Martin Escudero on issue with former manager Popoy Caritativo: "Let’s move on, and magkakapatid pa rin tayong lahat, magmahalan tayong lahat."

Paano kung magkasalubong sila ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo? Ang sagot ni Martin Escudero, "Pag nakita ko siya, babatiin ko."


Hanggang January 2014 na lang ang kontrata ni Martin Escudero sa TV5 pero wala pang definite plan ang aktor sa susunod niyang career decision.

“Sa ngayon marami akong plano pero ini-enjoy ko pa yung pagiging Kapatid artist ko at saka matagal pa naman yun.

"So, parang maaga pa kung ano yung mga gusto kong gawin. Kailangan pa ng konting panahon para magawa ko yung mga planong yun.”

Nakausap nang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa kakatapos na Yahoo Awards 2013 sa MOA Arena noong July 19.

Saad pa niya, hindi pa niya alam kung ano ang magiging desisyon ng TV5.

“Siyempre, may choice ang TV5 kung ire-recontract ako o hindi na. Doon na lang tayo magkakaalaman kung ano ang plano nila para sa akin."

"Oo" ang mabilis na tugon ni Martin sa tanong namin kung masaya naman siya sa TV5. Ibig sabihin ba nito, wala siyang planong iwan ang istasyon?

“Ahm, gaya nga ng sinabi ko, masaya ako sa TV5. Pero siyempre, hindi natin masabi kung ano ang mangyayari kasi may six months pa ako.

"Hindi ko masasabi kung ano ang magiging kaganapan sa mga darating na buwan.”

Ang kasalukuyang kontrata ni Martin sa TV5 ay pinamahalaan pa ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo na siya ring dating manager ni Marian Rivera.

“Ano pa lang ako noon, hindi pa ako Zombading noon,” na ang tinutukoy niya ay ang nagiging popular role niya sa isang indie film.

Dagdag niyang sabi tungkol sa paglipat mula sa GMA-7 papuntang TV5, “Fresh pa lang ako, kakalipat pa lang."

May nakukuha pa rin bang komisyon si Popoy sa kontrata niyang isinara sa TV5?

Tumango ito sabay sabing, "Siya pa rin yung manager ko doon.”

Inamin ni Martin na hindi na sila nagkakausap ni Popoy, pero hindi raw problema yung sa komisyon nito sa mga projects niya sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksplika ng young actor, “Nagbigay na rin siya ng sulat sa TV5 na automatic split na.

“So, ibig sabihin, yung sa talent fee ko, yung TV5 na ang bahalang maghati.”

STILL LOOKING FOR NEW MANAGER. Sino ang nakikipag-usap pagdating sa mga offers niya para sa bagong show, pelikula, endorsements, at kung anu-ano pa?

“Simula sa puntong ito, ako na ang namamahala sa sarili ko.”

Bakit hindi siya naghanap ng bagong manager?

“Gusto ko munang makatiyak. Alam mo yun, nasa proseso pa ako ng paghahanap e. Marami kaming nakakausap na managers. Pero since may ilang months pa ako sa TV5, kaya kinukuha muna namin yung pagkakataong yun na makapag-isip at makapagsala ng mga taong puwede naming pagkatiwalaan.”

Ayon pa kay Martin, lagpas lima na ang nakakausap nila para mag-handle ng kanyang career pagkatapos ng kontrata niya sa network.

May bulung-bulungan din sa showbiz na baka ang ama niya ang tumayong manager ng Kapatid star.

Ano bang hinahanap mong klase ng manager? Ayaw mo ba ng gay manager?

Napangiti si Martin sa narinig, “Ano naman yun, wala tayong magagawa doon. Siyempre, kung sino yung lumapit, wala naman ’yan sa kung bading ba o babae o lalake? Siyempre, yung professional kausap.

“Kasi unang-una naman business ’eto, e. So, importante lang yung transparent ka, maayos kang kausap.”

Anong ibig mong sabihin sa professional kausap?

“Kumbaga, work-related. Ang hanap ko ngayon yung talagang trabaho, trabaho. Alam mo yun?"

Ang ibig ba niyang sabihin, hindi papakialaman ang personal niyang buhay?

“Siyempre, kailangan yun. Ano naman yun, SOP naman yun sa mga managers. Yung madadaling kausap.”

Paano naman yung sa finances o paghahawak ng pera? Gusto mo ba na ikaw na ang humawak ng kita niya nang buung-buo?

Ang sagot ni Martin, “Ako naman talaga... Lahat naman ng gastos ko, sa akin nanggaling...

"Basta, thirty percent sa kanila, hanapan nila ako ng trabaho. Yun lang naman yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang isa sa mga sinasabing pinag-awayan nina Martin at ng dati niyang manager ay tungkol sa pera. Pero sa nauna nang nailathala na panig ng kampo ni Popoy dito sa PEP, ang naging arrangement nila noon ay may consent umano ng StarStruck alumnus.

Dagdag naming tanong, paano yung pagtatago ng finances mo, gusto mo ikaw na?

Aniya, “Ay, iba na rin. Hindi na gano’n. Siyempre, tumatanda na rin ako, e. Kailangan bilang isang ganap na lalake— isa yun sa mga bagay na kailangan, ako na ang humahawak.”

Komo nga kontrobersyal ang naging hiwalayan nila ng manager niya, napaso ba siya sa mga nangyari?

“Sa tingin ko, hindi rin gano’n kadaling maghanap kasi may kontrata pa kami sa TV5. So, isa yun sa mga tinitignan naming...

“Pero yung sa mga gano’ng bagay na pagsisisi o napaso, ano yun, e, hindi ko na iniisip na ganon, e.

"Nagpapasalamat pa rin ako dahil may natutunan ako sa mga nangyari.”


WHAT IF HE BUMPS INTO POPOY? Samantala, nakakausap pa rin daw niya ang mga dating kasamahan sa Luminary, pangalan ng talent company ni Popoy.

Kabilang na rito sina Marian at Dennis Trillo.

“Oo naman, close naman kami ni Marian. Hindi naman nagbago yung closeness namin.

"Kahit si Dennis, magkakapatid pa rin ang turing namin. Si Dennis yung natira kay Popoy. Siya yung kasabayan namin, e, parang siya yung prime ni Popoy, e.”

Paano kaya kung magkita kayo ng dati mong manager sa isang lugar o okasyon?

“Okey lang, wala namang ano, e…hindi pa kami nagkikita ever since, so kahit usap...

“Pero pag nakita ko siya, babatiin ko.

“Everything has been done at it’s all over na. Let’s move on, and magkakapatid pa rin tayong lahat, magmahalan tayong lahat.”

Minahal mo ba si Popoy?

“Bilang manager siyempre, minahal ko siya bilang parent! Ikaw ha?!” sabay tawa nang malakas ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN