Senator Grace Poe-Llamanzares files bill to promote the Philippines via film tourism

Isa sa mga isinusulong ngayon ng bagong senador na si Senator Grace Poe-Llamanzares ay ang film tourism bill: “Na maglalaan ng pondo ang gobyerno, kasama ng Department of Tourism [DOT], na ang main purpose ay ang i-promote ang magagandang tanawin sa Pilipinas... Nakita natin ang New Zealand, talagang yung kanilang number of tourists, talagang tumaas nung magkaroon ng Lord of the Rings.


Bilang senator-elect, um-attend si Senator Grace Poe-Llamanzares ng first joint session ng Congress at Senate kahapon, July 22, para pakinggan ang 4th State of the Nation Address (SONA) ni President Benigno "Noynoy" Aquino III.

Matapos itong masaksihan ni Sen. Grace sa Batasang Pambansa, kinagabihan naman ay naging panauhin siya sa “Ikaw Na!” segment ng Bandila, ang late-night news program ng ABS-CBN.

Paalala muna ng “Ikaw Na!” host na si Boy Abunda bago magsimula ang kanilang kuwentuhan, “May I call you Grace tonight?”

Sagot naman ng Senadora, “Of course, I’m still Grace.”

FORMAL GOWN. Unang inalam ni Boy ay kung ano ang isinuot ng bagong senadora sa SONA at kung magkano ang kanyang ginastos.

Nangingiting sagot ni Sen. Grace, “Nakaputi akong terno sa umaga at sa hapon.

“Pero, yung sa umaga, ang gumawa noon ay isang taga-Bacolod. Kasi ang nanay ko [Susan Roces], taga-Bacolod at magandang discount ang ibinigay niya sa akin.

“Ngayon, yung hapon naman sa SONA mismo ay si Rajo Laurel [ang tumahi].

“At ‘yan naman ay kaibigan ko ng labinlimang taon na at gumagawa ng barong para sa tatay ko [the late Fernando Poe Jr.].

“At yun naman ay iniregalo niya sa akin. Maraming salamat, Rajo at pinaganda mo rin ako.’”

Ibig sabihin ba ay hindi siya gumastos nang malaki at nakatipid pa?

Tugon niya, “Hindi talaga.

“Sinabi ko talaga sa unang designer na maliit lang ang budget ko, pagkasyahin na lang kung ano ang puwedeng design diyan.”

SONA ACCOMPLISHMENTS. Ano ang kanyang reaksiyon sa naging report ni President Noynoy sa bayan?

Sagot ng number one senator-elect, “Ako talaga noong napanood ko, Boy, na-proud talaga ako. You feel proud.

“Iyon yung sinasabi natin na matagal na, na pag tapat ang isang tao, hindi naman agad-agad natin masosolusyunan ang mga problema, e.

“Pero, puwede pala yun, puwede pala magawa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede na pala tayong mag-export ng bigas, puwede na pala tayong magkaroon ng ganitong karaming tao na natutulungan sa ating conditional cash transfer program.

“I mean, I think marami ang kumukontra doon. Pero at least, umuusad tayo.”

Aware si Sen. Poe-Llamanzares na kahit maraming inilahad na mga nagawa si PNoy sa ating bansa ay marami pa rin ang pumupula.

Siya ba ay nadi-discourage sa ganitong reaksiyon ng mga krititiko sa kanyang performance?

Sagot niya, “Siyempre, parang tao rin naman tayo.

“Kahit na sabihin mo batung-bato na ang isang nanilbihan sa gobyerno, pag pinupunang gano’n, nakakasama ng loob.

“Lalung-lalo na kung ang hangarin mo talaga ay makatulong. Hindi ka naman nang-iisa ng tao, hindi ka perpekto. Pero para punahin na lang lahat at wala nang sinasabing maganda...

“Meron ngang isang ekonomista na iginagalang ko rin, pero tinanong siya, ‘Wala ka bang masasabing maganda tungkol sa nagawa ng Pangulo?’

“’Ah, hindi ko trabaho ‘yan, trabaho ‘yan ng ano.’

“Alam mo, lahat tayo ay may responsibilidad na magsabi ng katotohanan, sa tingin ko. Lalung-lalo na pagka pinupuna mo ang reputasyon ng isang tao.

Komento naman ni Boy, “Minsan ang katotohanan na ’yan ay hindi maganda, at minsan ang katotohanan na ’yan ay maganda. Di ba responsibilidad natin na magsabi ng pareho?

MTRCB. Pinag-usapan naman ng dalawa ang pagiging dating chairman ng senador sa Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sinasabing naging maganda ang pamamahala ni Sen. Grace sa nabanggit na government agency noong siya pa ang namumuno rito. Nabanggit pa ni Boy na ang kasalukuyang chairman ngayon ng ahensiya na si Atty. Toto Villareal ay ginagamit pa minsan ang mga naiwanang programa ng senador.

Tinanong ng "Ikaw Na" host si Sen. Grace: kung merong isang legacy siyang maiiwan sa MTRCB, ano ito?

"Na ang MTRCB ay hindi censorship, ito ay klasipikasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil naniniwala naman talaga tayo sa freedom of expression, kaya lang ang limitasyon nito ay yung edad ng mga manonood.

“Kaya basically, inihahanda mo lang ang kamalayan ng mga bata dahil hindi naman agad-agad ay i-expose mo sila sa mga ganoon.

“So, yun lang, klasipikasyon at hindi censorship.”

SELF-REGULATION. Kung mayroon naman siyang gustong ma-achieve ng kasalukuyang chairman ng MTRCB na si Atty. Villareal, ano kaya yun?

“E di para sa akin, paving the way towards self-regulation.

“Na ang ating mga miyembro ng industriya ay magkaroon ng sariling pananaw at konsiyensiya kung ano ang puwede nilang ipakita sa mga manonood.”

FILM TOURISM. Bilang isang senador naman, ano ang gusto niyang isulong na legislation na makakatulong sa entertainment industry?

“Alam mo, isa sa unang bill na finayl [filed] ko ay yung film tourism. Baka narinig mo na rin yun,” sabi niya kay Boy.

“Na maglalaan ng pondo ang gobyerno, kasama ng Department of Tourism [DOT], na ang main purpose ay ang i-promote ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

“At may mga direktor tayo o mga aktor na nananalo ng award, dapat pondohan ang pag-a-attend nila sa mga award-giving bodies [sa abroad] na ito, basta lehitimo at magpadala ng mga brochures.

"Kasi ngayon, ang FDCP [Film Development Council of the Philippines], may budget, nagpapadala sila niyan, pero kulang pa rin iyon.

“Hindi puwedeng laway lang ang puhunan mo.

“Sasali ka sa mga trade fairs, ipapakita mo kung gaano kagaling ang Pilipinas.

“So, para sa akin, maglaan ng pondo para diyan.

“Nakita natin ang New Zealand, talagang yung kanilang number of tourists, talagang tumaas nung magkaroon ng Lord of the Rings (2001 to 2003).

“Kahit na yung Thailand, nagkaroon sila ng increase in backpackers dahil sa The Beach (2000).

“I mean, ganoon lang kasimple.

“Ang Pilipinas, pinapakita sa pelikula pero sinasabi Mexico, sinasabi Vietnam.

“Doon sa Bourne Legacy maganda na nga, pero kulang pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAST QUESTIONS. Dumating naman sa mga mabilisang tanong ang interview nina Boy at Sen. Poe-Llamanzares.

Inalam ni Boy sa kanya kung siya ba ay magkakaroon ng audience with the Pope, ano ang sasabihin niya?

Aniya, “I appreciate his humility and his simplicity.”

Sino naman ang kanyang favorite actor?

Tugon niya, “Kung hindi si FPJ? John Lloyd [Cruz].”

Pero tinanong ni Boy si Sen. Grace kung hanggang ngayon ay fan pa rin siya ni Gabby Concepcion.

Sagot ng senadora: "Of course! Pero iba naman iyon, kasi ang cute niya, di ba, nung araw. [Kapag] actor, acting..."

Favorite actress?

Sagot niya, “Kung hindi si Susan Roces, si Vilma Santos.”

Best film of all time para sa kanya.

“Kung hindi Panday series... A Few Good Men.”

Kung mabigyan siya ng pagkakataong magbigay ng mensahe, halimbawa sa United Nations Assembly, ano ang piinakamahalagang mensaheng ipararating niya?

Nangingiting sabi niya, “Well, don’t underestimate the Philippines.”

The most important lesson you learned as MTRCB chief na babaunin niya bilang senador.

"That diplomacy is important, that all groups have their own grievances and their own sides to tell. You just have to give them the time to explain it," sagot ni Sen. Grace.

Huling tanong ni Boy: ano ang pinakamahalagang advice na ibinigay sa kanya ng amang King of Philippine Movies na si FPJ?

Sagot ng senadora: "In victory, humility. Hindi niya naman alam kung ano ang mapapanalunan ko, no? Pero sinabi niya iyon sa akin."

At mula naman sa kanyang inang si Susan Roces ang payo raw sa kanya: "Huwag mong walain ang pagkatao mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN