Congressman Lino Cayetano answers rumors linking him to Kris Aquino and Shaina Magdayao

Nali-link si Congressman Lino Cayetano kina Kris Aquino at Shaina Magdayao. Paliwanag niya, on Kris—“We’re very good friends, hindi kami nagdate-date, we’re very good friends.”

On Shaina—“We’re very, very good friends, she’s a wonderful person.”


Humarap ang TV director at 2nd district representative ng Taguig City na si Lino Cayetano kay Boy Abunda sa “Ikaw Na!” segment ng Bandila, ang late-night news program ng ABS-CBN, kagabi, Miyerkules, July 23.

Si Congressman Lino ay kapatid nina Senators Allan Peter at Pia Cayetano at bunsong anak ng yumaong senador na si Rene Cayetano.

Unang tinanong ni Boy ang naging karanasan ni Lino sa unang pagdalo niya sa joint session ng Congress at Senate noong July 22.

Kasabay ng joint session ang fourth State of the Nation Address (SONA) ni President Benigno "Noynoy" Aquino III.

“Mabuti,” tugon ng bagitong kongresista.

“For the first time, I experienced na firsthand na nandoon ka.

“I used to watch it palagi sa ANC and, now, I see these people in front of me—it makes me very honored and nakakagulat.

“At saka, itinatanong ko rin sa sarili ko, di ba, ‘How did I get here?’ though."

Paano nga ba siya napunta doon?

Sagot ni Lino, “Kapag nasa distrito ka, when you’re talking to people, when you’re helping people sa grassroots, madali kang kumonekta, kasi we do that, e.

“We do that in our work, sa telenovela, we interact every day, isinasabuhay natin ang kuwento ng pangkaraniwang Pilipino.

“But yung SONA, ibang experience siya kasi nasa harap mo ang Pangulo ng Pilipinas.

“It’s overwhelming pero... but na-realize ko rin na a lot of what we do, kahit dito sa showbiz, to some people—lawyers, doctors—ano lang siya, e... minsan entablado lang siya.

“They do this because they want to reach out to people, they want to connect with people, they want to help people.”



LIKE A POLITICIAN. Naobserbahan ni Boy na parang kumikiling ngayon si Lino bilang isang public servant.

Sabi naman ng TV and film director, “Sa ngayon, yes.

“Binigyan ako ng mandato na magsilbi sa kanila and I take that mandate very seriously.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sabi ko nga, bagamat gusto kong bumalik sa pagdidirek, I would give myself a few months to really understand the job.

“Susubukan kong maintindihan kung ano ang kailangan kong gawin sa Kongreso.”



RED-CARPET WALK. Sunod na itinanong ay ang tungkol sa sabay na pagpasok ng kapatid ni Lino na si Senator Pia Cayetano at ni PNoy sa Plenary Hall ng Batasang Pambansa noong Lunes.

Sa TV coverage ay nakitang inalalayan ng Pangulo si Pia pagbaba sa hagdanan papunta sa Plenary Hall.

Nangingiting kuwento ng bunsong kapatid ng senadora, “Pareho silang single ng ate ko—pinag-usapan na kaagad.

“Usapan namin... Ate is my best friend, we’re really best friends.

“Nag-text-an kami and sabi ko, ‘Ate, may date ka ba sa SONA? Puwede ba tayo ang date?’

“‘Sige, let’s meet outside...’ may red carpet kasi doon, ’sabay tayong pumasok.’

“E, ako, bilang bagong kongresista, nang sinabi mo na, ‘Umupo na kayo, parating na ang Presidente, ang Pangulo ng Pilipinas,’ tumakbo na ako sa loob dahil ayoko namang mahuli.

“I didn’t realize na yung sister ko, si Ate Pia, ay naghihintay sa labas.

“Text na siya nang text, tawag na siya nang tawag habang naglalakad na siyang mag-isa.

“Mabilis namang dumarating ang Pangulo, si Presidente PNoy, nagkasabay po sila. Nagkataon.

"And since na mag-isa lang siya, inalalayan na siya ng President.

“So it turned out... sabi nga ng ibang nagte-text, ‘E, di napaganda pa.’"



STILL SINGLE. Pagkatapos nito ay inalam ni Boy ang tungkol sa lovelife ni Lino.

Nali-link ngayon si Lino kay Kris Aquino. Kumusta silang dalawa?

Pahayag ng binatang kongresista, “Ako, like what I usually do when I was working here [ABS-CBN], I just focus on my job, kung ano ang dumating.”

Idini-date ba niya si Kris?

Tugon ni Lino, “We’re very good friends, hindi kami nagdate-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re very good friends. We text, ganyan."

Sila ni Shaina Magdayao?

Naiilang na sagot ni Lino, “We’re very, very good friends, she’s a wonderful person.”

Exclusively dating ba sila?

“No naman, but I like her, she’s a wondeful person,” sabi ni Lino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN