Atty. Annette Gozon-Abrogar studying next legal actions; "collating all the evidence" to disprove Sarah Lahbati’s claims

Sa kanyang official statement, sinabi ni Atty. Annette Gozon-Abrogar na ipapadala rin niya sa PEP ang kanyang "answer under oath" at sasagutin ang mga "misleading statements contained in Sarah’s complaint."


"I am glad that they did push through with the filing of the cases so that the public may know whether there is even a bit of truth to what they claim or if they really have legal basis to file the complaints."

Bahagi ito ng official statement na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) managing editor na si Karen Pagsolingan kanina, July 23, sa email na galing sa kampo ni Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Reaksiyon ito ng GMA Films president sa pormal na pag-file ng grave coercion at perjury laban sa kanya ni Sarah Lahbati.

Matatandaang noong July 11, dumating sa bansa ang aktres.

Kasalukuyang nasa U.S. ito kaya ang abugado niyang si Atty. Marie Glen Abraham ang nagtungo sa prosecutor’s office ng Quezon City at Makati City, para i-file ang mga reklamo kahapon, July 22.

Sa nauna nang nailathala na statement ni Atty. Abraham, sinabi nitong, "I cannot think of any offense committed due to these acts."

Ang tinutukoy niya ay ang ginawang pag-anunsiyo ni Sarah tungkol sa mga "cases" noong July 15, kung saan ibinalita rin ng press na nai-file na ang mga ito kahit sinumpaan lamang ng Kapuso star ang kanyang complaint affidavits noong araw na yun.

Paliwanag ni Atty. Abraham, "On the issue that there is ’malice’ in the fact that we let the media and the public to believe that there were cases filed. At the onset, I said that there was no intention to let the media believed that we filed the case..."

(READ latest statement from Sarah Lahbati’s camp)

Gayunpaman, kasama pa rin sa options ni Atty. Gozon-Abrogar ang pagsasampa ng reklamo laban sa girlfriend ni Richard Gutierrez at ng lawyer nito.

Binanggit ng GMA executive sa kanyang statement: “I have my own legal opinion on the matter. I am currently carefully and exhaustively studying the legal actions I can take against Sarah and Atty. Abraham.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I act, I do not act rashly and without careful thinking."

At kapag meron na siyang "answer under oath,” magpapadala rin daw si Atty. Gozon-Abrogar ng kopya sa PEP nang sa gayon, hindi lamang isang panig ang maririnig ng publiko.

Narito ang official statement ni Atty. Annette (published as is):

“I have my own legal opinion on the matter. I am currently carefully and exhaustively studying the legal actions I can take against Sarah and Atty. Abraham. When I act, I do not act rashly and without careful thinking.

“As I have mentioned before, I am glad that they did push through with the filing of the cases so that the public may know whether there is even a bit of truth to what they claim or if they really have legal basis to file the complaints.

“Also, I will still send PEP my answer under oath to the complaint of grave coercion once I have finished it so that the information given to the public will be complete and not only one-sided.

"I am still collating all the evidence that I will present to show the falsities as well as the misleading statements contained in Sarah’s complaint.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN