Nova Villa happy hearing about sister Tiya Pusit’s wedding to 27-year-old guy

Nova Villa on sister Tiya Pusit’s upcoming wedding: "Kung masaya si Meng sa karelasyon niya ngayon at may balak na silang magpakasal, by all means, gawin niya ang makakapagpasaya sa kanya. Lagi ko naman ipinagdarasal ang kapatid kong ‘yan, e. Kung ito ba ang tao na makakapagpasaya sa kapatid ko, then I will thank God for that. As long as happy ang kapatid ko, happy na rin ako—yun ang importante ngayon.”


Masayang-masaya ang veteran actress na si Nova Villa kapag mga bata ang kanyang nakakatrabaho.

Sa bagong drama series ni Nova sa GMA-7, ang Binoy Henyo, gumaganap siya bilang lola ng bagong Kapuso child actor na si David Remo.

Matagal napahinga si Nova sa paggawa ng drama series at huli siyang napanood ay sa Aso Ni San Roque.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagbakasyon kasi ako after noong Aso Ni San Roque.

“Sunud-sunod din kasi ang naging trabaho natin kaya noong matapos ang isang work, nagpahinga muna tayo.

“Alam ninyo naman, sa edad natin ay mas kailangan natin ng pahinga para kapag may bagong trabaho, okay na tayo ulit.

“Pero kahit nga wala akong teleserye, nasa sitcom naman ako na Pepito Manaloto.

“Okey naman iyon kasi once a week lang ang taping namin.

“Minsan nag-a-advance kami kapag may mga aalis tulad ko, si Bitoy [Michael V], si Mane [Manilyn Reynes], si Jessa [Zaragoza].

“Ngayon ay normal na ulit ang taping schedules ko.

“Fresh na fresh kasi tayo mula sa bakasyon.”



TALENTED KID. Tuwang-tuwa si Nova sa kakulitan ni David sa set ng Binoy Henyo. Pero kapag sinabing magte-take na sila ay mabilis itong nakaka-memorize ng kanyang dialogues.

“Amazed ako sa batang ito kasi kahit mahilig siyang maglaro sa set, kapag sinabihan na siya ng staff na mag-ready na siya at kukunan na ang mga eksena namin, ready na talaga siya.

“Mabilis siyang mag-memorize, kaya mabilis kunan ang mga scenes namin nila Sheena [Halili].

“Tsaka napakalambing ng batang ‘yan.

“Kapag nakikita nga akong dumarating sa set, tawag na niya sa akin ay ’lola.’

“In real life naman, lola na talaga ako, pero ang apo ko ay nasa ibang bansa.

“Kaya ang mga batang nakakatrabaho ko, itinuturing kong parang mga apo ko na."



FEELING YOUNG. Nabanggit din ni Nova na mas type niyang makatrabaho ang mga bata dahil mas lumalakas daw siya kapag kaeksena niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga batang nakatrabaho na ni Nova sa bakuran ng GMA-7 ay sina Mona Louise Rey, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jillian Ward, Isabel “Len-Len” Frial, at Julian Trono.

Aniya, “Nakakahawa kasi ang energy ng mga bata.

“Kapag napapaligiran ako ng mga bata, parang hindi ako napapagod.

“Tsaka ang sarap nga ng feeling na magmamano sila sa iyo, hahalik sila—namimi-miss ko tuloy ang apo ko.

“Kaya natutuwa ako na kapag may bago akong show, may bata na parating nasa cast.”



SISTER TIYA PUSIT. Naitanong din ng PEP kay Nova ang tungkol sa plano pagpapakasal ng kanyang kapatid na si Tiya Pusit.

Napabalitang magpapakasal na ang veteran comedienne sa 27-year-old boyfriend nitong si Nathan Villa sa susunod na taon.

“Natawa nga ako at kaapelyido ko pa!” natatawang sabi rin ni Nova.

“Hindi pa kami nagkakausap ni Meng [Tiya Pusit], pero may nagparating na sa akin tungkol diyan.

“Ano ba ang gusto ninyong maging reaction ko?

“Kami naman ni Meng, kahit na marami kaming hindi napagkakasundan, nirerespeto ko naman ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya.

“Tapos na kami sa stage na nag-aaway kami, nagkakasagutan kami kapag may mga issues siya—hindi healthy para sa aming magkapatid.

“Tsaka may mga edad na kami, nakakapagod naman yung parati kayong may pinag-aawayan, di ba?

“Ngayon, kung masaya si Meng sa karelasyon niya ngayon at may balak na silang magpakasal, by all means, gawin niya ang makakapagpasaya sa kanya.

“Lagi ko naman ipinagdarasal ang kapatid kong ‘yan, e.

“Kung ito ba ang tao na makakapagpasaya sa kapatid ko, then I will thank God for that.

“As long as happy ang kapatid ko, happy na rin ako—yun ang importante ngayon.”



DEPARTED COLLEAGUES. Isa si Nova sa nalungkot nang sumakabilang-buhay ang komedyanteng si Sammy Lagmay noong nakaraang buwan.

Matagal nakasama ni Nova si Sammy sa sitcom ng ABS-CBN na Abangan ang Susunod na Kabanata. Gumanap na bayaw ni Nova si Sammy sa naturang sitcom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ‘80s na sitcom na Chicks To Chicks unang nabigyan ng break si Sammy bilang isang komedyante.

Sabi ni Nova, “Mabait na tao ‘yang si Sammy dahil nasa IBC-13 pa lang kami, kilala ko na siya.

“Nagsimula siya bilang empleyado ng studio.

“Dahil sa pagiging masipag niya, nabigyan siya ng break sa Chicks To Chicks, doon na yung simula ng career niya as a comedian.

“Six years kaming nagkasama ni Sammy sa Abangan ang Susunod na Kabanata. Kaya sobrang nakakalungkot dahil isa na naman sa mga naging co-stars ko sa industriya ang namaalam.

“Last year, si Dolphy, ngayon si Sammy naman.

“Para kaming isang pamilya lang noon sa show. Kapag may special occasion, kami-kami ang magkakasama.

“Naging close ako sa pamilya ni Sammy, yung wife niya at mga anak niya, parating kasama sa mga family occasions namin.

“Nakakalungkot lang na nauwi sa ganoon ang pamilya nila.

“Matagal ko ring hindi nakausap si Sammy pero alam kong maysakit siya.

“I did my best na makatulong kahit papaano sa naging kalagayan niya.”



MORE BLESSINGS. Para kay Nova, masyadong maiksi ang buhay kaya bawat araw na nagigising daw siya ay ipinagpapasalamat niya sa Panginoon.

Saad niya, “I am always thankful sa Panginoon dahil nakakagising pa tayo sa bagong araw na haharapin natin ulit.

“I am thankful that despite my age, may trabaho pa rin tayo.

“Kahit na alam mong meron silang puwedeng ibang kunin na mas bata, pero tayo pa rin ang nabibiyayaan ng trabaho.

“Noong araw kasi, nagreklamo ako sa dami ng trabaho ko.

“There was a time na wala akong pahinga at gusto ko nang tumigil.

“Aba, biglang nawala isa-isa ang mga shows ko!

“Ganoon pala ang feeling na binabawian ka ng blessing, hindi pala maganda ang ganoon.

“Kaya natuto na akong huwag magreklamo kundi ang magpasalamat sa mga blessings na dumarating,” pagtatapos ni Nova.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN