Miriam Defensor-Santiago annoyed by "extravagance" during SONA: "It should not be treated as Oscar night in Hollywood, with a red carpet..."

Miriam Defensor-Santiago is set to file a resolution requiring lawmakers to wear "uniform or official dress" at the President’s State of the Nation Address (SONA).


“I watched TV and could not stand it!"

Ito ang reaksiyon ni Miriam Defensor-Santiago sa nakita niyang patalbugan ng kasuotan sa katatapos lang na State of the Nation Address ni President Benigno "Noynoy" Aquino noong July 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Hindi man nakadalo sa unang session ng senado at sa mismong SONA, may gagawing hakbang ang senador— ang mag-file ng resolution na dapat ay may uniform o official dress!

Nagmistula raw kasing awards night ang okasyon.

Pahayag niya sa website ng TV5 ngayong araw, July 23, "The SONA event should be a serious time for the Congress to pick up policy directions indicated by the President.

"It should not be treated as Oscar night in Hollywood, with a red carpet, where peacocks spread their tails and turn around and around, as coached by media in a feeding frenzy.”

Ang pagdaan sa red carpet ng mga mambabatas, kasama ang kani-kanilang asawa ay parang naging tradisyon na tuwing SONA ng Pangulo.

Ang puna ng senador, para raw mga endorsers ng sikat na fashion designers ang mga mambabatas, habang ang iba naman ay suot pa ang kanilang mga mamahaling alahas kahit pa ang bansa ay nakakaranas ng “acute public want because of a high unemployment rate of 7.5% and a high underemployment rate of 19.2%.”

Ipinaalala rin ni Senator Santiago ang nakasaad sa Article 25 ng Civil Code of the Philippines tungkol sa labis-labis na paggasta.

Aniya, “Thoughtless extravagance in expenses for pleasure or display during a period of acute public want or emergency may be stopped by order of the courts at the instance of any government or private charitable institution.”

May tamang lugar daw para sa mga designer gowns and suits.

“Don’t get me wrong. I am very proud of our local fabrics and our local designers, some of whom are world-class. But the SONA event is not the proper venue for their talents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The highlight of the SONA is the President. It is not the flashy women.

"Now the flaky men are even getting into the act. They also parade, sometimes with photogenic arm candy, into the session hall and preen like their female counterparts. Enough!”

Ang isa pang kagandahan ng pagkakaroon ng uniporme ay makikilala kaagad kung sino sa crowd ang mga mambabatas.

At kung may irerekomenda siya na maging "consultant for SONA and other joint sessions of Congress,” dapat daw ay isang historian na may "sense of duty."

Saad ni Senator Santiago, “I respectfully nominate Gemma Cruz Araneta. Professionally, she is a brilliant historian and was the country’s first Miss International.

"She is not a mannequin for a designer. She is just Gemma. In fact, come to think of it, she should be a senator.”

Amindo ang senadora na kulang siya sa kaalaman tungkol sa fashion, pero nang tanungin kung ano ang nakikita niyang disenyo ng uniform, “For women, it should be a short pencil skirt, paired with a simple short-sleeved barong blouse. Jewelry should be a single strand of Philippine pearls.

"For men, it should be a plain long-sleeved barong.

"Both men and women could wear a ceremonial ribbon with the Congress logo. For the gallery, it should be office attire.

“Most important of all, the attitude should not be frivolous and giggly. The attitude should be serious and businesslike.”


REACTION OF SENATORS GRACE, LOREN AND BINAY. Sinang-ayunan naman ng mga babaeng senadora— Grace Poe, Loren Legarda, at Nancy Binay— ang obserbasyon ni Senator Santiago, ayon sa report ng ABS-CBN News ngayon ding araw, July 23.

Ayon pa kay Senator Poe, "Okay lang sa akin na naka-uniform. It doesn’t take away anything from me if it happens."

Ayon naman kay Senator Legarda, payag daw siya basta dapat daw ang uniform ay may "touch of indigenous culture."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iminungkahi din niyang dapat ay may kasamang "provision mandating lawmakers to wear outfits made of native materials and designs, which she said are cheap.”

Tawag niya dito ay "fashionalism," mula sa salitang "fashion at nationalism."

Matatandaang ang suot ni Senator Legarda sa SONA ay "Bagobo skirt and T’boli belt."

Sa panayam ng media sa kanya, sinabi nitong,“Hindi ka kailangang gumastos ng malaki para maging attractive, para maging maganda.

"You can make a statement by wearing something authentic, something old, something meaningful, something relevant.”

Samantala, sinabi naman ni Senator Binay na pag-aaralan niya ang nasabing resolusyon.

“Baka nga kasi mas naha-highlight kung ano ang suot ng mga uma-attend sa SONA.

"Siguro this is high time din to bring back the focus sa kung ano ba talaga ang pakay natin kung bakit tayo nagso-SONA, at hindi para mapag-usapan kung ano ang aming mga susuoting damit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN