Eric Quizon reveals Comedy King Dolphy’s wish about distribution of inheritance

Ginunita ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang 85th birthday ng yumaong Comedy King na si Dolphy kahapon, July 25, sa Museo Pambata. Bumida sa selebrasyon ang Dolphy puppet ng sikat na ventriloquist na si Wanlu.


Naging masaya ang paggunita sa 85th birthday ng namayapang Hari ng Komedya na si Dolphy kahapon, July 25,

Sa selebrasyong idinaos sa Museo Pambata sa Manila ay isang “Dolphy puppet" ng ventriloquist na si Wanlu ang bumida.

Kapansin-pansin din ang pink dress ng biyuda ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla para sa okasyon.

Sabi ni Zsa Zsa sa Aksyon ng TV5, “I wanted to wear happier color kasi siyempre dapat celebration, di ba, kasi sabi ko ayoko nang mag-drama.”

Pagkatapos ng selebrasyon at tawanan, binasbasan na ang Dolphy Statue—ang bagong monument ng Comedy King sa may Roxas Boulevard.



DOLPHY CLEAN-UP APP. Simula Oktubre, malalaro na rin sa Smartphones at tablets ang bagong Dolphy App, isang game application kung saan kakalabanin ng Comedy King ang climate change.

Parang Super Mario daw ang karakter ni Pidol sa game app habang namumulot ng basura.

Sabi ng anak ng Comedy King na si Eric Quizon, “There’s partly entertainment and there’s partly lessons that he wants to impart.

“Basically, nagti-teach siya sa kids how to clean the streets, how to clean the environment.”



DOLPHY’S PAMANA. Aminado naman si Eric na maraming pagsubok ang kinakaharap ng pamilya nila, pero unti-unti raw itong naaayos sa tulong ni Zsa Zsa.

Isa na nga rito ang hatian ng mga ari-ariang naiwan ni Mang Dolphy.

Saad ni Eric, “Ang wish niya [Dolphy] talaga is… ang sabi niya sa akin, ‘Eric, ayoko ng gulo, ayoko ng away, gusto ko lahat pantay-pantay. Pangako mo ’yan sa akin.’

“So, that’s his wish.

“So yun ang sinusubukan naming magawa and, so far, successful naman ang isa’t isa sa amin sa paggawa nung wishes niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN