Dennis Trillo downplays awkward moment with ex-girlfriend Bianca King at YES! 100 Most Beautiful Stars launch

Dennis Trillo on being included in this year’s YES! 100 Most Beautiful Stars: “Sobrang proud, siyempre, na mapasali ulit dito. Wala ako nung mga nakaraang taon kaya mahalagang mahalaga sa akin at natutuwa ako na mapasali ulit sa isang daang pinakamagandang artista.”


Isa ang My Husband’s Lover actor na si Dennis Trillo sa mga nagpunta sa grand launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars for 2013 kahapon, July 25, sa grand ballroom ng Crowne Plaza sa Ortigas.

Kasama si Dennis sa “Primetime” bracket ng listahan, kung saan kabilang din sina Glaiza de Castro, Lovi Poe, Paulo Avelino, Enrique Gil, Louise delos Reyes, Alden Richards, Xian Lim, Heart Evangelista, Enchong Dee, Maja Salvador, at Carla Abellana.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang Kapuso actor pagkatapos ng presscon proper.

Taong 2009 nang huling mapasali sa listahan ang Kapuso actor, kaya naman natutuwa siya na muling makasama sa listahan ngayong taon.

Ani Dennis, “Sobrang proud, siyempre, na mapasali ulit dito.

“Wala ako nung mga nakaraang taon kaya mahalagang-mahalaga sa akin at natutuwa ako na mapasali ulit sa isandaang pinakamagandang artista.”



MOST BEAUTIFUL. Sino naman kaya sa tingin niya ang Most Beautiful Actress and Actor of 2013?

“Siguro Anne Curtis at Piolo Pascual,” tugon niya.

Ang co-star niya na si Tom Rodriguez, “beautiful” din ba?

Sabi ni Dennis, “Oo naman, siyempre para makaarte ka ng ganun, yung ginagawa namin sa TV, kailangan makita mo rin yung beauty ng isang tao na…

“Halimbawa, may relasyon kayo, mahanap mo yung pinakamagandang bahagi ng mukha niya, ng mga assets namin.”



GREAT ACTING. Samantala, ipinagpapasalamat ni Dennis ang magagandang comments at reviews na nakukuha nila habang tumatagal ang kanilang programa na My Husband’s Lover.

Kuwento pa ng aktor, mas naging matibay pa ang pagkakaibigan nila ni Tom dahil sa bonding nila sa set.

Saad ni Dennis, “Ano na, e, yung My Husband’s Lover, ika-34th episode niya na… and for ilang episodes, ilang araw na kaming nag-taping.

“Mas nagiging okay pa kami lalo bilang magkaibigan, yung bonding naming dalawa bilang magkaibigan.”

Marami ang pumupuri sa akting ng lahat ng cast. At sa kaso ni Dennis ay marami ang nagsasabing lahat ng parte ng katawan niya ay umaarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktor, maigi nilang pinag-aaralan ang bawat eksena para mapaganda ang kanilang programa.

“Siyempre, tsaka bilang Vincent and Eric, talagang pinag-aaralan namin yung mga ginagawa namin sa mga eksena.

“Magaling din kasi yung direktor namin [Dominic Zapata].

“Matalino siyang tao, para siyang teacher sa set, marami kaming natututunan sa kanya.”

Hindi na rin daw iba sa kanya ang gumanap bilang bading dahil una na niya itong nagampanan sa pelikulang Aishite Imasu 1941 (2004), kasama si Judy Ann Santos.

Saad pa ng Kapuso star, “Nakapag-aral naman dati, kasi dahil nakagawa naman na ako ng pelikula dati.

“So parang tinweak [tweaked] ko lang, inalala ko lang yung mga ni-research ko noon.

“Nagamit ko rin naman kaya nakakatuwa.”

Ayon kina Dennis at Tom, marami silang mapangahas na eksena ngunit hindi naere sa My Husband‘s Lover.

"Hindi naman malaswa," ani Dennis.

Dagdag naman ni Tom, "Nagkataon lang na nasa bed... nakakahinayang lang kasi nagawa na namin. Ang hirap, e!"

WATCH VIDEO: Dennis Trillo and Tom Rodriguez on what makes their characters in "My Husband’s Lover" memorable

LOVELIFE. Sa ngayon, parehong single sina Dennis at Tom. Hindi naman kaya naapektuhan na ng kanilang characters sa soap ang kanilang lovelife?

“Wala, hindi naman [nakakaapekto].

“Wala pa rin, e, talagang ano si Tom lang,” biro ni Dennis.

Dagdag niya, “Este, yung ano lang, focus lang talaga ako sa trabaho saka nakakatuwa lang talaga yung nangyari kaya nakakapanghinayang nga na hindi napapangalagaan itong magandang nangyayari…”

Samantala, muli na namang naging maugong ang balita na nagkabalikan daw si Dennis at ang dati niyang kasintahan na si Cristine Reyes.

Ngunit paglilinaw ng Kapuso actor, “Wala na, lumang balita na ’yan. Hindi totoo ’yon.

“Lahat kami magkakaibigan kaya… hindi totoo, matagal nang balita ’yan.

“Pero ang totoo niyan, magkakaibigan kaming lahat.

“Kaibigan siya ng mga kapatid ko, kaya minsan magkakasama sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinusubukan din daw ni Dennis na maibalik ang pagkakaibigan nila ng mga dating nakarelasyon.

“Sa lahat naman, pinipilit ko.”

Napansin naman ng press na hindi sila nagpansinan ng ex-girlfriend niya na si Bianca King, na dumalo rin sa press conference ng YES! 100 Most Beautiful 2013.

Ngunit ayon kay Dennis, hindi lang sila nagkaroon ng pagkakataon dahil umalis nang maaga si Bianca.

Hindi kaya naiilang pa rin sila sa isa’t isa?

Sagot ng aktor, “Wala, wala, nahihiya ako dahil late kaming dumating dahil nga nanggaling kami sa isa pang pictorial kaya ayun, hindi kami sanay na nale-late, e, kaya…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN