Senator Nancy Binay agrees to removal of red carpet from SONA

Senator Nancy Binay says, “Siguro this is high time din to bring back the focus sa kung ano ba talaga ang pakay natin kung bakit tayo nagso-SONA, at hindi para mapag-usapan kung ano ang aming mga susuotin na damit."


Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng mga mambabatas at mga artistang pulitiko tungkol sa opinyon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na hind dapat gawing "fashion show" ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kaya dapat magkaroon ng uniform ang mga legislator.

(Read: Miriam Defensor-Santiago annoyed by "extravagance" during SONA)

Sa mga hiningan namin ng reaksyon, ang bagong halal na senador na si Nancy Binay ang unang-unang nagbigay ng kanyang reaksiyon at opinion.

Pabor siya sa nais na mangyari ni Senator Santiago.

Saad ni Senator Binay, "Siguro nga, baka nga kasi mas naha-highlight kung ano ang suot ng mga nag-attend sa SONA.

“Siguro this is high time din to bring back the focus sa kung ano ba talaga ang pakay natin kung bakit tayo nagso-SONA, at hindi para mapag-usapan kung ano ang aming mga susuotin na damit.

“Siguro mayroon ding iba na medyo nagiging garbo ang mga outfit. Pero in a way din kasi, isang way ’yon para ma-highlight natin yung mga local designers natin, yung mga local fabric natin.

“In fact, may mga partylist nga na they use that to express their sentiments and their advocacy.

“I guess hindi mo rin maalis sa mga kababaihan na mag-dress up at mag-ayos.

“I think mayroon din mga Congressmen, they use that opportunity to show their advocacies through their outfit.

“In fact, I remember Congressman Teddy Casiño na laging mayroong nakasulat sa kanyang Barong Tagalog.

“May mga nag-aattend din ng SONA na... Hindi ba, minsan may mga designers na para ma-show off nila ang mga designs nila, they are willing to do it at cost or para lang talaga ma-highlight ang designs nila?"

Patuloy niya, “Siguro pag-aralan natin pagdating diyan sa fashion kasi medyo nakakagulat nga na mayroong red carpet.

"Siguro nga naha-highlight. Baka puwede yung red carpet...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung nangyari noong Lunes, kailangan ka pa na mag-pose. Baka kailangan wala na yung ganoong scenes.

“Siguro pagpasok namin, dire-diretso na lang because I experienced na mayroong stop doon at kukunan ka ng photographers.”



UNIFORM FOR LEGISLATORS. Pabor din daw si Senator Binay sa suhestiyon ni Senator Santiago na magkaroon ng uniform ang legislators.

Aniya, “Ako, para sa akin, okay yun dahil, unang-una, magiging focus ulit ang speech ni Presidente kasi nga parang naha-highlight kung ano ang suot.

“So I will support Senator Santiago’s initiative.

“I think kapag uniform na, naha-highlight talaga... I heard Senator [Loren] Legarda, she is volunteering to design it.

“Okay sa akin ang indigenous fabric.

“In fact, yung suot ko na damit, pinya ’yon.

“But, hindi mo iisipin na pinya yung tela to highlight the fact that yung fabrics natin ngayon ay marami nang puwedeng paggamitan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN