Mylene Dizon on being John Lloyd Cruz’s ultimate crush: “Bakit hindi niya sinabi bago naging sila ni Angelica para nagawan pa natin ng paraan?”

Bakit hindi kumukupas ang kagandahan ni Mylene Dizon? Tugon ni Mylene: “Because I always strive to be happy. Siguro dahil gusto kong laging nakangiti at tumatawa, I guess it helps.”


Panauhin ni Boy Abunda si Mylene Dizon noong Biyernes, July 19, sa “Ikaw Na!” segment ng late-night news program na Bandila.

Binanggit muna ni Boy na bukod sa pagiging premyadong aktres, si Mylene ay kilala rin bilang isang mahusay na character actress.

Sa pelikulang 100 noong 2009 ay tinanggap niya ang Best Actress award mula sa apat na award-giving bodies.

Tumatak din ang magaling niyang performances sa programang Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Mara Clara at Budoy.

Ngayon ay bahagi siya ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala at ng upcoming film na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Isa rin si Mylene sa pinaka-versatile na artista sa kanyang henerasyon… puwedeng gumanap bilang mahirap o mayaman, bida o kontrabida.

Kaagad na tanong sa kanya ni Boy kung ano pa ang hindi niya nagagawa bilang isang artista?

Pahayag ni Mylene na nagbibiro, “Kumain ng manok na buhay. Yun, hindi ko talaga kayang gawin yun.”

EUGENE DOMINGO. Sinundan ni Boy ng… sa mga nagampanan na niyang kontrabida roles, sino ang hindi niya kayang saktan, noon at ngayon?

“Si Uge [Eugene Domingo],” mabilis na tugon ni Mylene.

“I love… yung ginagawa naming eksena sa Sa Dulo ng Walang Hanggan noon, kalahati ng script noon ay nag-i-improve kapag kasama ko si Uge.

“Natapos na ang eksena namin pero dire-diretso kami, hindi namin alam kung tapos na kami.

“So, balitaktakan lang yun, patalinuhan lang—ang sarap, ang sarap niyang kaeksena.”

NO PORK AND BEEF. Isa pang tanong ng TV host ay kung bakit hindi raw siya kumakain?

Sagot ng actress, “Siguro ang sinasabi nila ay kung bakit ako hindi kumakain ng pork.

“Hindi ko talaga siya gusto, hindi ko gusto ang lasa at hindi ko gusto ang texture.”

Gaano na siya katagal hindi kumakain ng karneng baboy?

Aniya, “Simula noong bata ako.

“Pero noong bata ako, kumakain ako pero sabi ng Mom ko, kailangan ko siyang kainin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang nasa hapag namin, dapat kainin. Pero, I really don’t like it.

“Tapos, nitong much older na ako, na-realize ko na puwede palang mabuhay ang tao na hindi kumakain ng beef or pork.

“Kaya nga sabi ko sa Mom ko, ‘Masarap talaga ang kare-kare mo, pero ayoko ko talaga yung meat, kaya yung gulay lang ang kinakain ko.’”

At tungkol sa pating naman, bakit hindi siya natatakot sa mga ito?

Natatawang sagot ng aktres, “Siguro dahil hindi ko sila nakikita.

“Kapag siguro nakita ko, doon ako mag-aano.”

BEAUTY SECRET. Bakit hindi naaapektuhan ang kagandahan niya sa paglipas ng panahon?

“Totoo yun,” hirit muna ni Boy.

Tugon ni Mylene, “Because I always strive to be happy.

“Siguro dahil gusto kong laging nakangiti at tumatawa, I guess it helps.”

Pagsang-ayon ni Boy, “It does, it does.”

ULTIMATE CRUSH. Bakit hindi siya mayabang kahit siya ang nababalitang ultimate crush diumano ni John Lloyd Cruz?

Muling natawa si Mylene, “Hindi ko kasi naiintindihan si John Lloyd, kung ano ang pinagsasabi niya.

“Noong nakarating sa akin, ang sabi ko, ’Ha? Ano yun? Ano daw yun?’

Paalala ni Boy, “Sabi daw ni John Lloyd, ikaw daw ang ultimate crush niya.”

Pagbibiro ni Mylene, “Bakit hindi niya sinabi bago naging sila ni Angelica [Panganiban, ang current girlfriend ni John Lloyd] para nagawan pa natin ng paraan? Ha-ha-ha!

Dugtong niya agad, “Ba’t ngayon lang?”


LATEST MOVIE. Pagkatapos ay pinag-usapan nina Mylene at Boy Abunda ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na pinagtatambalan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Sabi ni Mylene, “Hinahandog ng Star Cinema para sa kanilang 20th year anniversary, ang unang pelikulang pagtatambal nina Xian Lim at Kim Chiu, Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?’

“Heto ay directed ni, of course, Binibining Joyce Bernal at ipapalabas na po sa July 31.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Panoorin natin ‘yan,” imbita ni Boy.

GETTING LOST. Sa pagkakataong ito ay ang tungkol naman na Huwag Ka Lang Mawawala ang pinag-usapan ng dalawa.

Tanong ni Boy, “Kung ikaw ay mawawala sa isang bansa, anong bansa ang pipiliin mo?

Tugon ni Mylene, “Sa Pilipinas pa rin.

“Marami akong gusto pang puntahan sa Pilipinas, there’s so much more to…

“At saka, there’s so much more surfing spots na hindi ko napupuntahan.”

Kung may mawawala sa kanyang limang senses, ano naman ang puwedeng mawala?

Ani Mylene, “Siguro yung pang-amoy, para hindi ako ganahan kumain.”

Tanong ulit ni Boy, “Ano ang isang bagay na hindi niya papayagang mawala sa kanya?

Seryoso sagot ni Mylene, “Ah, siyempre, ang dalawang anak ko.”

May dalawang anak si Mylene sa model-actor na si Paolo Paraiso; kumusta naman siya?

Iwas na sagot ng actress, “I love to work, I respect my work.

“Yun nga ang sinasabi ko lagi sa mga ka-trabaho ko especially kay Juday [Judy Ann Santos] na matagal ko nang kaibigan.

“Ang unang stint ko noon sa television was sa Gimik (1996).

“So matagal ko nang katrabaho si Juday and I love to work with her—masarap magtrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN