Marian Rivera wants to do a movie with Star Cinema; relates chance encounter with Bea Alonzo

Inamin ni Marian Rivera na gusto rin niyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Pero hindi raw niya ito magagawa hangga’t hindi pa natatapos ang kontrata niya sa Regal Entertainment.


Ongoing ang pag-uusap para sa magandang materyal sa susunod na pelikulang gagawin ni Marian Rivera sa Regal Entertainment, Inc.

“May dalawa pa akong gagawin na pelikula sa kanila,” sabi ni Marian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng restaurant ng kaibigan niyang si Mel Martinez sa may Quezon City kahapon, July 24.

Kung magkakaroon ng pagkakataon, nais ni Marian na makagawa ng pelikula sa Star Cinema pagkatapos ng dalawang pelikula niya sa Regal.

“Ay naku, gusto ko, sa totoo lang!” bulalas ni Marian.

“Kasi si Dong, nakatatlo na at kasi iba din kasi ang… hindi ko naman minamaliit ang kung anuman yung mga nagpo-produce ng mga pelikula, siyempre iba rin ang Star Cinema.”

Nakadalawang pelikula na ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN—ang Segunda Mano (2011) at One More Try (2012).

Nakatakda na ring gawin ng Kapuso actor ang ikatlo niyang pelikula rito na pagsasamahan naman nila ni Bea Alonzo.

Dagdag ni Marian, “At marami silang artista doon, e, na maaari kong makapareha.”

Sino ang gusto ni Marian na maging leading man sa Star Cinema?

“Sino ang gusto ko? Sino ba’ng bagay sa akin?” balik-tanong niya sa amin.

“Kayo nga ang magsabi. Sino sa tingin ninyo?”

Si John Lloyd Cruz?

“Anong gusto ninyong konsepto? Drama o romantic comedy?”

Sinabi namin na since sanay na ang mga tao na nakikita si John Lloyd sa romcom, ganun din si Marian, para maiba ay isang heavy drama movie ang babagay sa kanila.

Tugon ng Kapuso actress, "Iyon, malay n’yo, di ba?

"Pero hindi ko magagawa iyan at imposible ’yan hangga’t hindi ko natatapos ang mga kontrata ko kay Mother [Lily Monteverde].

"Kailangan kong tapusin lahat, di ba?”

BEA ALONZO. Sa mga babaeng artista naman sa ABS-CBN, sino ang gustong makatrabaho ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kasi akong nakaka-bonding na taga-ABS at hindi ko pa sila ganun…

“Project? Nagkita kami ni Bea Alonzo, at napakaano niya e, accommodating. Parang napaka-light.

"Yung nagkita kami sa isang... paano ko ba sasabihin... hindi naman... bar ba ito?

"Basta sa isang restaurant o kainan, o siguro bar na din yun, tapos nandun si Zanjoe [Marudo, Bea’s boyfriend].

“Tapos kasama ko yung kaibigan ko, sabi niya, ‘Zanjoe, gustong makilala ni Bea si Marian.’

“Sabi ko, ‘Sure.’

“Parang para sa isang ano na, magkaka-partner sila ni Dong, tapos ganun pa siya sa akin, sabi ko, ’Napakabait naman nitong taong ito.’

“So lumapit ako sa kanya, nag-meet halfway kami, sabi niya, ‘Hi, alam mo makaka-work ko si Dong.’

“Sabi ko, ‘Oo nga, good luck,’ sabi ko.

“Ayun, ang saya lang.

“In fairness sa kanya... actually si Dong din naman, bago pa i-offer ng Star Cinema, sinasabi niya sa akin gagawa siya ng movie.

"Tapos finally sinabi niya with Bea and romantic comedy.

“Nakakatuwa kasi ikinuwento rin ni Dong sa akin yung story... open kasi kami ni Dong sa mga sitwasyon na ganyan, e. Ultimo sa istorya.

“Nakakatuwa lang na itong Bea na first time kong maka-encounter, na ganun siya, so nakakatuwa.

“Siguro given a chance... magaling siyang aktres, malay mo.”

Unang beses iyon na na-meet ni Marian si Bea.



ANGEL LOCSIN. May lumutang na balita na kapag lumipat si Marian sa ABS-CBN ay isang project na pagsamamahan nila ni Angel Locsin ang ibibigay sa kanya.

“Ay, kahit sino. Pero parang imposible naman yata.”

Bakit niya nasabing "imposible"?

“Sabi mo kasi soap sa ABS, e.”

Iyon kasi ang bulungan, if ever.

Sabi ni Marian, “Well, sabihin na lang natin na kahit sino ang artistang makaparehas ko, bago man yun o nakatrabaho ko, e, looking forward ako diyan, lalo na siyempre dun sa mga taong hindi ko pa nakakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre sa GMA, ito lang yung ginagalawan ko, e, kami at kami lang.

"So, magandang parang kay Dong na nakakasalamuha din niya yung mga artista sa kabila, nakakapag-mingle sila.

"Like, good friends si Dong at saka si Zanjoe dahil dun sa One More Try. O, di ba?”

Iginiit ni Marian na maayos sila ni Angel.

“Wala kaming problema ni Angel, sa totoo lang.

“Siguro hindi lang maiiwasan na yung past niya, at yung past ko, during MariMar days and everything, na umalis siya tapos ako yung nandun. Nagkataon lang.

“Pero sa totoo lang, walang kumpitensiya sa aming dalawa dahil magkaibang-magkaiba talaga kami ng path na dinadaanan.

"At nasa kabila siya, nandito ako.

“Hindi ko din alam kung bakit palaging ganun yung nangyayari, na pinagsasabong.

"E, pag nagkikita kaming dalawa, walang problema sa amin. Iyon yung mahalaga.

“Kaya minsan nalilito din ako na yung mga fans, ‘Anong nangyayari?’

“Pinagsasabong kami, e, wala naman kaming problemang dalawa.”

KARYLLE. Maayos din daw sila ni Karylle, ang ex-girlfriend ni Dingdong.

Sabi ni Marian, “Alam mo, wala kaming naging problema ni Karylle at kahit tanungin ninyo si Karylle, since day one, wala naman akong atraso sa kanya.

“Nagkataon lang na ex niya si Dong at present kong ano [boyfriend] si Dong ngayon.

“Tapos sabi ko din, nagkita kami, siguro it’s about time kasi parang kung anuman yung issues niya dati, wala akong kinalaman dun.

"At alam niya ’yan, malinaw sa aming mga eye-to-eye contact na wala akong kinalaman kung ano’ng dahilan ng past niya with Dong.

“So, nung nagkita kami kay Kuya Germs, nag-smile ako, kasi para sa akin, ang saya-saya ng buhay ko, wala akong problema at wala kaming problemang dalawa. Di ba?

“Kung may past man sila, kung may problema man sila ni Dong, sila yun. Wala akong kinalaman dun.”

Kapag nagkita silang muli ni Karylle, may tsikahan na kayang maganap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Marian, “Siguro not more on tsikahan. Siguro civil lang and respeto lang sa isa’t isa, siguro sapat na yun.”

DENNIS & TOM. Natanong din namin kay Marian kung ano ang masasabi niya sa bonggang career ngayon ng mga dati niyang “kapatid” na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, na umaani ng tagumpay dahil sa teleserye nilang My Husband’s Lover.

Aniya, “Ay, masaya ako para sa kanila.

"At least maganda ang nangyayari sa kanila, maganda ang nangyayari sa akin.

"So, ibig sabihin, tama lahat.”

Na sina Dennis at Tom pala ang "perfect loveteam"…

“Why not?” pagsang-ayon ni Marian.

Dating manager ni Marian ang manager nina Dennis at Tom na si Popoy Caritativo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN