Kim Chiu on real score with Xian Lim: “Sobra akong nagpapasalamat, I’m happy, grateful and contented sa kung anong meron kami ngayon.”

For the first time, si Kim Chiu naman ang nagbigay ng surprise birthday party bilang pasasalamat niya kay Xian Lim. Kuwento ni Kim: “Kasi, sa lahat ng binigay niyang gifts, effort, time, wala akong binabalik sa kanya. Nakakahiya, ang kapal ng face ko!”


Ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? ang bagong pelikula ni Kim Chiu na katambal ang napapabalitang boyfriend nitong si Xian Lim.

Sa live guesting ni Kim kahapon sa The Buzz, sunud-sunod ang tanong ni Boy Abunda kay Kim.

Ang una niyang tanong: Nangyari na ba sa buhay ni Kim na hindi nga siya crush ng crush niya?

Tugon ni Kim, “Oo naman, Tito Boy.

“Lahat naman tayo, may tanong, ‘Bakit kaya hindi ako crush ng crush ko?’

“Kaya kapag pinanood nila ang movie na ito, doon nila makikita ang sagot sa tanong nila.”

HEARTBREAKS. Ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? ay bahagi ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema.

Ang kuwento ay hango sa libro ni Ramon Bautista na kasama rin sa pelikula, sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

Lahad ni Kim, “Hindi lang naman tungkol sa nawasak ang puso.

“Nandoon din ang mga about sa crush, sa friend-zone.

“Yung kunwari, may gusto ako sa iyo, pero ikaw, wala kang gusto sa akin, yung one love lang.

“’Tapos, nandoon din ang proseso ng pagmu-move on.”

ROMCOM MOVIE. Comedy ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? pero, napapanood din si Kim sa mga teleseryeng sa ABS-CBN na nagda-drama o nagpapaiyak.

Masasabi ba niyang mas at home siya sa mga ganitong klase ng pelikula?

“Napapanood naman po siguro nila na, I’m more on sa drama sa teleserye. Yung past movies ko is about love story.

“Ito, it’s something different kasi, after ng Ina Kapatid Anak na sa sobrang heavy, iyak ka nang iyak.

“Ito naman, tawa ka naman nang tawa. So, parang bago siya sa akin.

“Kaya sabi ko, hindi pala siya ganoon kadaling magpatawa, kasi, taga-tawa lang ako, kahit anong joke mo, benta sa akin.

“Parang, ‘Nakakatawa na ba yun, Direk?’ ‘Ah, hindi, ulitin natin.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang artista, ano ang mga adjustment na ginawa niya para sa pelikula?

Sagot niya, “Ay, siguro po, unang factor yung director namin, si Direk Joyce.

“Sobra siyang nakakatawa. So, tawa lang kami nang tawa sa set.

“So, ikaw, habang dine-deliver mo yung mga lines mo, lumalabas na rin.”

Ibinigay na nga ni Kim ang lahat niya sa pelikulang ito, na ayon kay Boy, “nagpa-baboy at binaboy,” siya sa pelikula.

Natatawang sabi naman ni Kim, “Oo, Tito Boy, inaamin ko po. Sobra!

“Hindi ko in-expect na humiga sa tabi ng inodoro na magpakahiga, na yung eyeliner, imbes na ilagay sa eyelashes, nilagay sa eyebags.

“’Tapos yung lipstick, kinapalan at yung buhok, sobrang kinky. So, iba talaga, sobrang nakakapanibago sa akin.

“At ’ayun, nagpapasalamat ako nagawa ko siya, natapos namin siya. And yun, sana suportahan siya ng mga tao.”

ON XIAN LIM. Napa-“Ay!” naman si Kim nang sabihin ni Boy na si Xian naman ang pag-usapan nila.

Kumusta nga bang katrabaho si Xian sa pelikula?

“Hayun, mas naging close kami sa isa’t isa, mas naging bonded kami kasama sila Direk.

“Kasi, sobrang cowboy si Direk na kapag break, kumakain kami ng sabay, kuwentuhan kami.

“So, ’ayun, maraming bonding moments.”

Ipinaaalala naman ni Boy ang nakaraang birthday ni Xian sa pagpapakita ng mga video footages nito.

Si Kim ang nag-abala ng surprise rito para kay Xian kasama ang kani-kanlang pamilya.

Kuwento ni Kim, “Siguro, it’s my way of saying thank you sa lahat ng efforts niya.

“Kasi, sa lahat ng binigay niyang gifts, effort, time, wala akong binabalik sa kanya.

“Nakakahiya, ang kapal ng face ko!”

Patuloy ni Boy, anong bagay meron si Xian na hindi alam ng tao, pero, naa-appreciate niya?

Tugon ni Kim, “Sincerity at saka siguro, yung pagiging maalaga niya, and funny siya.”

ON OR NOT? Nagulat naman si Kim sa tanong ni Boy na puwede raw nitong sagutin o hindi—sila na nga ba ni Xian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, nakakaloka! Wag muna yun, Tito Boy. Tumulo ang pawis ko roon.”

Dugtong naman niya, “Masaya lang, masaya.

“You know, ako, masaya kapag nandiyan si Xian, and he makes me feel good, parang pinapatawa ka niya.

“Yun nga, kapag kasama mo siya, tatawa ka lang nang tatawa.”

Kaya natanong ni Boy kung sila na nga ba ni Xian ay dahil sa mga nakaraang pinagdaanan ni Kim nang pumanaw ang kanyang ina, nandiyan lang si Xian na naramdaman ni Boy kung gaano siya kamahal.

“Ay, nakakaloka,” natatawang sabi muna ni Kim.

“Sobra akong nagpapasalamat, I’m happy, grateful and contented sa kung anong meron kami ngayon.”

Sa mga fans niya na parang hanggang sa dulo ng walang hanggan, ipinagtatanggol siya.

Natutuwang sabi niya, “Ay, sobra, sobra sila.

“Sa Twitter ko, sa Instagram ko, na kapag may isang nang-aaway lang sa akin, mga kinse na silang nakikipag-away doon sa taong yun.”

LESSONS LEARNED. Sa pagpanaw ng kanyang ina, nakatanggap siya ng “kind words,” pero, nandiyan pa rin ang mga “harsh words.”

Tanong ni Boy, ano ang pinakaimportanteng aral na natutunan niya sa pagpanaw ng kanyang ina?

“Ano… iyon yung lagi kong saying sa buhay ko na, ‘Everything happens for a reason.’

“Di ba, sinabi ko na nga po sa inyo ito dati? Doon lang ako kumakapit.

“Na parang, oo, nangyari ‘yan, may dahilan kung bakit.

“Parang ganoon and yun, masaya ’ko na yung isang chapter ng buhay ko, sarado na, alam ko na.

“And ’ayun, masaya ako sa family ko.

“Kung anuman ang nangyari sa akin, I’m thankful, happy and blessed.”

Sa mga taong hindi nakakaunawa sa chapter ng buhay niya na sarado na nga at handa na siyang mag-move on, ano ang gusto niyang sabihin?

Matatag niyang tugon, “I don’t owe them any explanation, Tito Boy. Okey lang naman kasi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay, I’m a public figure and I came from a reality TV show, they know where I came from.

“And siguro, yung footage na nai-share ko, I think, that’s enough for them to know.

“May iba na puwede mong i-share, may iba rin na para lang po sa akin.”

Sa panahon na nais niyang magpaliwanag, pero alam niyang hindi rin siya maiintindihan, ano ang ginagawa niya?

“Tama,” sabi niya.

Tahimik na lang ba siya?

“Yeah, because everyone has their own opinion, you can say whatever you want to say.

“Pero, ako ito, e. I don’t care about their opinion as long as I’m happy, I’m blessed, I’m thankful and contented.”

COURAGEOUS. Bakit ang tapang-tapang niya ngayon?

“Siguro, maturity, I have grown in this business for like…seven years.”

Diretsuhan namang tinanong ni Boy si Kim kung yun ba ang nagawa ng “pain” sa kanya.

Isang, “Ay, nakakaloka!” ang mabilis na naging reaksiyon ni Kim sa sinabi ni Boy.

Pero ayon din kay Kim, “Siguro…”

Sabi ni Boy, itong 2013, marami siyang pinagdaanan pero, buung-buo siyang humaharap at nagpapaliwanag.

Pagsang-ayon ni Kim, “Yun nga, life goes on and you can learn from your experience.

“Doon lang naman umiikot yun, e. Sa tama at mali, sa desisyon mo.

“Wala, you just have to accept kung anuman ang nangyayari sa buhay mo.”

VISION. Sa kanyang palagay, sampung taon mula ngayon, nasaan na siya?

“Ay, nakakaloka! Lahat na lang nakakaloka!” natatawang reaksiyon pa rin niya sa tanong.

“Twenty-three ako, siguro, thirty-three? Ay, ang tanda, Tito Boy! Puwede bang five years?”

May asawa, may anak?

“Ay, oh, my God, I don’t know. Ako kasi, I don’t think kung ano ang haharapin ko sa future.

“Ine-enjoy ko lang kung ano ang meron ako ngayon, kasi, hindi mo alam, life is too short for you to dwell on the future.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang pinag-uusapan ay ngayon, masasabi kaya niyang nasa mabuti siyang kalagayan?

“Yeah, I can say,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN