Crossover actor Alex Vincent Medina dreams of working side-by-side with dad Pen Medina

Alex Vincent Medina shares the differences between indie film and mainstream TV acting:“Mag-iba ang indie at sa TV, e. Sa TV kailangan mas malaki ang performance na binibigay mo at mahahaba ang mga lines na idi-deliver mo. Kailangan sa umpisa pa lang, ramdam na ng TV audience ang character mo. Sa indie kasi, nakasanayan ko na yung simple lang ang pag-arte. Dinadaan sa kilos ng iba’t ibang parte ng katawan mo, mostly ang mata ang ginagamit ko tapos less dialogues.&


Malaking pagbabago para sa indie actor na si Alex Vincent Medina ang pagsabak sa mainstream showbiz dahil nakasanayan na nga niya ang simpleng mundo na dati niyang kinabibilangan.

Nag-umpisa nga si Alex sa mundo ng indie cinema at ginawa niya ang mga critically-acclaimed indie films tulad ng Concerto, Iliw, Fidel, Mangatyanan, Fling, Ka Oryang, Balang Araw, Pascalina at Mariposa.

Pero sa award-winning role niya sa Cinema One Originals entry na Palitan, doon nga napansin si Alex ng ilang TV executives at agad nga siyang binigyan ng magandang role para sa top-rating drama series ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak.

“Three days after I won sa Cinema One Originals, I received a call kung okay lang ba akong mag-audition for a role sa Ina, Kapatid, Anak.

“I learned that the role of Diego was originally for another actor. Pero nagkaroon yata ng problema kaya naghahanap sila ng puwedeng gumanap sa role.

“Nagustuhan ko yung role na pinagawa nila sa akin. It’s a dark and mysterious character. So I made it my own. Nagbuo ako ng sarili kong character at nagustuhan nila.

“Before I knew it, ako na ang pinabalik nila at pinag-taping na nila ako the next day. And the rest, as they say, is history,” kuwento pa ni Alex nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cusina Ni Bunso restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City last July 17.

Ngayon ay kasama si Alex sa cast ng My Little Juan at naka-adjust na raw siya nang husto sa schedule ng kanyang trabaho sa telebisyon.

ADJUSTING TO MAINSTREAM SHOWBIZ LIFE. Inamin ni Alex na matagal siyang nakapag-adjust dahil hindi nga siya sanay sa work environment ng isang mainstream TV production.

“To be honest, hindi ako TV person kasi, e. Hindi ako familiar sa mga TV series. Kahit sa mga artista, kilala ko sila pero hindi ko sila napapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, my dad [Pen Medina] and my brother [Ping Medina] are both doing TV series sa magkaibang TV networks, pero hindi ko sila napapanood. Iba kasi ang interest ko before.

“I’m more into theater, indie films and music. I’m the vocalist of a band called Alex In Wonderland.

“I’m also into sketching and drawing. I do storyboards from music videos and TV commercials. Wala talaga akong alam when it comes to TV.

“Kaya you can just imagine yung adjustment na ginawa ko para sa trabahong ’to.

“Masasabi mo rin na na-culture shock ako kasi gano’n pala magtrabaho sa isang TV show.

“Ang taping ay three times a week at 24/7 yun. Unlike kasi kapag gumagawa ka ng indie film, ang pinakamatagal na shooting ay aabutin lang ng three days.

“Kaya natuto akong matulog ng maaga dahil may taping ako kinabukasan. In a way, nadisiplina naman ako.

“Even sa acting, mag-iba ang indie at sa TV, e. Sa TV kailangan mas malaki ang performance na binibigay mo at mahahaba ang mga lines na idi-deliver mo.

“Kailangan sa umpisa pa lang, ramdam na ng TV audience ang character mo.

“Sa indie kasi, nakasanayan ko na yung simple lang ang pag-arte. Dinadaan sa kilos ng iba’t ibang parte ng katawan mo, mostly ang mata ang ginagamit ko tapos less dialogues,” detalye niyang kuwento.

Nakasanayan na nga rin ni Alex ang atensyon na binibigay sa kanya ng maraming tao, lalo na noong mapanood siya sa indie film na Palitan dahil sa ilang maiinit na eksena nila ni Mara Lopez.

“Though napapanood na nga nila ako sa Ina, Kapatid, Anak, mas naaalala nila ako sa role ko sa Palitan.

“Like minsan, may lumapit sa akin. Tinawag niya ako na Diego, yung name ng character ko sa Ina, Kapatid, Anak. Pero yung pelikulang Palitan ang nabanggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nga malakas ang impact ng pelikulang iyon. Mas naaalala nila ang pumping scene ko with Mara Lopez!” tawa pa ni Alex.

Wala naman daw balak na maging isang bold actor si Alex. Natataon lang daw na pinaghuhubad siya sa mga indie films na ginagawa niya tulad nga sa Palitan at sa Cinemalaya Independent Film Festival official entry na Babagwa (Spider’s Lair).

BABAGWA. Ang Babagwa ay kuwento ng buhay ng mga online scammers at ng mga taong nagiging biktima nila. Mula ito sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at kasama rin sa cast sina Joey Paras, Alma Concepcion, Nico Antonio, Chanel Latorre, Garry Lim, Raqs Regalado, Marx Topacio, Sunshine Teodoro at Kiko Matos.

“Very timely itong kuwento ng Babagwa kasi marami ang nagiging biktima ngayon ng mga online scammers.

“Napapaniwala nila ang mga victims nila—napapa-ibig nila hanggang sa kung anu-ano na ang mga hinihingi nila at sa ending ay bigla na lang mawawala.

“Pero sa kuwento namin, paano kung yung nanloloko ay mahulog ang loob sa taong niloloko niya? Ano ang magiging consequence nito?

“Based on a story ng ilang kakilala ni Direk Jason ang kuwento ng Babagwa.

“Controversial and intriguing ang kuwento nito at magsisilbing babala ito sa maraming nagpapadala sa mga online scammers,” pagmamalaki ni Alex.

Dahil sa aktibo nga sa indie cinema si Alex, wala bang nagiging rivalry sa kanila ng kanyang Kuya Ping na sa indie films din nagsimula?

“Wala namang gano’n sa amin ni kuya.

“’Tsaka magkaiba ang mga ginagawa namin. He’s more into conventional roles samantalang ako, maeksperimento ako.

“Mas gusto ko yung naiiba—yung medyo daring pero nagte-test ang pagiging actor natin.

“Kaya nga I accepted daring roles sa Palitan and Babagwa kasi hindi siya yung usual na ginagawa ng iba. Nasa indie ka na rin lang, might as well try these roles, di ba?” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORT FROM DAD. All-out support naman daw ang ama nilang si Pen Medina sa acting career nilang magkapatid.

“Si Dad ang nagwu-workshop sa amin. He likes doing it. Kung sa ibang mga artista raw ay nase-share niya ang nalalaman niya sa pag-arte, bakit hindi sa sarili niyang mga anak?

“Hindi lang kami ni Kuya Ping ang umaarte. Yung eldest namin is also doing an indie film for TV5. Tapos yung youngest namin, may gagawin din na pelikula.

“He always tells us to be truthful when acting. What goes on in the character’s mind, yun daw yung palagi naming panghawakan.

“Nakaka-relate naman si Dad sa mga roles na ginagawa ko ngayon kasi gano’n din siya.

“He did some daring roles noon and he never regretted doing them. Doon nga raw siya nakilala. Ngayon sa mga ginagawa kong roles, nakikilala na ako,” patuloy niya.

DREAM ACTING TANDEM. Ironically, hindi pa nga nakakasamang umarte ni Alex ang kanyang ama sa isang project. Yun nga raw ang dream niyang mangyari baling-araw.

“Kapag tinatanong nga ako kung sino ang gusto kong makatrabaho sa movie or TV, lagi kong sinasabi ay ang Dad ko at hindi ang ibang actors.

“Kasi nga I haven’t worked with him yet and I feel na makukumpleto ang pagiging actor ko if I had a chance to work side-by-side with my dad.

“Kapag nangyari na iyon, pinagdarasal ko na ready ako at lahat ng tinuro niya sa akin ay magawa ko ng tama.

“Siyempre, ayoko naman mapahiya kay Pen Medina, ’di ba?” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN