Anne Curtis mum on Billy Crawford-Nikki Gil breakup; quashes wedding rumors

Anne Curtis on the breakup of her good friends Billy Crawford and Nikki Gil: “I’d rather not comment on the issue kasi it’s not my personal life. I don’t want people to talk about my own relationship. Kung ako din yun, ayoko rin na iba na ibang tao ang magku-comment about it so huwag na lang. Anyone who gone through any relationship that might be having trouble, I’m sure everyone knows how it feels like.”


Kamakailan ay umabot na sa five million ang Twitter followers ni Anne Curtis.

Ayon sa Twitter counter, nakopo ng aktres ang ika-162 na puwesto sa buong mundo kung saan dinaig pa raw ng aktres ang dami ng mga followers ng mga foreign artists gaya nila Channing Tatum, Adam Levine, Ian Somerhalder at ang First Lady ng America na si Michelle Obama na nasa 174th na puwesto.

Sa launching ng Cosmo line ng Cherrymobile last Wednesday sa One Esplanade kung saan endorser si Anne, nagpahayag ito ng kasiyahan at pasasalamat sa kanyang mga Twitter followers.

FIVE MILLION. “I feel truly blessed talaga na you know our fellow kababayans all over the world chose to follow me kahit na it’s not used to promote anything, it’s the real me.

“Taray naman! I feel so honored lahat ng mga followers ko talagang pina-follow pa rin ako kahit sa kabaliwan ko,” pag-amin ni Anne.

Nasa London ngayon si Vice Ganda para sa isang show pero bago pa man lumipad patungong Paris ang komedyante ay nagpaalam ito na mawawala pansamantala sa It’s Showtime dahil nga sa natuklasang polyps sa kanyang lalamunan.

Agad naming tinanong si Anne kung hindi ba sila nahihirapan na wala si Vice sa show at sila-sila lang ang nagpapatakbo nito sa ngayon?

“Hindi naman, it’s still the same. We’re all able to still work kahit wala naman yung iba. Kahit naman wala din ako kaya naman nila, kahit wala si Vice okay din naman.”

“Nag-concert naman siya dun, nag-text ako, pasalubong ko galing London. Okay naman siya. Kita sa Instagram na rumarampa siya sa Paris so okay na okay na siya,” paglinaw niya.

Regular na napapanood sa It’s Showtime pero matagal na ring di napapanood sa serye at pelikula si Anne.

Ayon naman sa aktres ay may pelikula at may serye na nakalinyang gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH JOHN LLOYD? Kinumusta din namin kung wala pa bang linaw ang pelikulang pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz dahil very consistent ang aktor noon pa na gusto niyang makaparehang muli si Anne.

“Storycon ng teleserye bukas. Alam ko mayroon akong movie, mayroon din akong teleserye and of course my endorsements.

“Of course I miss it. My last was Green Rose, nakaka-miss at the same time ang hirap kasi [dahil] may Showtime.

“Di ko alam, bahala na si Batman. Well, they’re gonna offer a new soap, I will listen to what the story is at kung bagay siya sa akin, why not? Pero kung hindi wait na lang tayo.”

“Movie with John Lloyd? Wala e, ayaw yata ng Star Cinema,” detalye ni Anne.

NO WEDDING PLANS YET. May usap-usapan na kumakausap na raw sa ilang wedding suppliers ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff kung kaya’t may isyu tuloy na mauuwi na sa kasalan ang relasyong Anne-Erwan.

Agad naman itong binigyang-linaw sa amin ng aktres.

“Hindi pa ’yan, matagal pa ’yan. Sobrang happy kami,” pagtanggi niya.

Nakarelasyon ni Anne sina Oyo Boy Sotto at Richard Gutierrez na parehong nauwi sa break ups. Sa palagay kaya ni Anne ay mas maganda talaga kapag non-showbiz ang naging karelasyon ng isang artista?

“I don’t wanna give that comment naman kasi in a relationship naman, iba’t iba ang pinagdadadaanan, di ba?

“Like si Christopher [Roxas] saka si Ate Gladys [Reyes], okay naman sila so I think it really doesn’t matter.

“I guess it’s more of like how you are both able to handle your relationship, you both make time and you both want to make it happen and we both want to make it happen,” saad niya.

MUM ON BILLY-NIKKI BREAKUP. Marami ang nagulat sa kumpirmadong paghihiwalay nila Billy at Nikki pagkatapos ng magli-limang taon na nilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang kasamahan sa Showtime at kaibigan na rin ng dalawa, hiningan namin ng reaksyon tungkol dito si Anne pero umiwas itong magbigay ng anumang komento.

“I’d rather not comment on the issue kasi it’s not my personal life.

“I don’t want people to talk about my own relationship. Kung ako din yun, ayoko rin na iba na ibang tao ang magku-comment about it so huwag na lang.

“Anyone who has gone through any relationship that might be having trouble, I’m sure everyone knows how it feels like,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN