Ryzza Mae on being included in YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 list: “Hindi ko nga po alam kung bakit nila ’ko napili, e. Beautiful po pala ’ko?”

Ryzza Mae on being included in YES! 100 Most Beautiful Stars 2013: “Masaya po. Hindi ko nga po alam kung bakit nila ’ko napili, e. Gusto ko nga po—puwede pa nga pong magbago ang isip nila. Beautiful po pala ’ko?”


Isa sa maagang dumating sa ginanap na press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 ay ang isa sa nakasama sa listahan ng Wonder Kids na si Ryzza Mae Dizon.

Naging accommodating naman ito habang naghihintay na magsimula ang programa nang kapanayamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Ballroom A and B ng Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Avenue noong Huwebes, July 25.

Ang unang tanong nga namin sa kanya ay kung ano ang pakiramdam niya na isa siya sa listahan ng Yes! 100 Most Beautiful Stars.

Nangiti naman niyang sabi, “Masaya po. Hindi ko nga po alam kung bakit nila ko napili, e. Gusto ko nga po—puwede pa nga pong magbago ang isip nila.

“Beautiful po pala ’ko?”

E, beautiful naman siyang talaga, di ba?

“Di ko po alam,” natatawang sabi niya.

“Maganda po ang bangs ko, ganda po ng leeg ko, di ba?” at pagkatapos ay pinisil naman ang dalawa niyang pisngi nang nakangiti.

Apat silang mga batang nakapasok sa listahan ng limang Wonder Kids. Bukod sa kanya, nasa listahan din sina Izzy Canillo, Mutya Orquia at Mona Louise Rey.

Ano kaya ang pakiramdam niya dahil nahanay siya sa 100 naggagandahang babae kahit bata pa lang siya?

“E, 80 [years old] na po ako, hindi na po ako bata,” nakangiti pa ring biro niya.

Kung tutuusin, nagkakasunud-sunod nga ang mga rekognisyon na natatanggap ni Ryzza Mae. Bago ang Yes!, naparangalan din siya sa katatapos na Yahoo/OMG Awards bilang Child Star of the Year.

Sabi naman ni Ryzza, “Masaya po.”

Natutuwa rin ang family at friends niya sa mga nangyayari sa kanya?

“Opo,” saad naman niya.

Walang-duda na si Ryzza Mae ang maituturing na isa sa pinakasikat na child stars sa bansa ngayon.

Sa rami ng ginagawa niya ngayon, hindi ba siya napapagod?

“Minsan po,” pag-amin naman niya.

Nagpapahinga na lang daw siya kapag pakiramdam niya, napapagod siya. Pero, ayon din kay Ryzza, masaya raw kasi siya sa mga ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlo ang regular show ni Ryzza Mae sa GMA-7: ang Eat Bulaga!, Vampire and Daddy Ko at ang The Ryzza Mae Show.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, tuluy-tuloy pa rin daw si Ryzza sa pag-aaral niya.

SCHOOL. Lumipat ng paaralan si Ryzza at ngayon, sa Eton Internation School na raw siya mag-aaral at sa Lunes pa lang daw siya magsisimulang mag-aral bilang grade 3.

E, di sa school, siya ang pinakasikat?

“Wala naman po. Sa ngayon po, nagpapa-tutor pa po ako ng English. Wala muna po akong kasabay na classmates. Kailangan daw po, ako na lang muna,” kuwento niya.

Biro namin kay Ryzza, ngayong sa International School na siya mag-aaral, baka sa paghu-host niya sa The Ryzza Mae Show, inglisera na siya?

“Sana nga po,” natatawang sagot naman niya.

TOY CAR. Tinanong naman namin si Ryzza tungkol sa malaking toy car na ibinigay sa kanya ng singer na si Pops Fernandez matapos nitong maging celebrity guest sa show ni Ryzza kamakailan.

Nasurpresa nga raw si Ryzza sa naging regalo sa kanya ni Pops.

Ayon kay Ryzza, “Masaya po. Kasi po, sabi niya sa akin, yung Daddy raw po niya, binigyan siya noong birthday niya ng car.

“Na-surprise raw po siya. Sabi niya po sa akin, ikaw Ryzza, anong gusto mong gift ko sa ‘yo?

“Sabi niya po, kotse po.

“Tapos, sabi niya, kotse? Hindi ko pa kayang bilhin yun. Sabi niya po.”

Noong birthday party naman ni Zanjoe Marudo, halos lahat yata ng artista na bisita nito, nakipagpa-picture sa kanya.

Anong naging pakiramdam niya?

“Masaya po,” sagot nitong muli.

Nang tanungin namin si Ryzza kung ano nga ba ang nararamdaman niya na hindi lamang mga ordinaryong tao, pero, maging mga artista sa bawat networks ay nagkakagusto sa kanya, isang simpleng, “okay lang po,” ang sagot nito.

Ayon sa kanyang handler na si Jenny Ferre ng TAPE, hindi pa raw “conscious” si Ryzza sa kung gaano nga siya kasikat ngayon o hinahangaan din ng iba pang artista kahit sa ibang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MMFF MOVIE. Walang-duda na bata pa rin talaga si Aling Maliit. Nang tanungin namin ito kung excited na ba siya sa gagawing pelikula na pang-MMFF, ang Torky and My Little Bossing, may iba itong dahilan kung bakit siya excited.

Aniya, “Medyo excited po, pero sana, yung pinag-tapingan namin sa Enteng, gusto ko doon pa rin po para makapag-swimming ako.”

Pero, nagkita na ba sila ni Bimby?

Umiling ito at saka sinabing ang nakita niya raw, “Si Kuya James Yap po.”

May crush na ba siya?

“Wala po,” mabilis naman niyang sagot.

Bakit sa The Ryzza Mae Show, palagi siyang tinutukso kay Jacob (Charles Jacob Briz, That’s My Boy runner-up)?”

“Chismis lang po yun,” saad naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN