Direk Joey Reyes on the decadence of Pinoy culture: “Hindi mo masisisi na manipis at malutong ang kulturang Pilipino.”

Direk Joey Reyes on reliving the glory days of Philipine cinema: “Evolution ’yan, e. Yung nagdaan, nagdaan na. Maski ako bilang isang direktor, alam ko na kailangan ko na... it’s constant learning. Hindi naman puwedeng maupo na lang ako sa bahay at ilagay mo ang mga tropeo sa shelf mo. You reach a certain point in your life when you realize that it’s nothing. Kasi bilang isang director, bilang isang nagmamahal sa pelikula gusto mong maging makahulugan s


Naging vocal ang Simbahang Katoliko sa pagbabatikos at pagbibigay paalaala sa mga TV producers sa tema ng shows na ipinapakita nila sa viewing public.

Bunga ito ng maselang tema ng My Husband’s Lover, ang primetime series ng GMA-7 na tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang lalaki.

Pero kasunod naman nito ay ang pagkalat sa social networks ng video ng isang pari mula sa ibang bansa na nakunan sa isang uncompromising position kasama ang isang lalaki.

HE WHO CASTS THE FIRST STONE...” Bilang isang advocate sa mga konsepto at temang kakaiba na ipinalalabas sa pelikula at telebisyon, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Jose Javier Reyes kung ano ang opinyon niya tungkol dito.

“Ayaw ko ng ganyan,” simulang pahayag ni Direk Joey.

“Para kasi sa akin kasi kahit anuman ang ating batikos sa mga tauhan ng Simahan, kailangang ihiwalay natin ang tauhan ng Simbahan at ang Simbahan mismo.

“Ibigay pa rin natin ang wastong pagrerespeto sa kanila

“Kung ayaw mong nababastos ka, ’wag ka ring mambastos, di ba?

“At kung mambatikos sila, ang pagbabatikos naman natin sa kanila yung mataas sana ang antas. So, hindi ko gusto yung priest na nahuli.

“Kung ipabasa ko sa inyo ang book na binabasa ko ngayon, puro iskandalo ng mga pari.”

Sabi pa niya, “Ang sa akin naman kasi, your faith is based on your God, and not your Church.

“So, ang sukatan ng pananampalataya ay hindi yung kung ano ang sinasabi mo, hindi yung kung ano ang ibunubuyangyang mo sa mundo, kundi kung ano ang ginagawa mo at kaisipan mo.”

YOU CAN’T TEACH COMEDY.” Pagkatapos nito ay muli naming inalam sa kanya ang tungkol sa panukala ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magtayo ng school of comedy para ma-institutionalize at ma-professionalize ang comedy acting sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-react na ako d’yan, e,” diin ng batikang director. “With due respect to the Chairperson [Atty. Toto Villareal] whom I believe na meron siyang good intentions, you don’t teach comedy, e.

“Either you have it or you don’t, di ba? Either magaling ka magpatawa o nakakaawa ka, okay?

“Dahil nga ang sinabi nilang yung school of stand-up comedy ay dinala sa telebisyon, e, nangyari, e. I mean, ’wag n’yong batikusin yung comedian, batikusin n’yo, [yung] policy ng network.

“Dahil hindi naman aabot yun do’n kung hindi kinunsinti ng network, di ba? Yun lang yun, e.”

Pero, ayon sa iba, meron daw school for drama or school for fashion, bakit hindi puwede ang school for comedy?

Pagkontra ni Direk Joey, “No, no, it’s a school for acting because mas madali ang magpa-iyak kaysa sa magpatawa.

“At ang mahirap ay ang umarte ka.

“So, for this generation to be a good actor, there’s should be a school for acting, di ba?

“Kaya natawa ako no’ng sabihin ni Vice [Ganda] na gusto ko mag-aral at ayaw kong magturo sa school na yan. Well, maybe because maybe he’s a good comedian and also a good actor.

“So, you don’t study comedy kundi acting. Kapag marunong ka umarte ay pinag-aaralan both drama and comedy because it’s the two phases of the same person-of the same actor.”

FRAGILE PINOY CULTURE. Inalam din namin ang take niya sa trend noon at ngayon sa telebisyon shows. Tulad karamihan ay makikita na ang mga palabas ay mga Koreanobela, Japanobela at iba pa.

Paliwanag ng award-winning director, “No kasi, you can look at it in a very scholarly way, e.

“Ang kultura ng mga Pilipino ay very fragile.

“Hindi tayo tulad ng Korea lalo na ang Japan na mga henerasyon ay ilang beses lang dumaan at nahinop na at buung-buo na ang kultura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tayo, nagsisimula pa lang tayo ay pumasok na ang Kastila, pumasok na ang mga Amerikano, hindi ba?

“Tama yung sinabi ni Nick Joaquin na, ’Four hundred years of Catholicism and two hundred years of Hollywood.’”

Sabi pa niya, “So, hindi mo masisisi na manipis at malutong ang kulturang Pilipino. Ngayon, tinanong pa namin kung sino at ano ba ang Pilipino?

“Nagkataon habang tinatanong natin ’yan, dumagsa ang globalization and there’s no way of stopping it.

“Ba’t ganyan ang mga Hapon, na-preserve nila? Na kahit na-westernize sila ay nakikita mo pa rin ang tatak-Hapon?

“Dahil nahinop ang kultura nila. Pinahalagahan ng Hapon ang kanilang kulturang Hapon.

“Tingnan mo ang Korea. Kasi ang Korea ay bumawi. Suportado sila ng gobyerno at ang Korea ay hindi lamang... talagang tinatrabaho na suportahan sila ng gobyerno.”

Hindi raw tulad sa ating bansa na parang balewala lang ang ating kultura para sa karamihan.

“E, ang mga Pilipino?” pag-analisa niya. “Kanta tayo ng kanta ng mga K-Pop, e, hindi mo maintindihan, ano.

“Tapos, nagbibihis ka na parang K-Pop stars, e, ang init-init ng ating bansa.

“Kasi nga, nai-imbibe natin yun na kapag oras kumanta ka ng K-Pop hindi lamang binibili mo yung kanta, binibili mo rin yung kultura ng Koreano.

“Pati nga sa eskuwelahan, kapag nagtuturo ako sa De La Salle, ang dami-daming mga Koreano, nai-imbibe talaga ang ano nila.

“Pero, tingnan mo ang Koreano, kahit sila-silang lang ay magkakasama-sama sila. Pero, ang Pilipino, dalhin mo sa Amerika, mas Kano pa sa Amerikano, di ba? Two months lang sa Amerika, may accent na.

“So, yun ang sinasabi ko, ang mga Koreano, ang pagkakakilanlan nila sa kultura nila ay malalim. Yun ang dapat matutunan natin.”

CULTURAL EVOLUTION. Nami-miss na ba niya ang Golden Era ng industriya ng Pelikulang Pilipino? Nami-miss ba niya ang mga pelikulang tulad ng Himala; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak; Maynila sa Kuko ng Liwanag; Itim; Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Evolution ’yan, e,” diin ni Direk Joey, “Yung nagdaan, nagdaan na.

“Maski ako bilang isang direktor, alam ko na kailangan ko na... it’s constant learning. Hindi naman puwedeng maupo na lang ako sa bahay at ilagay mo ang mga tropeo sa shelf mo.

“You reach a certain point in your life when you realize that it’s nothing.

"Kasi bilang isang director, bilang isang nagmamahal sa pelikula gusto mong maging makahulugan sa mga manonood. Hindi ka puwedeng mabuhay sa nakaraan.

“Kailangan mong tingnan ang sa ngayon at kung ano ang kapupuntahan ng iyong craft sa sining.

“Ako, I have donated all my trophies. I love my trophies but I think I can’ t live by my trophies alone.

“The bottom line is, what is important is to look ahead—to really look ahead.”

Dagdag pa niya, “Yung sa glorious days sa Philippine cinema, malay natin it would come again. There’s always a turning point, e.

“Naniniwala ako na anuman sa mundo ay maaaring umikot at bumalik.

“Meron din kasing sawa, e. Dyusko, kung ang kultura nga ng Greko [Greek] ay bumagsak, pelikula pa kaya?

“Walang namamayagpag forever.

“Sino ang mag-aakala na ang major studios noong 70s and 80s ay mawawala, di ba?”

IN PRAISE OF MOTHER LILY. Dito na nga niya nabanggit ang sobrang pagmamalaki niya sa Regal Films at sa Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde.

“Pero, tingnan mo, andiyan pa ang Regal,” bulalas ng isa sa maraming ginawang pelikula sa Regal Films.

“Nandiyan pa si Mother [Lily]. Nandiyan pa ang Viva Films.

“Heto nga ang sinasabi ko, kahit paikutin pa ang mundo, walang makaka-kuwestiyon sa contribution ni Lily Monteverde sa pelikulang Pilipino.

“May kaluka-lukahan man siya, isumpa mo man siya, si Lily Monteverde, markado sa pelikulang Pilipino. Tingnan natin kung magma-marka ang iba,” pagtatapos niyang pagmamalaki sa respetadong film producer at kapatid sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN