Glaiza de Castro’s team finally scores a victory in Sunday All Stars

Walang lovelife si Glaiza de Castro ngayon pero handa raw siyang maghintay. Aniya, “Bigla na lang darating ‘yan, lalo na sa unexpected na pagkakataon. Si Lord, mahilig magbulaga, e, mahilig manggulat, e. So, hintayin ko na lang kung kailan yun!”


Napatalon sa sobrang tuwa ang grupong “Insta Gang,” na pinamumunuan ni Glaiza de Castro, nang manalo sila sa Sunday All Stars (SAS) last Sunday, July 21.

Simula kasi nang umere ang Sunday musical-variety show ng GMA-7, ito pa lang ang una nilang panalo sa labanan ng mga production number.

Ikalawang linggo naman ito ni Glaiza bilang team leader ng grupo nila kapalit ng naunang si Christian Bautista.

“Nahihirapan ako, medyo nakaka-stress!” nakangiting sabi ni Glaiza nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa pagiging team leader niya.

“Pero at the same time, challenging. Sobrang natutuwa ako na, finally, nanalo na rin kami.

“And happy rin ako na lahat kami sa grupo, talagang nagbigay ng input sa ginawa naming production number.

“So, fulfilling naman.”



NO LOVELIFE. Masaya naman si Glaiza sa takbo ng kanyang career, kaya hindi big deal sa kanya na wala siyang lovelife o special someone sa ngayon.

Aniya, “Ganoon talaga ang buhay.

“Ano lang ‘yan… bigla na lang darating ‘yan, lalo na sa unexpected na pagkakataon.

“Si Lord, mahilig magbulaga, e, mahilig manggulat, e.

“So, hintayin ko na lang kung kailan yun!” sabay tawa niya.



FINALIST. Isa pang labis ding ikinatutuwa ni Glaiza ay ang pagiging finalist ng Temptation of Wife sa Seoul Drama Awards.

Ang Temptation of Wife ang nagtapos nang primetime series ng GMA-7 kung saan nakasama ni Glaiza sina Marian Rivera, Rafael Rosell, at Dennis Trillo.

Sabi niya, “Ang saya! Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala.

“Sobra akong kinilibutan nang narinig ko yung balita na yun, kasi kahit papaano, di ba, may ipagmamalaki ang mga Pilipino dahil doon?

“Na mairi-represent natin yung galing ng Pinoy. At hindi lang yung mga actors kundi the people behind the show.”

Wala pa raw silang natatanggap na opisyal na imbitasyon kaugnay nito.

“Kaya nga hindi pa rin nagsi-sink in sa akin, e, pero thankful ako sa pagkakasama ng Temptation of Wife bilang isa sa finalists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isang malaking karangalan na yun, di ba? Sobrang blessing na.

“Gusto kong pumunta kapag nakatanggap na kami ng formal invitation. Kasi, if ever, first time ko yun sa Korea.

“Tapos, pangarap ko rin kasing maka-attend sa mga ganoong klase ng international na awards night.

“At yung makapunta ka lang, sobrang blessing na iyon, e.”

Wish ni Glaiza na manalo ang Temptation of Wife.

“Kahit sino naman sa mga nanu-nominate, ang initial wish nila, talagang manalo, di ba?

“Pero kung hindi man, yung mapasali ka lang bilang isa sa finalists, it’s a big blessing na nga.”

Anim lamang ang nakapasok sa sa Programmer’s Choice of Final Entries sa Seoul Drama Awards.

Bukod sa Temptation of Wife ng Pilipinas, kabilang din ang Real Humans ng Sweden, Wings of Hope ng Japan, Windeck ng Angola, Breaking Bad (Season 1) ng USA, at Clan ng Belgium.

“Wow! Ang sarap sa pakiramdam!” nangiting sabi ni Glaiza.

“Sa dami ng mga programa na in-screen mula sa iba’t ibang bansa, talagang… wow, amazing!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN