Meryll Soriano reveals Willie Revillame stopped financing her studies in London; clarifies, "I think, my father wants me to be here and deal with his businesses."

Meryll on why she’s deadset about finishing her studies in London: “It’s because I don’t want na mamana ko lang yung mga business-business na ’yan. I want to be deserving of all that. I want to learn the ropes. I want to be able to share something and to contribute to his empire. Ayoko lang na parang, ’kasi anak siya ni Willie,’ mga gano’ng bagay.”


Hindi itinatanggi ni Meryll Soriano na mahirap ang sitwasyon niya sa London kahit nag-i-enjoy siya bilang normal na tao at malayo sa showbiz.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres kamakailan sa grand opening ng Cusina ni Bunso restaurant sa Scout Lozano St., Quezon City, na pag-aari ng uncle niyang si Mel Martinez, sinabi nitong isang anonymous sponsor ang tumutustos sa kanyang pag-aaral sa London.

Kumukuha ng Product Design course si Meryll sa Central Saint Martins College of Art and Design, kung saan dalawang taon na siyang nag-aaral.

Ayaw sanang sabihin ni Meryll ang totoong dahilan kung bakit sa halip na ang ama niyang si Willie Revillame ang dapat na tumulong sa kanyang pag-aaral, ibang tao pa ang nagpapa-aral sa kanya.

Pero ayaw namang itago ni Meryll ang totoo kaya inilahad niya ang kanyang sitwasyon ngayon.

ANONYMOUS SPONSOR. Ang kanyang sponsor daw ang bahala sa tuition fee niya at board and lodging sa London.

“Ayaw pasabi, e,” tukoy niya sa kanyang philanthropist sponsor, “but he’s a family friend.”

WHY WILLIE STOPPED SUPPORTING HER. Noong una, gustong ipa-off the record ni Meryll ang tungkol sa hindi pagtustos ng pag-aaral niya sa London ng Daddy Willie niya, pero naalala niyang sinabi niya noon sa aming interview (noong pinaplano pa lang niya ang kanyang pagpunta sa London) na ang ama niya ang sasagot ng lahat-lahat— mula sa airfare, tuition fee at board and lodging.

Bakit kaya itinigil ang pagsuporta sa kanya?

“No, I think, my father wants me to be here and deal with his businesses,” ang sagot ni Meryll.

“And I think that last year, before I had my sponsor, he’s the one supporting me and everything. Pero right now, parang gusto niya dito na ako. Ayaw na niya akong mag-aral doon.

“And… hindi ko alam!” sambit ni Meryll na nag-alangan kung ipagpapatuloy pa ang sasabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, “I really want to finish college. I have never been in college. So that’s why I really want. It’s for my son.

“It’s not just because I want to have another job or anything. But I really wanna finish school for myself.

“And I’m really enjoying my course there. I really love London. London is my city.

“And it’s very unfortunate na ganito yung sitwasyon, but I understand where he’s coming from, because you know, he wants me to…

“Hindi lang kami makapag-compromise sa isa’t isa.”

Ayon kay Meryll, noong first year lang niya sa kurso siya sinuportahan ni Willie. Itong second year na niya sa London ay itinigil na ng kanyang ama ang pagpi-finance sa kanyang pag-aaral.

NO FALLING OUT WITH DAD. Nagkaroon ba kayo ng falling out ng ama mo?

“Hindi naman siya falling out. I think, I will never stop feeling any different towards my father. I will always love him. It’s just that, hindi rin ako nagagalit sa kanya.

“It’s just that, I think it’s more like I would love for him to support me morally, because it’s education. I would love... support of my parents.

“I mean, I wanted to go to New York when I was 18, and you know, because of other different circumstances, hindi natuloy dahil I was working.

“I was a big help to my family at that time, financially. Pagkatapos kong manganak, gusto kong ituloy and i-pursue yung college degree ko kaya sa London ko itinuloy,” patuloy niyang kuwento.

Hindi kayo masyadong nagkakaintindihan ng Tatay mo sa kung ano ang gusto mo at kung ano ang gusto niya para sa iyo?

“Hindi naman lahat ng magulang at anak ay nagkakaintindihan. And ahmmm…pinipilit kong pagandahin,” sabi ni Meryll tungkol sa mga iniisip niyang mga sasabihin nang hindi makaka-offend sa kanyang amang host ng TV5 noontime show na Wowowillie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rason niya, “Because I don’t want to put him in a bad light, of course.”

“And I understand na yung thinking ng tatay ko, ’I gave you everything here. You know, you can have the life that you want and work for me.’

“And I am really honored, because I really want to help him. I just want to finish school and go back here and then help him.

“But for me, my priority right now is my studies. That’s what I wanna finish.”

HE IS MY INSPIRATION.” So, ibig sabihin, hindi na gustong maghintay ni Willie ng dalawang taon pa para tulungan mo siya sa negosyo?

“Parang sa pinaka-last na usapan namin, parang ayaw na niyang maghintay,” saad niya.

Natatakot ba siya for some reason at gano’n na lang ang pagnanais niyang i-manage mo ang mga negosyo niya?

“Siguro ang feeling niya, baka hindi na ako bumalik dito. But I am. I’m very, very proud of him. I’m very proud of everything that he achieved, all of his success, coming from nothing.

“He’s also ang inspiration that’s why I’m doing something for myself. He is my inspiration,” pagmamalaki niya sa ama.

Hindi mo ba nakikita ang sarili mong pamamahalaan ang mga negosyo ng daddy mo?

“Nakikita ko na,” mabilis niyang sagot

Giit niyang paliwanag, “You know I’m not street-smart like him. I need education.

“And kung anuman yung ipapasok niya sa ’kin business-wise, I don’t know anything about that. And I’ve been an actress all my life.

“And now, what I’m learning from school is something of a structure sa business side.

“I mean, yun nga yung sinasabi ko sa kanya before na it’s also for him kaya ako nag-aaral. It’s because I don’t want na mamana ko lang yung mga business-business na ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to be deserving of all that. I want to learn the ropes. I want to be able to share something and to contribute to his empire.

“Ayoko lang na parang, ’kasi anak siya ni Willie,’ mga ganong bagay.”

Hindi kaya tinitikis lang siya at hinahayaan siyang suportahan niya ang sarili para maabot ang gusto niya?

“Yeah, yun naman ang sinabi niya, so we have to look for other sources.”

IT’S NOT ABOUT THE MONEY.” May tampo ka ba sa daddy mo?

“Nahihirapan kasi ako,” amin niya.

“Mahirap siya. Mahirap siya not just financially. Mahirap sa akin na walang moral support from him.

“Emotional support is a very important thing for me, yung education and it’s something that I want to impart to my son.

“So, doon ako sort na my tampo. It’s not about the money—yung financial support. It’s about me finishing college.”

Apat ang anak ni Willie at kahit panganay silang lahat, si Meryl ang lumalabas na panganay. Kaya naiintindihan daw ng aktres ang pagnanais ng kanyang ama na pamahalaan ang negosyo nito.

“Maybe because kasi kami yung nagkikita nang madalas, kami yung nasa iisang business [showbiz]. We understand each other. Hindi ko pa nakikita yung sumunod sa akin [kapatid niya sa ama]... it’s a different and difficult situation.

“And I’m praying that one day we can sit down and, you know, I’m not asking na maging pamilya kami,” tukoy niya sa mga kapatid.

“But we are a family. At the end of the day, parehas naman kami ng tatay. And gusto ko ring makilala nila ako at maging big sister nila, dahil ako ang panganay sa magkakapatid.”

Nakilala na raw ni Meryl ang ikatlo sa kapatid niya na si Marimonte at ang bunsong si Juamee. Tanging yung sumunod lang sa kanya, si Louise Anne, ang hindi pa niya nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Back to her studies, desidido si Meryll na tapusin ang kurso.

“Hopefully, kailangan talaga. It will such a big heartbreak kung hindi ko siya matatapos. Because yun na e, halfway through na ako, e.

“Saka wala pang Product Design dito sa Philippines. Ang dami kong natutunan, like we have a very rich culture.

“With the raw materials we have, I would be able to use that,” saad niya tungkol sa pinaplanong design gamit ang mga indigenous resources ng bansa.

Mula noong bumalik kamakailan sa Manila si Meryll, may mga pagtatangka na raw siya na magkita sila ng kanyang ama pero hindi iyon natutuloy.

“I went to him last Sunday sa Manila Yacht Club. Pero unfortunately, naka-alis na yung yate niya. So, matagal pa raw ng balik. So, umalis na lang ako. Then, the next day pumunta ako sa mall, wala na siya.

“E, kakatapos ko lang ng rehearsal no’n... hindi pa kami nagtutugma,” sabi niya.

Paglilinaw ni Meryll sa sitwasyon nila ni Willie, “Hindi kami magkaaway, hindi kami magkagalit. Wala yun.

"It’s just that there are certain things na hindi kami magkatugma, and unfortunately, yun ang situation ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN