Marian Rivera on dinner with MVP: "Siyempre, may mga bagay na pinag-usapan, ayoko na ding i-elaborate…"

Ayaw idetalye ni Marian Rivera ang pinag-usapan nila ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan sa kanilang dinner two weeks ago. Sabi ni Marian, “Read between the lines na lang. Parang ang hirap naman kasing ganun na lang. Oo naman, the mere fact na dininer nila ako, siyempre malaking bagay iyon para sa akin, na kinu-consider nila ako na isa sa mga artista na pinapahalagahan nila.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kanina, July 24, sa opening ng bagong restaurant na pag-aari ni Mel Martinez, ang Cucina Ni Bunso, sa Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

Sabi ni Marian tungkol sa kanyang pagdalo sa event, “Nandito ako kasi kaibigan ko si Kuya Mel.

“Simula nung Temptation of Wife, hindi kami nawalan ng communication na dalawa.

“Tapos nagkataon pa na si Ateng [Rams David ng Triple A] tsaka si Kuya Mel ay very, very very good friends pa.

“More chika, more fun kaming dalawa, e. Siya yung nagtuturo sa akin ng mga kung anu-ano.”

Si Mel ay kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano, na dumalo rin sa opening ng restaurant.

Kailan naman kaya magbubukas ng sarili niyang restaurant si Marian?

Sagot ng aktres, “Pangarap ko talaga, pangarap ko talaga…

“Pero ano muna, artista muna, ang hirap pagsabay-sabayin, e. Siguro in time.”

Magnenegosyo siya kapag medyo lie low na siya sa pag-aartista?

“Hindi naman lie low, pero ngayon kasi ang daming ganap, e. So, ang hirap din ng hindi mababantayan.”

Natanong tuloy si Marian kung ano ang mga specialty niyang pagkain.

“Siguro mga Filipino food—kaldereta, menudo, sinigang… literal na Pilipino talaga.”

Kaldereta at sinigang daw ang paboritong ulam ng kanyang boyfiend na si Dingdong Dantes.

Ang baking ba ay na-master na rin ni Marian?

“Hindi naman master na master, pero nagbe-bake ako, nakakapag-bake naman ako.”

Mabuti naman at nakakaya pa niyang magluto sa kabisihan ng schedule niya?

Sagot ni Marian, “Kasi kapag wala naman akong trabaho, nasa bahay lang naman ako.”



OGIE ALCASID MOVES TO TV5. Dahil nasagot na ni Marian sa ilang mga panayam ang tungkol sa pagtatapos ng kontrata niya ngayong Agosto sa GMA-7, ang itinanong ng PEP sa kanya ay kung ano ang reaksiyon niya sa announcement ni Ogie Alcasid na nagpaalam na ito sa executives ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng aktres, “Nagkita kami ni Kuya Ogie nung sa OMG Awards.

“Kinausap niya ako na, ‘O, Yan, ha, nagpaalam na ako sa GMA, aalis na ako.’

“Sabi ko, ‘Talaga Kuya?’

“Iyon lang ang sabi niya.”

Ikinagulat ba ito ni Marian?

Tugon niya, “Hindi ako nagulat, kasi nagkaroon din kami ng dinner ni Kuya sa bahay nila ni Ate Reg [Regine Velasquez], so medyo…

“Hindi naman niya direct to the point sinabi, pero wala lang, mingle-mingle lang, pero hindi niya sinasabi sa amin.

“Kumbaga, parang nagpa-dinner siya, ganun, wala lang.”

Paano siya nagka-idea during that dinner na aalis na nga si Ogie sa GMA-7?

“Hindi naman yung dinner na yun, parang… hindi ko alam, e, basta nandun lang ako.

“Pero mas sinabi niya sa akin nung OMG na nagpaalam na siya.”

Ano ang reaksiyon niya?

“Hindi ako nakapag-react, e. Parang sabi ko lang, ‘A, talaga, Kuya? Final na?’

“Sabi niya, ‘Oo, e.’

“Sabi ko, ‘A, okay.’”



POSSIBLE TRANSFER. Si Marian, kung sakaling lilipat siya, ano ang maaaring maging dahilan?

Sabi niya, “Naku, mahirap sabihin na lilipat, ano’ng dahilan…

“As long as masaya ako sa isang network, inaalagaan akong mabuti, at nakikita ko at nararamdaman ko na talagang love nila ako e walang dahilan para umalis.”

Nararamdaman ba niya iyon?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

Alam ni Marian na kung hindi sa pag-aalaga sa kanya ng GMA-7 ay hindi niya mararating ang estado niya ngayon.

“Oo naman, at malaki ang utang na loob ko din sa GMA.

“Kung hindi dahil sa kanila, sa pagbibigay nila sa akin ng Marimar, e, di wala naman aketch!”

At sa Marimar niya natagpuan ang kanyang pag-ibig—ang leading man niya doon na si Dingdong Dantes.

“Tama!” bulalas ni Marian.



DINNER WITH MVP. Inusisa rin ng PEP kay Marian ang tungkol sa pakikipag-dinner niya sa chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Wala, in-invite lang niya ako for dinner.

“Wala lang, parang gusto lang nila akong makilala, gusto lang makita.

“Siyempre, may mga bagay na pinag-usapan, ayoko na ding i-elaborate…

“Na natuwa ako dahil, bilang artista, para i-consider ka nila sa isa sa pinakagusto nilang artista, na i-invite ka pa nila for dinner, siyempre ang laking…

“Ang sarap naman nun para sa akin na pinapahalagahan nila ako nang ganun.”

Direstong tanong: Kinukuha ba siya ng TV5?

Sagot ni Marian, “Read between the lines na lang. Parang ang hirap naman kasing ganun na lang.

“Oo naman, the mere fact na dininer nila ako, siyempre malaking bagay iyon para sa akin, na kinu-consider nila ako na isa sa mga artista na pinapahalagahan nila.”

Nangyari raw ang dinner niya with MVP two weeks ago, sa mismong bahay ng TV5 big boss.

Ang napag-usapan ba nila ni MVP ay ikatutuwa ng mga fans niyang Kapuso, o ikatutuwa ng mga fans niyang Kapatid?

Sabi ni Marian, “Hindi… ang nakakatuwa diyan ay paulit-ulit kong sasabihin, bilang isang artista, para i-invite ka ng isa sa pinakamalaking boss sa ating industriyang ito ay ang laking bagay nun sa akin.

“Na kinu-consider nila ako at, alam mo yun, na masarap yung pagtanggap nila, e.

“Mabait sila, e. So, wala namang masama siguro kung makipag-dinner ako, makipag-mingle sa kanila.

“Malay mo, in the future, may mga projects din sila na hindi natin alam kung ano.”

Nagpu-produce na rin ang TV5 ng pelikula, baka iyon ang in-offer sa kanya?

Sagot ni Marian, “Oo, puwedeng… ang dami ding kasing hawak ni MVP na mga endorsements so hindi lang naman dahil sa Channel 5.”

Alam ng GMA-7 na nakipag-meeting siya kay MVP?

“Wala namang masama, tsaka naniniwala naman ako na hindi naman siguro bawat galaw ko ay kailangan kong sabihin sa GMA.

“Unless kailangan lang na talagang magpaalam, like example yung mga TV guestings, tapos hindi pupuwede, magpapaalam kami sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ito kasing pagdi-dinner namin ay personal naman ito, bilang siyempre parang kinu-consider namin na thankful kami bilang binibigyan kami ng halaga ni MVP e masaya iyon.”



“DECEMBER WEDDING.” Dahil maugong ang balitang magpapakasal na sila ni Dingdong sa December, baka isa sa agenda ng naturang dinner ay para kuning ninong nila sa kasal si MVP?

“Ay, hindi totoo!” bulalas ni Marian.

“Wala pa ngang date, wala pa ngang kung anu-ano.”

Hindi matapus-tapos ang isyu na sa Disyembre sila magpapakasal ni Dingdong.

“Ewan ko ba, kaya siguro hindi matuluy-tuloy.

“December? Ako ang magsasabi kung matutuloy.

"Hindi siya matutuloy, kung anumang magaganap, walang mangyayari.”

Hindi pa siya ready?

“Hindi naman sa hindi pa ready, ang dami-dami kasing mga komosyon.

“Tapusin na muna lahat para mas maganda, settled lahat, lahat maayos.”



MEETING CHAROS SANTOS-CONCIO. Wala ba silang dinner naman ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio?

Kuwento ni Marian, “Nagkita kami sa airport.

“Napaka-ano niya… napakabait niya, mabait siya.

“Actually, siya pa nga yung nag-ano ng unang, ‘Oh, where are you going? Are you with whom?’

“May ganun pa siya, e. Parang, okay. Nakakatuwa.

“Papunta yata akong CDO [Cagayan de Oro] nun.”

Sabi pa ni Marian, “Baka magkita-kita kami bukas kasi ilu-launch namin yung Kung Fu Divas.

“Hindi ko alam kung puwede nang ilabas, na kasama namin ang Star Cinema sa isa sa mga magre-release ng Kung Fu Divas.”

Ang Kung Fu Divas ang pelikula ni Marian kasama si Ai-Ai delas Alas.

Kailan ang showing?

“Mag-uusap-usap kaming mga producer. Pero sana kung hindi September, October. Pero mukhang target namin is October.”



NEXT SHOW ON GMA-7. Naitanong din namin kay Marian ang tungkol sa balitang ang susunod niyang show sa GMA-7 ay pagsasamahan daw nila ni Alden Richards.

Sabi niya, “Alam mo, sa totoo lang, hindi pa inilalatag ng GMA, hindi ko pa alam ang istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende din sa istorya, e. Kung magugustuhan ko, kung pi-fit para sa akin.

“Ang hirap kasing magsabi na, ‘Oo, gagawa ako with…’ E, wala pa namang inilalatag sa amin.”

Yung pelikula naman diumano nila ni Derek Ramsay?

“O, kita mo, yun din, wala din kaming alam dun. Wala din kaming alam dun.

“Kaya nga nagugulat kami na may mga ganung lumalabas na, sabi ko, ‘Ano ba ‘yan, ang daming komosyon, kung anu-anong nangyayari. May kapartner, may isyu!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN