Sabi naman niya, “Doon po, maganda roon dahil binigyan po ako ng gift ng Panginoon na tubig na 100 percent drinking mineral water na bukal.

“Yung tubig po na yun, ginawa ko, pinadaloy ko po sa lahat ng nakatira roon, sa kanilang bahay, 24 hours po yun.

“Galing po yung mineral water sa aking lugar, sa property ko po, sa Laak, Compostela Valley.”

Baka naman may healing power pa ang tubig na yun?

“Alam ninyo po, hindi po natin masasabi po kung nakakagamot ng tao, pero, yung tubig po na yun, galing po sa bato at pangalawa, manamis-namis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nagsasabi po talaga na kapag nainom, masarap sa pakiramdam at kapag may lagnat ka at naligo ka, gumagaling talaga—natural po, galing sa bato.”

Ano ba ang nagawa ni Chef Boy at parang maraming suwerteng dumarating sa kanya?

Sabi naman niya, “Yung simbahan po, yun ang aking first priority ever since.

“Kasi, hindi lang naman sa akin yun, lahat ng tao po, nagtutulungan.

“Sa akin po, dahil malaki ang kita ko, kaya halos ako po ang nagtatapos ng simbahan.”

POLITICS. Sa mga ginagawa at kontribusyon nila sa kanilang lugar, di-malayong kapag tumakbo siya sa pulitika, siguradong panalo na siya.

Kuwento naman ni Chef Boy, “Ang mayor po namin, si Mayor Reynaldo Navarro.

“Inanyayahan po niya ako sa 2016 na maging mayor, pero, of course po, mahirap po.

“Hindi ko expertise yun, kumbaga, leave it to the experts na lang.

“Mayor? Hindi ko po alam kung ano ang destinasyon ng buhay natin, pero, hindi ko pa po alam, kasi, mahaba pa naman.”

Wala bang mga naiinggit sa kanya?

“Meron din naman po siguro, pero, ang ginagawa ko po kasi, katulad nga ng cooperative, para sa mahihirap.

“Ten percent lang po ang pinaka-tubo ko, then, lahat ng tinda, hindi po mahal.

“Yung mga tao po roon, maaaring naiinggit, pero, ang lahat naman po ng naririnig ko, puro po pagpupuri,” pagtatapos na kuwento ni Chef Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN