Kathryn Bernardo and Julia Montes named YES! Most Beautiful Stars this year

Julia Montes and Kathryn Bernardo were hailed as Most Beautiful Stars at this year’s YES! Most Beautiful Stars 2013.


Sa ika-pitong taon ng YES! Most Beautiful Stars ay dalawang artista ang napili upang maging cover—ang Kapamilya talents na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Sa ginanap na grand launch para sa YES! Most Beautiful Stars 2013 sa Crowne Plaza kahapon, July 25, ay pormal na inanunsiyo ang pagkakapili nina Julia at Kathryn bilang "Most Beautiful Stars" ngayong taon.



MOST BEAUTIFUL STARS. Masayang-masaya sina Julia at Kathryn sa pagkakapili sa kanila ng YES! bilang "Most Beautiful Stars" ngayong taon.

Sabi ni Julia, “Lagi naming joke ni Kathryn, since Mara Clara, kami na yung tandem, kami na yung forever loveteam.

"So super happy na from the start and until now, kami pa rin yung pinagsasama.

"So, pareho kami sa journey namin. Sabay-sabay nasasaksihan namin yung career na nangyayari sa amin."

Sabi naman ni YES! editor-in-chief si Jo-Ann Maglipon tungkol sa mga nakasama sa YES! Most Beautiful Stars 2013, “This is the YES! team’s choice and we stand by our choices and we did it fairly after several weeks of discussion but over more than six months of refining the list.”

Bukod kina Julia at Kathryn, halos 40 sa 100 stars na kabilang sa listahan ang dumalo kahapon.



EARLY BIRDS. Bilang patunay ng kanilang professionalism, unang dumating sa venue ang veteran star na si Tirso "Pip" Cruz III at ang asawa nitong si Lyn Ynchausti-Cruz, na bahagi ng "Enviable Couples" category.

Sa maikling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Pip at Lyn, ibinahagi nila ang sikreto ng kanilang matagal nang pagsasama.

Sabi ni Lyn, “Ang lagi naming sinasabi at ang unang sagot namin is God. Siya ang nasa sentro ng aming pagsasama at ng aming pamilya.”

Kasunod nilang dumating si Ricky Davao, na nag-iisa sa kategoryang "The Idol."

Sabi ng 52-year old actor-director tungkol sa pagkakasama niya sa listahan, “Surprised but very thrilled na nangyari ‘yon. Puwede pa pala sa age kong ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaga ring dumating sa venue ang child sensation na si Ryzza Mae Dizon, na kabilang sa "Wonder Kids" category.

Nang tanungin ng PEP kung ano ang pakiramdam niya na kasama siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, ang makulit niyang sagot ay: “Hindi ko alam! Hindi ko nga po alam kung bakit ako beautiful.”

Hindi raw siya naniniwala na beautiful siya.

Hirit pa niya, “Beautiful? Asan? Maliit ako at saka mataba!”

Yun nga lang, bago pa magsimula ang program proper ay kinailangan nang magpaalam ni Ryzza Mae dahil may taping pa siya ng GMA-7 sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

KAPUSO STARS. Kabilang sa Kapuso stars na dumalo sa event ay sina Glaiza de Castro ("Primetime"), Lovi Poe ("Primetime"), Bianca King ("Afternoon Movers"), Rocco Nacino ("Afternoon Movers"), LJ Reyes ("Hotness"), Bela Padilla ("Maverick"), at Max Collins ("Breakthrough").

Dumating din sina Rochelle Pangilinan ("Reinventions"), Andrea Torres ("Newbies"), Krystal Reyes ("Comebacking"), Pancho Magno ("Hotness"), Thea Tolentino ("Newbies"), Jeric Gonzales ("Newbies"), Mona Louise Rey ("Wonder Kids"), at Alden Richards ("Primetime").

Pinagkaguluhan naman ang sabay na paglalakad sa red carpet ng My Husband’s Lover stars na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, na nakabuo na ng "loveteam" na TomDen.

Si Dennis ay kabilang sa kategoryang "Primetime," habang si Tom naman ay nasa "Hotness" category.

Ang kanilang leading lady sa teleserye na si Carla Abellana ay kasama rin sa "Primetime" category ngunit hindi nakadalo ang aktres.

Marami naman ang nag-abang sa reaksiyon ni Bianca nang dumating si Dennis. Dating magkarelasyon ang dalawa.

Nakaupo na si Bianca sa may stage nang sabay na dumating sina Dennis at Tom. Nang makarating sa stage ang dalawang ang aktor ay naupo sila sa pinakalikod na bahagi ng stage.

Pero hindi pa man tapos ang presscon proper ay namataan na bumaba ng stage si Bianca at umalis na ng venue. Hindi pormal na nakapagpaalam ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago umalis ng venue ay sinubukan ng PEP na kunan ng reaksiyon si Bianca sa pagkikita nila ni Dennis, pero sabi lang nito na nakangiti, "Nice try..."

KAPAMILYA STARS. Bukod kina Julia at Kathryn, ang iba pang Kapamilya stars na dumating kahapon ay sina Jake Cuenca, Joseph Marco at Martin del Rosario na pare-parehong kasama sa "Hotness" category.

Dumating din ang hottest male heartthrob ngayon na si Daniel Padilla na kasama sa "Breakthrough" category.

Naroon din si Dimples Romana na kabilang naman sa "The Versatile" category.

Pasok sa "Newbies" category ang Star Magic Circle 2013 members na sina Michelle Vito, Janella Salvador, Jerome Ponce, at Julia Barretto.



FACES OF FIVE. Mula naman sa Kapatid network, naroon sina Martin Escudero ("Faces of TV5"), Vin Abrenica ("Newbies"), Sophie Albert ("Newbies"), at Ritz Azul ("Hotness").

Ayon kay Ritz, “Being beautiful is not just on the outside but also in the inside.”

Marami rin ang nag-abang kung magkakatagpo ang landas ni Martin at ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo, na dumalo sa event kasama ang mga alaga nitong sina Dennis at Tom.

Pero dahil sa dami rin ng tao ay hindi nagkita ang dalawa.

Alamin ang iba pang mga artista na nakapasok sa YES! Most Beautiful Stars 2013 sa YES! Special na mabibili na ngayon sa leading bookstores at newsstands.

Para naman sa iba pang interviews sa mga artistang dumalo sa press launch kahapon, bisitahin ang www.pep.ph/yes100mostbeautiful2013.

Para makita ang mga pictures, CLICK THIS.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN