Angeline Quinto on fizzled romance with Coco Martin: “At least di ako nag-expect, e di naman natuloy.”

Angeline on being asked if she has forgiven Coco for what happened between them in the past: “Kasi matagal ko na namang napatawad si Coco kahit nung di ba nga matagal na kaming di nagkikita. Tanong niyo na lang sa kanya kung napatawad niya na rin ako. Kahit di nagsasalita si Coco, parang feeling ko may something din yun na naramdaman sa akin na ikinasama din niya ng loob. Feeling ko pareho lang kami nagkaroon ng samaan ng loob, di lang nagsasalita yung isa, feeling ko naghihin


Sa nakaraang contract signing ni Angeline Quinto para sa third album niya sa Star Records nung nakaraang Miyerkules, July 17, hiningan ng reaksyon ang Star Power Grand Champion tungkol sa mainit na isyu nila ngayon ni Coco Martin.

Sa mga naunang pahayag niya last week, sinabi ni Angeline na pinaasa lang daw siya ni Coco Martin at diumano’y pagkatapos daw na mahulog ang loob niya dito ay iniwan na lang siya nito sa ere.

Kilalang tapat at prangka si Angeline, at di naman ipinagkaila ng mahusay na singer na masasabi niyang muntikan nang dumating sa punto na naging sila na ng aktor, pero tinuruan na lang niya ang kanyang sarili na di umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

“Sakit ha! Ang daming aswang sa Juan dela Cruz, hahahahaha!

“Si Coco kasi talagang love ko naman ’yan noon, sa ngayon ang tagal na naming di nagkikita ni Coco, halos mag-iisang taon na yata na di kami nagkikita.

“Hindi ko alam kung siguro sinasadya yun kasi nga medyo ganun ang nangyayari.

“Halos dumating kami sa point na ganun, ayoko lang mag-expect sa mga ganyang bagay, di ba? At least di ako nag-expect, e di naman natuloy,” panimulang bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

FORGIVEN? Tinanong din si Angeline kung sa ngayon ba ay napatawad na niya ang aktor at kung sa palagay ba niya ay may dapat din siyang ihingi ng tawad dito.

“Kasi matagal ko na namang napatawad si Coco kahit nung di ba nga matagal na kaming di nagkikita. Tanong niyo na lang sa kanya kung napatawad niya na rin ako.

“Kahit di nagsasalita si Coco, parang feeling ko may something din yun na naramdaman sa akin na ikinasama din niya ng loob.

“Feeling ko pareho lang kami nagkaroon ng samaan ng loob, di lang nagsasalita yung isa, feeling ko naghihintayan lang kami, e. Dumating yung Juan dela Cruz, lalong maraming aswang,” muli niyang hirit na pabiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay inamin ni Angeline na seloso si Coco at isa nga sa pinagselosan nito ay ang naging kapareha din na si Sam Milby sa seryeng Kahit Konting Pagtingin.

“Seloso kasi si Coco e, kahit alam niya na kaibigan mo yung tao. Siguro napaka-protective lang din niya bilang kaibigan.”

“Kay Samuel. Dati pa yun, matagal na yun, bago pa kami magkaroon ng Kahit Konting Pagtingin,” patuloy niyang kuwento.

NON-SHOWBIZ GUY. Pagkatapos ng kabanata nilang yun ni Coco, di naman tinago ni Angeline na sa ngayon ay may nagugustuhan siyang isang non-showbiz guy pero ayaw nga lang niyang magbigay ng anumang detalye tungkol dito.

“Sa ngayon okay naman pero hindi pa in a relationship sa ngayon so parang lumalabas pero di naman lagi. Busy rin yung tao kasi may trabaho siya sa bangko.

“Ayokong isipin na ako pa ang nagsasabi kasi yung family niya baka ma-turn off naman. Di ko pa kilala.

“Schoolmate ko siya nung elementary ako, sa Dominican School. Parang nagkaroon kami uli kami ng communication sa Facebook tapos dun lang.

“Kapag wala akong ginagawa, nagyayaya siyang lumabas so okay naman. Ayoko na muna masyadong madaliin,” kuwento niya.

Ayon kay Angeline, hangga’t maaari ay ayaw daw niya talaga ng kapwa artista lalo’t marami siyang nakitang relasyon ng mga taga-showbiz na nauuwi lang sa paghihiwalay.

Aniya, “Oo, ayoko ng taga-showbiz. Kahit di pa ako nananalo sa Star Power, pagdating sa mga magdyo-dyowa sa showbiz wala namang nagtatagal.

“Parang feeling ko kung sa akin mangyayari na magka-dyowa na taga-showbiz, feeling ko di ko rin kakayanin kasi ganun ako”.

Dahil nali-link din siya kay Erik Santos, agad namang binigyang-linaw ni Angeline na kaibigan lang talaga sila ng kapwa singer.

“Hindi naman, magkaibigan lang talaga kami ni Erik, matagal na kaming lumalabas din,” diin niya.

NEW HOUSE. Isa sa mga investments ni Angeline sa ngayon ay ang bahay na pinapatayo niya para sa kanya at para sa kanyang Mama Bob na kinilala niyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang ibinalita sa amin ng singer na hinahabol niyang matapos ito ng Nobyembre para masabay na rin sa birthday niya ang blessing ng bagong bahay.

“Yes, finishing na siya ngayon. Sabi ko nga kahit ang hirap-hirap ng buhay showbiz, talagang kakayanin ko. Pambili din yun ng pako.

“Siyempre lahat naman ng tao kailangan ng pera, lahat naman tayo kailangan yun lalo na ako na may bahay na pinapagawa.

“Kung natatandaan ninyo pag nagtatanong kayo kung kailan matatapos yung bahay, sinasabi ko sana November kasi gusto ko siyang maisabay ng blessing at birthday ko.

“Yun ang hinahabol ngayon na sana November para masabay sa birthday ko,” kuwento pa niya.

NEW TELESERYE. Ang huling seryeng ginawa niya ay ang Kahit Konting Pagtingin. Sa ngayon ay wala pang siguradong serye na gagawin si Angeline pero inamin nito na kung magkakaroon siya ng bagong soap opera, si Gerald Anderson ang gusto niyang susunod na makapareha.

“Sa totoo lang wala pa pero parang may naririnig ako na next year pero di ako sure.

“Feeling ko di ko muna kakayanin kasi ayokong maghati yung focus ko sa dalawang bagay. Gusto ko talaga mag-focus sa pagkanta talaga.”

“Kasi bago pa ako manalo ng Star Power siya [Gerald] na yung crush ko din.

“Oy, huwag kayong ano ha? Alam ni Maja ito, nag-usap kami sa Baguio. Nung nag-show kami sa Baguio pinag-usapan namin si Gerald so alam niya na gusto ko rin ang boyfriend niya,” paliwanag niya.

Hindi raw kaya siya pagselosan ni Maja?

“Tawa ng tawa, sabi niya, ’e, di sumama ka sa amin minsan pag lumabas?.’

“Sabi ko, baka pupuwede huwag na lang siyang [Maja] kasama. Joke lang! Si Maja kasi close din kami ni Maja talaga, ’tsaka si Gerald napaka-gentleman na tao,” sabi niya.

FOCUS ON THIRD ALBUM. Sa ngayon gusto ni Angeline na mag-focus muli sa pagkanta dahil nga naging abala kasi siya sa pag-arte nitong mga nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga ay pinaghahandaan niya ang kanyang third album sa Star Records na kakaiba raw kaysa sa dalawang albums na nauna na niyang nagawa.

“Sa totoo lang sobrang excited ako, medyo matagal ang naging pahinga ko sa paggawa ko ng album uli kasi medyo medyo na-ano ako sa pag-arte, kung titingan ninyo last year at ngayong taon din.

“Di ko naman yun inaano, lahat naman ng mga blessings tinatanggap kong lahat. Sabi ko nga, sa ngayon gusto kong mag-focus uli sa pagkanta.

“Sabi ko kay Sir Jonathan [Manalo, Star Records producer], siguro ito yung right time uli na makagawa kami ng pangatlong album naman sa Star Records uli.

WISHES TO RECORD DUET WITH SARAH. Nang tanungin kung sino ba ang gusto niyang maka-duet sa kanyang third album, si Sarah Geronimo ang agad na sinagot ni Angeline. Patunay na rin ito na wala talaga silang kumpetisyon ng Pop Princess kung saan matagal na silang pilit pinagsasabong.

“Pinag-uusapan namin ni Sir Jonathan actually last year pa yun na sana kung magkaroon ako uli ng album, sana si Sarah.

“Gusto ko magkaroon uli kami ng duet na parang Barbra Streisand and Celine Dion, yung duet nila na “Tell Him.”

“Sana si Sarah kasi last year si Ms. Regine. Si Ms. Regine tumutulong din siya sa paghanap ng bagong kanta na original songs ni Sir Ogie para sa album so thank you. Excited din sila sa album.”

“Si Sir Jonathan ang pinakatumulong sa akin. Kapag mayroong bagong kanta na gusto kong aralin, siya yung nilalapitan ko lagi.

“Sabi ko rin sa kanya kasi yung first album ko at second album, lahat kung napansin ninyo puro ballad lahat ng laman nun.

“Ngayon gusto kong may maiba. Ako aminado naman ako na medyo mahina ako sa mga fast songs, feeling ko ito ang time ko, dapat harapin ko yun, gusto ko ring aralin kung ano ang kahinaan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko ito ang bagong Angeline na makikita ng mga tao.”

“Para sa akin naman tapos na yun. Feeling ko yung ibang tao nagsawa na rin sa kaka-issue-issue na talagang pinagku-compete kami ni Sarah.

“Para matapos na rin at least maintindihan lalo ng tao na magkaibigan kami ni Sarah,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN