Andrea Torres denies causing reported breakup of Christian Bautista and Carla Dunareanu: “Ha? Hindi ko po alam na break na sila.”

Andrea Torres on With A Smile co-star Christian Bautista’s breakup with long-time girlfriend Carla Dunareanu: “Hindi ko po alam yun. Hindi ko po alam, hindi ko naman po siya natatanong tungkol dun. Hindi po siya nagkukuwento.”


“Parang ganun nga po,” ang sagot ni Andrea Torres nang tanungin kung magiging karibal niya si Max Collins sa With A Smile.

Kasali na kasi bilang guest si Max sa nabanggit na GMA-7 morning serye na kinabibilangan din nina Christian Bautista at Mikael Daez.

“Hindi naman po siya kontrabida po, parang pagseselosan lang.”

Bilang si Isay o Patricia, “mag-aagawan” sina Andrea at Max (na Patricia rin ang pangalan ng karakter) kay Mikael na gumaganap naman bilang si Dean.

“Actually may papasok pa pong isa pa, para paguluhin yung istorya, babae rin po, sa side naman ni Christian [who plays Aston].

“Kasi ni-reveal na may ex-girlfriend siya e, na dapat papalasalan niya dati,” kuwento ni Andrea.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang tinutukoy ni Andrea ay si Sam Pinto.

“’Tsaka from the very start naman po sinabi na sa amin na may mga ganung twists na mangyayari so expected na rin namin na may darating.

“’Tsaka si Max pa, isa siya sa mga close ko sa Sunday All Stars kasi kami lagi yung pareho ng sayaw, yung parang mga aura-aura, yung hindi masyadong ano na sayaw,” at natawa si Andrea.

“Hindi masyadong split, hindi mga ganun, pareho kami ng mga tipo ng kayang gawing sayaw so kami lagi yung magkasama,” dagdag pa ni Andrea nang bisitahin namin sa set ng taping ng With A Smile sa New Manila nitong nakaraan Martes, July 23.

CHRISTIAN BAUTISTA. Gaano katotoo na si Andrea ang dahilan ng break-up nina Christian at girlfriend nitong si Carla Dunareanu? Dahil daw sa pagsasama nina Andrea at Christian sa With A Smile ay tuluyang naging close raw diumano ang dalawa.

“Ha? Hindi ko po alam na break na sila,” mabilis na reaksyon ni Andrea.

“Hindi ko po alam yun. Hindi ko po alam, hindi ko naman po siya natatanong tungkol dun. Hindi po siya nagkukuwento.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong pareho na silang loveless ni Christian, may chance ba na maging sila?

“Confirmed ba yan?” ang tumatawang tanong ni Andrea.

“Hindi ko alam yan.”

Bakit hindi nila pinag-uusapan?

“Ano lang siguro, ano ba? Work lang naman, e. ’Tsaka pag nag-uusap kami hindi naman tungkol sa lovelife.”

Kapag niligawan siya ni Christian…

“Depende. Kapag nangyari na ’tsaka ko na iisipin.”

Kumusta naman ang working relationship nila ng buong cast and staff ng With A Smile ngayong halos nangangalahati na sila ng taping para sa buong season ng kanilang GMA-7 morning serye?

“Masaya, very light lang, positive lahat kahit si direk, never ko siyang nakitang nagalit,” sinabi pa ni Andrea na ang tinutukoy ay ang direktor nilang si Louie Ignacio.

“So ang bilis, ang bilis namin palagi, smooth lang.”



SUNDAY ALL STARS. Ikinalulungkot naman ni Andrea ang magaganap na reshuffling ng members sa bawat team ng Sunday All Stars.

“I think magre-reshuffle na po soon ng mga members.

“Nalulungkot kami kasi close na close na lahat.

“Pero tama rin yun para maging close mo naman yung iba, yung ibang artista. Minsan nagkakagrupu-grupo na, e,” saad ni Andrea.

May mga nagsasabing parang That’s Entertainment ang kanilang Sunday show. Ito ay ang teen musical variety show noon ni German Moreno.

Nakapanood ba siya dati ng That’s Entertainment?

“Hindi ko po yata naabutan iyon, e.

“Pero naririnig ko yun talaga, naririnig ko yun sa mga mommy ko.

“Siguro kasi pareho nga na parang contest, parang sa That’s nga, parang contest tapos ito, ganun din.

“Pero happy kami kasi mas close ngayon yung mga artista, nakikita namin dahil nga nagkakaroon ng interaction talaga.

“Dati kasi, lalo na hindi ako regular dati sa Party Pilipinas parang hindi ka nagkakaroon ng chance na maka-bonding yung iba.

“Pero ngayon may ganun na.

“At may nagsabi sa akin nakikita daw sa TV na nagiging close yung mga artista, ayun,” patuloy niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THINGS THAT MAKE HER SMILE. At dahil With A Smile ang show nila, naitanong namin kay Andrea, sino o ano ang nakapagpangiti sa kanya kamakailan?

“Recent na nagpa-smile sa akin? May isang commercial akong nagustuhan, bawal yatang sabihin kung ano,” sabi niya.

Nang banggitin namin kay Andrea ang bagong commercial ng isang fastfood chain tungkol sa isang lalaki na may kasamang special child na kuya niya sa loob ng naturang food chain, mabilis na sinabi ni Andrea na…

“Oo, iyon!”

Kung tao naman na nagpangiti sa kanya…

“Mommy ko, lagi naman. Lagi naman kasi kaming magkasama, mommy ko, ganun.”

Walang boyfriend si Andrea sa ngayon.

Samantala, sa ginanap na press launch ng YES Magazine’s 100 Most Beautiful Stars of 2013 ay isa si Andrea sa kasali sa listahan. Bukod kay Andrea, ilan sa kabilang nila sa Newbie category ay sina Julia Barretto at Sophie Albert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN