Rich Asuncion on reconciliation with Ervic Vijandre: “Hindi na talaga, kasi nga, wala, naka-move on na kaming dalawa.”

Nanatiling kaibigan pa rin ni Rich Asuncion ang pamilya ni Ervic Vijandre matapos ang kanilang hiwalayan. Sabi niya: “Yung mga pinagsamahan, okay pa rin naman. Oo, sobra, ang bait kasi talaga nila, sobra.”


Hindi nahihirapan gumanap bilang isang teacher si Rich Asuncion sa Binoy Henyo ng GMA-7 dahil tunay naman siyang estudyante.

“Oo, yes, that’s right,” kumpirma niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

FIRST TIME ROLE. Tuloy pa niyang paglalarawan sa role niya bilang si Teacher Josie na guro ni Binoy na ginagampanan ni David Remo sa serye.

“Istrikta, hindi naman siya maldita, pero istrikta siya, nasa tamang lugar.

“Tapos, eventually kasi, lalambot siya kay Binoy kasi parang nakikita niya na may potensyal ang batang ito, ‘Aalagaan ko ito,’ mga ganoon.

“Ako yung nag-encourage actually sa kanya na, ‘Uy, bagets, ayusin mo!” at tumawa si Rich.

NO RECONCILIATION. Magkasama sa Binoy Henyo ang dating karelasyon ni Rich na si Ervic Vijandre na gaganap na love interest niya.

Hindi ba sila magkakailangan bilang dati silang magkasintahan?

Tugon ni Rich, “Hindi naman, hindi naman siguro.”

Hindi kaya mauwi sila sa totohanan, na baka magkaroon ng reconcilitaion?

Paniniguro naman niya, “Ay hindi, hindi na talaga.

“Masasabi ko na hindi na talaga kasi nga, wala, naka-move on na kaming dalawa.

“I mean wala, pa-ano na kami, meron na kaming sari-sariling ano...

“At okay naman, kasi okay naman yung paghihiwalay namin.”

FAMILY FRIEND. Kinumpirma pa ni Rich na nanatiling kaibigan pa rin niya ang pamilya ni Ervic.

“Tsaka okay pa rin naman sa family niya, alam mo yun?

“Yung mga pinagsamahan, okay pa rin naman.

Sabi niya, “Oo, sobra, ang bait kasi talaga nila, sobra.”

Natagalan bago nasundan ng project si Rich dahil kinakailangan niyang umuwi ng Bohol para mag-OJT o on-the-job training.

Bago ang Binoy Henyo, nasa Aso Ni San Roque si Rich.

“Tagal na, ‘no? Kasi after Aso Ni San Roque, umalis kasi ako to Bohol, kasi nag-OJT [on-the-job training] ako, for two months.

“So two months ako doon for OJT, kakabalik ko lang para sa school and siyempre, para sa trabaho, para may kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganoon talaga,” sabay-tawa ni Rich.

FOR REAL. Dating nalilinya si Rich sa mga papel na kontrabida, ganito rin ba siya sa tunay na buhay?

“Hindi naman,” ang natatawang sinabi ni Rich.

“Trabaho lang yun. Marami nga ang nagsasabi, ‘Bakit iba ka sa totoong buhay?’

“Wow,” ang tumatawang pagtatapos ni Rich.

CAST. Bida sa Binoy Henyo ang baguhang child star na si David Remo bilang si Binoy, at gaganap naman bilang Agnes si Sheena Halili na ina ni Binoy.

Nasa programa rin sina Gwen Zamora bilang si Emily, Ervic Vijandre bilang Lito, Lorenzo Mara bilang Alfredo, Frencheska Farr bilang Sandy, Gene Padilla bilang Chairman Domeng, Zyrael Jestre bilang Botchok, Angel Satsumi bilang Len-len at si Miss Nova Villa bilang Lola Chato.

Ito ay sa direksyon ni Albert Langitan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN