Raymart Santiago and Claudine Barretto celebrate their birthdays—apart

Claudine Barretto celebrated her birthday at home with her family, while Raymart Santiago had his own birthday bash in a restaurant in the company of his friends


July 20 ang birthday ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago; 1973 si Raymart (40 years old) at 1979 naman si Claudine (34 years old.)

Bagamat hindi na sila nagsasama sa iisang bahay, nagkaroon pa rin sila ng kanya-kanyang selebrasyong sa magkaibang lugar.

Makikita ang mga larawan ng kani-kanilang selebrasyon sa photo-sharing website na Instagram.

CLAUDINE’S BIRTHDAY AT HOME. Unang post ni Claudine kahapon ay litratong kuha si Sabina habang naghahanda ng iluluto daw nito sa kanya. Nakalagay sa caption nito, “Sabina Cooking Steak for Mom.”

Kasunod na litrato ay may birthday cake kasama si Sabina at ang ina ni Claudine na si Mommy Inday. Naka-caption dito, “Santino’s bday & my birthday salubong last night. thank u all for ur greetings. I luv u all. God bless po.”

Kasunod na post dito ay regalo mula sa kaibigan ni Claudine. Last post niya ay mga cakes na regalo sa kanila ni Santino, na sa July 19 ang birthday.

May mensahe si Claudine sa kanyang mga tagahanga sa caption.

Isa namang kaibigan ni Claudine ang nag-post ng litrato kung saan parang magbu-blow na ng kanyang birthday cake ang actress.

RAYMART’S BIRTHDAY. Sa halos kasabay ding oras ng pag-post ni Claudine ng picture ni Sabina na naghahanda ng steak, isang kaibigan naman ni Raymart ang nag-post sa kanyang Instagram account ng litrato ng birthday boy na nag-celebrate sa isang restaurant.

Nakalagay lang dito ang mga katagang “Happy Bday Raymart!!!!”

Kasunod din dito ipinakita ang mga handang pagkain sa karawan ni Raymart.

Kasunod nito, ay ang litrato pa rin ni Raymart kaharap ng birthday cake para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN