Ritz Azul doesn’t aspire to top FHM’s Sexiest list; asserts, “Mas masaya yung feeling na pinili ka nang hindi mo alam.”

Ritz Azul on the two-week extension of their TV5 teleserye Misibis Bay: “Extended kami for two weeks. So, nagsu-shoot pa rin kami. Pero dito na lang kami sa Manila. Tapos na kaming mag-taping sa Misibis. Na-extend siya dahil sa nadagdagan ang load ng commercials. Thankful kami, sobrang saya ko talaga kapag nanonood ako na may commercials na. Parang achievement sa akin yun na napapansin din ng mga advertisers.”


Feeling proud ang Misibis Bay star at TV5 Talent Center artist na si Ritz Azul dahil pagkatapos niyang mapasama sa FHM Philippines 100 Sexiest Women, ngayon naman ay napabilang siya sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 sa kategoryang Hotness.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa YES!, kina Ms. Jo-Ann [Maglipon, editor-in-chief], siguro nakita nila yung kasimplehan ko.

“Hindi ko kasi ma-claim na sobrang ganda ko talaga. Nakatulong din siguro yung naging cover na ako ng FHM.

“Malaking achievement na sa akin yung mapabilang sa listahan ng sexiest pati most beautiful stars bilang baguhan pa lang ako,” sabi ni Ritz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 noong Hulyo 25 sa Crowne Plaza Ortigas.

Kung siya ang papipiliin, ano ang mas gusto niya: ang maging sexy o maging beautiful?

“Sa akin, siguro beautiful… beautiful inside and out. Kasi yung pagiging sexy parang mawu-workout ko naman iyan, mada-diet ko naman iyan.

“Pero yung pagiging beautiful kasi parang ano yun e blessing na given na maganda yung face mo and yung ugali mo.

“Yun ang pinakamina-mind ko na dapat yung ugali ko e nandun pa rin, grounded pa rin,” paliwanag niya.

NO REGRETS IN GOING SEXY. Gumagawa na ng sariling pangalan niya sa showbiz at napansin na si Ritz lalo na noong maging cover girl siya ng FHM noong November last year.

Seksing-seksi rin si Ritz sa bagong sexy drama mini-series ng TV5 na pinagbibidahan niya, ang Misibis Bay.

Sa tinatamo niyang pagkilala ngayon, mas naramdaman ba niya na walang dapat pagsisihan sa ginawa niyang pagpapaseksi?

“Wala, wala naman [pagsisisi]. Pero yung pagiging sexy is a role and character na pine-play ko.

“So, kilala din naman ako ng mga tao na sobrang simple lang. At alam din naman nila na yung kaseksihan ko is parang ibang side ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, thankful din ako sa FHM dahil doon napansin din ako,” saad niya.

Nasa number 28 siya ng FHM Sexiest 2013. Ini-aim ba niya na makuha ang top spot next year?

“Hindi ko iniisip na dapat nasa top na ako sa susunod. Parang masaya na ako, kuntento na ako kung anong meron ako ngayon.

“Kasi parang kapag mag-e-expect ako and iisipin ko tapos hindi ko naman nagawa parang madi-disappoint ako. Mas masaya yung feeling na pinili ka nang hindi mo alam,” pag-amin ng dalaga.

NEXT TARGET: BEST IN ACTING. Ngayong na-achieve na niya ang mapasama sa listahan ng sexiest at most beautiful, ano pa ang gusto niyang ma-achieve?

“Para sa akin marami pa akong gustong ma-achieve. Gusto kong makilala as a versatile actress. Bilang isang magaling na artista mahabang proseso iyan. So, iyon ang pinapangarap ko,” dagdag niya.

Ito nga ang next target ni Ritz—ang mapasama sa listahan ng best in acting. Malaking achievement daw para sa kanya kung mapaparangalan siya ng best actress award in the future.

Kaya naman lalo pa niyang pinagbubuti ang pagganap niya sa lahat ng proyektong ibinibigay sa kanya.

MISIBIS BAY IS EXTENDED. Samantala, masaya namang ibinalita ni Ritz na extended ng two weeks ang Misibis Bay, na dapat sana’y intended for six weeks airing lang.

“Extended kami for two weeks. So, nagsu-shoot pa rin kami. Pero dito na lang kami sa Manila. Tapos na kaming mag-taping sa Misibis.

“Na-extend siya dahil sa nadagdagan ang load ng commercials.

“Thankful kami, sobrang saya ko talaga kapag nanonood ako na may commercials na. Parang achievement sa akin yun na napapansin din ng mga advertisers,” masaya niyang pahayag.

Maganda rin daw ang ratings na nakukuha ng mini-series niya.

“Basta sobrang… hindi ko ma-express kung gaano ako kasaya na naging successful yung Misibis Bay. Sana patuloy siyang subaybayan ng mga tao hanggang sa matapos,” pagtatapos niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN