Bong Revilla backs out of MMFF 2013 due to "casting problems"

Ayon sa text message ng sa isang staff ng MMFF organizing committee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Ang reason ng pag-back out ni [Senator] Bong, di sila maka-kumpleto ng [final] casting. Magmi-meeting pa ang isang special committee about that next week.”


Kumpirmadong nag-back out na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang partisipasyon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Nakatakda na sana ang pagsali ng kanyang pelikulang My Super Kap (action-fantasy-comedy) ng kanyang Imus Productions na dapat sana ay pasok sa Magic 8 ng nasabing December filmfest.

May problems daw sa schedules ng mga leading ladies ni Bong sa pelikula tulad ni Toni Gonzaga at Ai-Ai de las Alas.

Noong nakaraang linggo pa kasi ang deadline ng pamunuan ng MMFF sa lahat ng Magic 8 entries to formally submit the final casting and production crews. Kung na-extend man ang nasabing deadline ay hanggang ngayong linggo na lang ito.

Ginagawa ni Toni ngayon ang kanyang first film ever with Piolo Pascual under Star Cinema, at may iba pang projects si Ai-Ai gaya ng Kung Fu Divas with Marian Rivera, kaya minabuti na lang ng grupo ni Sen. Bong na mag-back out ang My Super Kap.

Matatandaang halos taun-taon ay may Bong Revilla entry sa MMFF, pero this year ay siya na ang nag-quit.

Ang past MMFF movies ni Sen. Bong ay: Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si Ako (2012), Ang Panday 2 (2011), Si Agimat at Si Enteng Kabisote (2010), Ang Panday (2009), at Resiklo (2007).

May pahayag din umano si Sen. Bong na hindi rin nila mami-meet ang deadline ng shooting dahil may special effects pang gagamitin sa nasabing pelikulang ididirek sana ni Dondon Santos.

Kinumpirma rin ito ng chairman ng Metropolitan Manila Development Authority na si Francis Tolentino, organizer ng taunang filmfest, sa isang panayam sa ABS-CBN news kamakailan lang.

REPLACEMENT ENTRY. Umaasa ang chairman na makakahanap sila ng qualified na kapalit in due time, para daw sa ikasasaya ng mga manonood sa Kapaskuhan. Pag-uusapan pa raw nila ito ng board.

Ayon naman sa text message ng sa isang staff ng MMFF organizing committee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang reason ng pag-back out ni [Senator] Bong, di sila maka-kumpleto ng [final] casting.

“Magmi-meeting pa ang isang special committee about that next week.”

Samantala, matatandaang noong press conference ng MMFF to announce the official Magic 8 noong 2nd week of June sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City sa recorded interview ng media kay Chairman Tolentino, kung sino raw ang nasa 9th or 10th slots ay yun ang may pagkakataong pumalit sakaling may mag-back out ngang MMFF entry.

Aniya, ang nasa ika-9 place ay ang Kulay Abo Ang Langit (sci-fi-action), "originally" starring Carla Abellana and Diether Ocampo ng Hubo Productions Inc. (with executive producer Ida Tiongson) and Kuwentista Productions Inc. ni Michael Dagñalan na direktor din ng pelikula.

Ang ika-10 place ay ang Everybody Loves (drama) ng Gung Ho Films Manila, starring Maja Salvador, Jericho Rosales, Jake Cuenca and Megan Young.

“Kung sakaling may hindi makatuloy, merong mag-back out, papasok yung susunod, provided available yung kanilang entry,” sabi ni Chairman Tolentino noong presscon.

Dagdag pa rin ng aming source, ipinaalam na rin ng komite sa Hubo Productions and Kwentista Productions ang tungkol sa development na ito.

Kung may pagbabago man sa casting, malalaman natin sa mga susunod na araw ang plano ng producers, at kung aaprubahan ito ng MMFF, pati na ang pag-submit nila ng full requirements tulad ng final cast and crew, cash bond, at iba pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN