Paolo Contis and Lian Paz now preparing to nullify their marriage

Bagamat ayaw magdetalye ni Paolo Contis tungkol sa balitang pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni Lian Paz, inamin ng aktor nasa proseso na ito at pinag-uusapan na nila ito ng kanyang abugado.


Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isa sa mga araw na ito ay magpa-file na si Paolo Contis sa korte upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Lian Paz.

Ayaw ni Lian na magsalita tungkol dito dahil napag-usapan na raw nila ito ni Paolo.

Si Paolo naman ay tipid din ang mga sagot, pero inamin nitong nasa proseso na nga at pinag-uusapan na nila ito ng kanyang abugado.

Saad niya, “Meron kasing mga irregularities dun sa mga pangyayari.

"So, mga lawyers ko are filing a case to question those irregularities.

“Hanggang dun na lang muna ang mai-share ko.”

Hindi maidetalye ni Paolo anong hakbang ang gagawin dahil dapat daw na maingat sila dahil hindi pa ito nakakarating sa korte.

Kung maaari nga lang daw ay ayaw na niyang pag-usapan pa ito, pero hindi naman daw niya ito ipinagkakait sa publiko.

Ayon kay Paolo, para naman sa kanila ni Lian itong pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

“I’m hopeful about the future—future ko, future niya—para makapagsimula na ako na clean slate kumbaga.”

PARENTS. Sabi pa ni Paolo, hindi masasabing magkaibigan sila ni Lian, pero okay daw sila pagdating sa kanilang dalawang anak.

Sinisikap daw nilang maging mabuting magulang sa kanilang mga anak.

Hindi raw nakikita ni Paolo si Lian kapag nakakasama nito ang mga bata dahil madalas ay dinadala sa kanya ang mga ito kung nasaan siya.

Sabi ni Paolo, “About the kids, what’s important is I can see the kids anytime I want.

“Other than that, sabi ko nga, there’s always the right to talk about that.

"Sa ngayon na nasa process pa lang siya ng filing, I think it’s also right na I don’t want to go into details na muna."

NEW MAN. Nakarating din kay Paolo ang balitang mayroon nang ibang lalaking nali-link kay Lian at masaya naman daw siya para sa dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy for her na okay siya.

“I mean, technically, may kanya-kanya na kaming buhay, e.

"Hindi ako nakikialam, in the same manner na hindi rin siya nakikialam sa akin.

"Good kung masaya siya dun.”

Kung pareho na silang malaya, hindi na isyu para sa kanila kung may kanya-kanya na silang karelasyon.

“Kaya nga yung prosesong kailangang magawa, ginagawa para it’s also for my future to be fair… to my partner kung sakali, na maging masaya siya,” sabi ni Paolo.



JOHN CABAHUG. Ang tinutukoy na lalaking nali-link ngayon kay Lian ay si John Cabahug, ang taga-Cebu na basketbolistang may sarili na ring negosyo sa Maynila.

Siya ang may-ari ng Skinmate na ini-endorse ni Lian. Isa ito sa mga sponsors ng YES! 100 Most Beautiful Stars na ini-launch kahapon, July 25.

Dumalo si John sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars at tinanong siya ng PEP tungkol sa kanila ni Lian.

Pero itinanggi ni John nang tanungin namin kung sila na nga ni Lian.

Sabi ni John, “We’re friends pa lang naman. Yes, we go out, pero hanggang dun lang muna.”

Inamin niyang nanliigaw siya, pero naintindihan daw niyang may inaayos pa si Lian bago pasukin ang panibagong relasyon kung sakali.

“I’m single, and hopefully maging single din siya. Sana...” sabi ni John.

Hindi naman masagot ni Paolo ang tanong namin kung may nararamdaman ba siyang kahit konting selos kapag nakakarinig siyang may iba nang lalaki na nali-link sa dating asawa.

Aniya, “As I’ve said, one of the feelings that I have is very hopeful about the future. I can see a new future na nakikita ko.

“Masaya ako sa trabaho, thankful sa GMA na hindi nila ako pinabayaan.

“Naaalagaan ko na ang sarili ko ngayon.

"Malaking bagay ang pinagdaanan ko to weigh things into perspective na ang buhay mo na minsan okay, minsan hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano man yung mga mali, madami akong natutunan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN