Lovi Poe on doing simultaneous projects: “Mahirap. Nakakabaliw! Nakaka-bipolar siya!”

Sunud-sunod ang indie films na ginagawa ngayon ni Lovi Poe. Sa Cinemalaya ay kalahok ang pinagbibidahan niyang Sana Dati, habang sa Sineng Pambansa ay kasama naman ang Lihis.


Sa sampung entries sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon, kabilang ang pelikulang Sana Dati na pinagbibidahan ni Lovi Poe.

“Pangalawang beses ko na ito na magkaroon ng movie na entry sa Cinemalaya. And I’m so excited kasi I’ve worked with Direk Jerald Tarog again,” sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, July 21, sa Sunday All Stars.

Natutuwa si Lovi na isang kakaibang role na naman ang kanyang nagampanan sa pelikulang ito.

Sabi niya, “It’s very natural na yung story, nangyari sa isang araw lang.

“And yung character ko, dahil ikakasal siya, parang mapapaisip siya kung gusto ba niyang ituloy.

“Dahil merong isang lalaking dumating sa araw ng wedding niya that reminded her of her first love, her true love.”

Tatlo ang leading men ni Lovi sa Sana Dati—sina Paulo Avelino, Benjamin Alves, at TJ Trinidad.

“Yes! What a lucky girl!” sabay tawa ni Lovi.

May mga sexy o daring scenes ba siya sa pelikula?

“Wala, talagang love story siya, it’s very refreshing for me.”

Ano ang masasabi niyang pinakamabigat na eksenang ginawa niya rito?

Ayon kay Lovi, “Siguro yung binabalikan ko yung nakaraan ko.

“Merong isang eksena doon na… masakit talaga siya!”



FILM FESTIVAL QUEEN. Puna ng marami, mas lumulutang ang galing sa pag-arte ni Lovi kapag isang indie film ang ginawa niya kumpara sa mainstream films na tinampukan niya. Sang-ayon ba siya rito?

Tugon niya, “Well, we get to do a lot of different things naman sa mainstream movie.

"At saka, I guess I’m just really lucky to get good roles.”

May isa pa siyang indie film na kasali naman sa Sineng Pambansa, isa ring independent film festival. Ito ay ang Lihis kung saan kasama niya sina Jake Cuenca at Joem Bascon.

Dahil dito, puwede na nga siyang matawag na "Film Festival Queen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi!" natatawang sabi ni Lovi.

“Ano lang, sinuwerte lang ako na nakakakuha ako ng ganitong klaseng mga proyekto.”

Sa Lihis, ginagampanan ni Lovi ang papel ng isang babaeng nagmahal at nagpakasal sa isang lalaki na hindi niya alam ay isa palang bading at may karelasyong lalaki rin.

Aniya, “Mahirap i-explain yung movie, mas maganda panoorin na lang ninyo para maintindihan ninyo yung story nito.”



BETTER PERFORMANCE. Alin ang mas pang-award, yung performance niya sa Sana Dati na entry sa Cinemalaya o yung sa Lihis na entry sa Sineng Pambansa?

“I don’t know, wala naman akong iniisip na pang-award.

“Kasi parang ano lang… I just try to enjoy every single thing.

“But then… ano kasi, yung sa Sana Dati, excited talaga ako doon because it’s very different nga.

“Ibang Lovi ang makikita ninyo because… very sweet.

“I mean very sweet, kasi lahat ng roles ko laging may sexy scenes or may love scenes.

“But this one, it’s just plain and simple. ‘Yun!” sabay ngiti niya.



CESAR MONTANO. Kaliwa’t kanan ngayon ang mga projects na ginagawa ni Lovi.

Bukod sa indie films, hataw rin siya sa paggawa ng drama series.

Maliban sa docu-drama na Titser na kanyang pinagbibidahan sa GMA News TV ay magsisimula na rin siyang mag-taping para sa primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

“Excited ako to start taping for Akin Pa Rin Ang Bukas, kasi balik-Telebabad ako ulit.

“And I’ll be working with Cesar Montano, Helen Gamboa, Rocco Nacino, Solenn Heussaff, and Charee Pineda.

“So parang bagung-bago lahat para sa akin.”

Nag-meet na raw sila ni Cesar. Ano ang impression niya sa aktor?

“Well, he’s very nice, plus he’s a very good actor. So kinakabahan talaga ako.

“I don’t know how to prepare myself for this!” tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit naman siya kakabahan na makatrabaho ang isang premyadong aktor na gaya ni Cesar, magaling at award-winning actress din naman siya?

“Marami pa akong kakaining bigas! Ha-ha-ha!

“And nakaka-starstruck kasi kapag kaharap mo siya!

“And I’m still there, never akong nawawala sa starstruck mode na yun.”



CHARACTER SHIFTS. Sa dami ng mga roles na halos magkakasabay niyang ginagampanan at ginagawa, hindi ba mahirap at nakakalito to shift from one character to another.

“Mahirap. Nakakabaliw! Nakaka-bipolar siya!" tawa niya.

“Hindi. Ano… mahirap kasi bawat characters, iba-iba ang ginagawa ko nga.

“So, binibigyan ko ng ibang mannerisms at nuances, I try my best.

“And hopefully nga, ma-distinguish ng tao, kasi I don’t want naman yung paulit-ulit na lang ang ginagawa ko.”

Meron bang particular character na nahirapan siyang bumitiw talaga na nadadala pa niya hanggang sa bahay?

“Lagi, kapag sa soap,” pag-amin niya.

“Sa lahat ng soap operas na ginawa ko, hirap akong kumawala agad-agad sa character na ipinu-portray ko—na kung ano yung character ko, iyon ako.

“For a time, ganoon.”

MUSIC ALBUM. Excited din si Lovi na she’s into recording na rin.

Sabi niya, “Wala pa akong time sa ngayon, but hopefully I could start recording soon.

“Actually may na-record na akong few songs, pero hindi talaga nabibigyan ng pagkakataon na magtuluy-tuloy.

“Mga love songs lahat yung magiging laman ng album, meron ding ballad at jazz.

“Hopefully, ma-record ko na lahat at matapos na ito.

“Sana soon!” huling nasabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN