Ruru Madrid reveals getting hate messages from Julie Anne-Elmo fans

Ipinagkikibit-balikat lang ni Ruru Madrid ang pangba-bash na natatanggap niya mula sa fans ng tambalang Julie Anne San Jose-Elmo Magalona magmula nang ma-link siya sa singer-actress. Pero ayon kay Ruru, “Ginagawa ko na lang positibo yung ginagawa nila. Ako kasi, lahat ng bagay, ginagawa kong positibo. Kahit ano pang negatibo, gagawin ko na lang positibo.”


Makaraang makatanggap ng pangba-bash si Alden Richards mula sa mga tagahanga nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, si Ruru Madrid naman ngayon ang nata-target ng mga ito.

Ito ay dahil sa pagkaka-link ni Ruru kay Julie Anne.

Nagkuwento tungkol dito si Ruru nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad niya, “Nagsimula yun sa SAS [Sunday All Stars].

“Sana kasi, igi-guest namin si Elmo sa grupo namin [Tweet Hearts], kaya lang hindi siya naka-attend sa rehearsal namin.

“Tapos, biniro ko si Julie Anne ng, ‘O, kita mo, hindi ka na na naman niya sinipot.’

“Sagot ni Julie Anne, ‘Sino ba ang dapat sumipot?’

“Sumagot ako na, ‘Kilala mo naman, e.’ Tapos, sabi ko, ‘Sino ba dapat ang nandidito? E, di ako.’

“Tapos, sila Ate Jen [Jennylyn Mercado] at Kuya Sef [Cadayona], biniro kami.

“Sabi, ‘Oyyy,’ tinutukso na kaming dalawa! Tapos noon, lagi na kaming binibiro.

"Tapos, last week, parang naisip ni Julie na, kasi nagkakaroon na kaming dalawa ng fan base…

“Tapos, sabi ni Julie, ‘Sige, mag-loveteam tayo.’"

BIRTH OF BASHERS. Binigyang-buhay nina Ruru at Julie Anne ang kanilang loveteam sa tema ng kanilang production number sa SAS.

“Tapos, ginawa namin yun sa production number namin, parang ginawa naming angel ako, tapos devil siya, pero nagkatuluyan kami at the end.

“Parang ganoon, sobrang hindi mo ini-expect na mangyayari yung ganoong bagay.

“Tapos ayun, habang nagpe-perform kami, kinikilig yung mga tao sa loob ng studio, pati mga kasamahan namin.

“Tapos, sa Twitter, maraming natutuwa, may nagtu-tweet na, ‘Bagay na bagay kayo, nakakakilig kayo.

“Pero siyempre, meron ding nangba-bash, siyempre, di ba, JuliElmo, matindi ‘yan?”

Nakakatanggap na siya ng pangba-bash mula sa JuliElmo fans?

Tugon ni Ruru, “Oo naman. Sinasabi nila sa akin na, ‘Kapag JuliElmo, JuliElmo lang, wala nang iba.’ Yung mga ganoon.

“Tapos, meron namang nang-aaway sa kanya [Julie Anne].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang natatawa pa ako doon, lahat ng message na ipinapadala sa akin, natatanggap din ni Julie yun.”



SERIOUS BASHING. Anong grabeng pangba-bash ang natanggap na niya?

“Wala pa namang grabe as of now, di tulad kay Alden.

“Ang pinakagrabe na siguro na natanggap ko yung, ‘Hindi kayo bagay, kaya umalis ka na!’

“Tsaka user daw ako, pero deadma lang ako, kasi hindi naman totoo.

“Imbes na magalit ako, natutuwa nga ako doon, kasi alam kong mahal nila si Julie, mahal nila yung sinusuportahan nila.

“Pero minsan, masakit din sa damdamin yung ginagawa nila.

“Kasi, alam mo naman, di ba, pag nakakatanggap ka ng mga ganoong mensahe, masasaktan ka?

“Pero ako, iniisip ko na lang na kaya nila ginagawa yun, kasi mahal nila si Julie.

“Ginagawa ko na lang positibo yung ginagawa nila.

"Ako kasi, lahat ng bagay, ginagawa kong positibo.

“Kahit ano pang negatibo, gagawin ko na lang positibo.”



TOLERANCE. Papano kapag grabe na ang pamba-bash sa kanya, iiwasan na ba niya si Julie Anne?

“Ako kasi, hindi ko na lang masyadong iniisip yung mga ganoong bagay.

“Mas magpo-focus ako sa kung ano yung mga good comments na dumarating sa akin.

“Pero siyempre, babasahin ko rin yun, kasi pag minsan, meron talagang message na alam mo yun, na parang nanggigigil na sa akin.

“Binasasa ko na lang, hindi ko na lang nire-reply-an.

“Pag minsan, pina-follow ko sila. Ha-ha-ha!

“Tapos, kapag na-follow ko na sila, sinasabi noong iba na, ‘Ang bait pala nito.’”

So hindi na niya bina-block?

“Hindi, hindi ! Hindi ako taong ganoon, hindi ako namba-block sa Twitter.”

Nakapag-usap na ba sila ni Julie Anne tsa pungkol amba-bash sa kanya ng fans nila ni Elmo?

Sabi ni Ruru, “Kami ni Julie, hindi namin pinag-uusapan yung ganito.

“Pero minsan nagpaparinig ako sa kanya, sinasabi ko, grabe yung mga fans ng JuliElmo, alam kong naririnig niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, tumatawa lang siya. Siyempre, alam naman niya na ganoon talaga ang mga fans.”

Sa mga nangyayari, gusto pa rin ba niyang maka-loveteam si Julie Anne?

“Siyempre, oo.

"Ako naman kasi, kahit sino, gusto ko namang maging ka-loveteam, kahit sino ang ibigay sa akin ng GMA-7, okay lang sa akin.

“Pero gusto ko ding maging ka-loveteam si Julie.

“Nakikita ko kasi sa kanya yung pagiging magaling na aktres, magaling na performer, so why not, di ba?

“Tsaka kung gusto ng mas nakakaraming tao, ba’t hindi?”



MESSAGE TO BASHERS. Ano ang mensahe niya sa mga namba-bash sa kanya?

Saad ni Ruru, “Hindi ko aagawin si Julie sa inyo, sa mga supporters niya, pero business lang naman ito.

“Gusto lang naman kasi ng iba, na maging magka-loveteam kami.

“Pero iba pa rin yung nakasanayan ninyo na, pero kaibigan ko na kasi siya.

“Kaya sana, ‘wag ninyo naman akong awayin—peace tayong lahat.

“Basta trabaho lang ito. If ever na magkakapareha kami, don’t take it personal.

“Gusto ko kayong maging kaibigan, kaya sana, maging friends na lang tayong lahat.”

RURU’S CRUSH. Crush niya ba si Julie Anne?

Sagot ni Ruru, “Si Julie kasi, hindi pa ako artista, napapanood ko na siya, nagagalingan talaga akong kumanta sa kanya.

“Tapos, nagagandahan ako.

"Pero siguro, hanggang paghanga na lang muna. Siguro masasabi kong crush lang talaga.

“Gusto ko kasi yung ugali niya, mabait at laging nakangiti, kahit minsan alam mong pagod na siya.

“Kasi, akala ko dati hindi siya approachable, naiilang akong lapitan siya.

“Pero noong nalaman ko yung ugali niya, wow, mabait pala!”

Sa pagiging malapit niya ngayon kay Julie Anne, okay lang ba na tawagin siya ng fans na "user"?

Sagot ni Ruru, “Okay lang na tawagin nila akong user, kasi alam ko namang hindi totoo, hindi naman talaga.

“Sa totoo lang, mas gusto kong makilala as ako lang, as Ruru Madrid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa generations ngayon, kailangang may ka-loveteam para mas makilala ka.”

Sa mga nangyayari sa kanya ngayon, hindi niya ba iiwasan si Julianne?

“Oo naman, hindi ko siya iiwasan, kasi iba naman yung business, iba yung personal.

“Parang kami ni Julie, mas nagiging close kami personal, hindi yung sa trabaho lang.

“Pero pag may nangyaring masama, siyempre ayoko.

“Okay lang na sabihin nila ako ng anu-ano, huwag lang physical. Kasi pag physical na, iba na yun, di ba?

“Ayoko kasing layuan siya, ayokong mangyari yung mga ganoong bagay.

“Dahil sa pamba-bash lang, kailangan kong layuan siya? Hindi!

“Kasi iba na yung napi-feel ko sa kanya, e, kasi close friend ko na siya e.”



TEXTMATES. Magkaibigan lang nga ba sila?

“Kaibigan," sabay ngiti ng binata.

Kaibigan for now?

“Yeah!" tawa naman ni Ruru.

Nagti-text ba o nagtatawagan sila ni Julie Anne?

“Oo, nagti-text kami pag minsan.”

Anong napag-uusapan nila?

“Tungkol sa career niya, sa career ko, tapos kinakamusta ko siya.

"Minsan naman, kinakamusta niya ako.

“Tinatanong ko sa kanya yung studies niya kung okay ba.”

Ano yung pinaka-sweet message na nai-text niya kay Julie Anne?

“Marami... ‘Good night. Sweet dreams. Kumain ka na ba?’ Yung mga ganoon lang.

"Sweet na kasi para sa akin pag nag-text ako ng mga ganoon!”

Paano nagre-reply si Julie Anne?

“Good night din, ganoon.”

Sa tingin ba ni Ruru, sweet na rin yun para kay Julie Anne?

“Oo, sweet na yun as a friend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN