Eula Caballero on TV5 exec Perci Intalan’s rumored resignation: “I feel sad…isa si Sir Perci sa nakakapitan ko sa TV5.”

“He’s my boss, pero I don’t hesitate to tell him na…I have this problem now, I might not be able to go to this event… And he’s been very understanding. Alam mo yun? Sa trabaho naming dalawa na I can feel na may puso siya for me,” banggit ni Eula Caballero tungkol sa TV5 executive na si Perci Intalan na napapabalitang aalis na sa Kapatid station.


Tapos na ang taping ng fantasy-action series sa TV5 na Cassandra, The Warrior Princess.

Pero hindi pa alam ng lead star na si Eula Caballero kung kailan ito ipapalabas.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eula sa nakaraang Yahoo! awards na ginanap sa MOA Arena, naka-standby lang daw silang members ng cast para sa posibleng additional scenes, sequences, o re-shoots.

Saad pa niya, “Hindi ko kasi masabi kung hanggang kailan yung airing, kasi yung per week namin sa script, hindi namin siya nasusundan, e. Mas maikli siya umeere sa isang airing day,” paliwanag ng morenang aktres.

Magtatapos man ang kanyang show, hindi naman mababakante si Eula dahil may gagawin siyang telesine.

Bago nga lang niya simulan ang taping nito, pupunta raw muna siya sa Singapore.

Paliwanag niya, “May project kasi doon yung dad ko. My dad’s company is based in Qatar. Pero may gagawin silang project sa Singapore. May gagawin silang building.

“My dad will stay there for three days. So, magkikita kami doon. Pero ako, didiretsuhin ko na to have a vacation with my best friend.”

Yun lang daw ang chance nilang mag-ama na magkita, dahil posibleng babalik na agad sa Qatar ang kanyang ama para ipagpatuloy ang trabaho nito roon.

“Kasi kung pupunta siya ng Pilipinas siya na ang magsu-shoulder ng ticket niya at ang pabalik niya sa Qatar.

RUMORED RESIGNATION OF PERCI. Base sa kalidad ng kanilang mga ginagawang shows, masasabing secured na ang estado nila ni Ritz Azul sa istasyon.

Pahayag naman ni Eula, “I think naman sina Sophie [Albert, winner ng Artista Academy]. Kasi sila yung mga bagong homegrown talents ng TV5. And they have invested so much na rin sa kanila.

“So, I think hindi lang kami ni Ritz, marami-rami rin naman kami. That’s good to know para umiikot yung circulation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit namin kay Eula ang mga bali-balitang pag-alis ng ilang executives sa TV5 para lumipat ng ibang network o tumahak naman ng ibang career path.

Sa narinig, napangiti at umayon si Eula, “I think I know what you’re talking about…who they are.

“Marami nga akong naririnig. I think, it’s their own personal career move and decision. Siguro they want something else and maybe…

“Sa decision-making naman, kinu-consider nung tao yung kasiyahan niya, yung adventure niya sa buhay. Maybe they want to explore more lang.”

Isa sa mga nababalitang aalis ng istasyon ay ang entertaintment and creative Head ng TV5 na si Mr. Perci Intalan.

Inalam ng PEP kay Eula kung ano ang masasabi niya kapag natuloy ang pag-alis ni Perci?

“I think tuloy na siya, nasa transition period na siya,” pagbibigay-impormasyon ni Eula sa balita.

Patuloy niya, “Kasi ang alam ko, when you resign, you have six months for your transition period. And it’s already those months.”

Ano ang nararamdaman niya para kay Perci?

“I feel sad. Kasi you know what, honestly, isa si Sir Perci sa nakakapitan ko sa TV5.

“Ibig sabihin, he’s my boss, pero I don’t hesitate to tell him na…I have this problem now, I might not be able to go to this event…

“And he’s been very understanding.

“Alam mo yun? Sa trabaho naming dalawa na I can feel na may puso siya for me.”

Hindi ba siya nag-aalala na kung sakaling matuloy na nga ang pag-alis ni Perci sa TV5 ay dumalang na ang projects nila sa sa Kapatid station?

Sa mga presscon kasi noon nina Eula at Ritz, laging sinasabi ni Perci ang paniniwala niya sa kakayahan ng dalawang Kapatid stars.

Hindi kaya mawala na ang pag-aalagang nararanasan nila ni Ritz kapag nawala na rin si Perci sa TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, I’m really afraid.

“Bilang artista gusto mong tuluy-tuloy ang career mo, ayaw mong mawawala. Gusto mong lagi kang nakikita.

“Kaya sometimes it kills your career pag masyado kang nawawala sa circulation.

“So, wish ko lang na sana whoever takes the place of Sir Perci, sana alagaan pa rin kami.

“I’m praying for that, kasi hindi ko pa alam kung sino yung mga possible na papalit doon.

“Pero I’m really praying for that, lalo na at night. Kasi we cannot avoid in the industry na merong favoritism, may mga connections, and all that. Mga palakasan.”

Nakapag-usap na ba sila ni Perci?

“No wala kaming time to tackle on those things, kasi kapag nagkikita kami, like sa birthday ni MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 owner]. Walang chance na mag-usap. May mga kasama rin siyang mga friends.”

Nagulat ba siya sa balitang aalis na si Perci sa TV5?

“Sobra! Because all these years that I’m with TV5, I see him as a happy man, happy with his network.

“Siguro lang there are decisions that we have to make in life for us to grow even more.

“Kasi it doesn’t stop us into… Kung saan ka lang masaya.

“Sometimes you just really want yourself to grow and let yourself develop pa into something bigger.”

GOING SEXY? Sa mga nakakapuna, bagamat wholesome ang roles ni Eula sa mga teleserye niya, lagi naman siyang nakikita sa mga events na sexy ang mga kasuotan.

Gaya na lamang sa Yahoo! awards na nakaluwa ang cleavage niya sa mababang neckline ng dress na suot niya.

Ang tanong lagi ng PEP kay Eula kapag nakikita siya ay kung kailan siya magsi-sexy?

Napangiti si Eula sa tanong, “Well, let’s see if im’m ready for it. Ayoko kasing sumalang na hilaw ako.”

Nabiro siya ng PEP nab aka naman ayaw lang niyang may kumpitensiyang mangyari sa kanila ni Ritz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napahalakhak si Eula bago sinabing, “Hindi naman. Ritz is very sexy, very alluring. I don’t think napakalaking threat ko sa kanya. Kasi napakasexy niya, e.

“When the time comes na prepared na ako, ready at hinog na ako…

“Ako kasi pag sumasalang ako, ayokong gumitna. I want to do my best. Ayoko yung thought na, okey lang, keri.

“So, I’ll prepare for it if ever na maisipan ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN