Rufa Mae Quinto on transcending her "Booba" character: “Gusto ko yung tumatak talaga sa manonood—astig, matapang, strong woman.”

Rufa Mae on the effort and dedication she showed all throughout the making of Ang Huling Henya: “Sa tingin ko naman, nabigyan ko ng justice. Kasi si Direk Marlon, di ba, siya yung nagdirek kay Eugene [Domingo sa Ang Babae sa Septic Tank]. Kumbaga, hindi naman niya ia-approve na... ano,e , nag-workshop pa ako, e. Talagang halos isang taon namin itong ginawa. Hindi lang basta drama, nag-action pa ako... boxing, Muay Thai, firing. So, hin


Muling mapapanood ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa pinakahuling offering ng Viva Films na Ang Huling Henya na ipapalabas na sa August 21.

Bukod kay Rufa Mae, kasama rin sa cast sina Candy Pangilinan, Kean Cipriano, Fabio Ide, DJ Durano, Ricci Chan at marami pang iba, sa direksyon ni Marlon Rivera.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rufa Mae noong July 15 sa Sir Boy’s Food Republic sa Panay Avenue, Quezon City ay itinanggi ng lead star na tuluyan na niyang tinatalikuran ang kanyang “Booba” image na tinangkilik ng publiko.

Simula niyang kuwento, “Hindi naman. Nagkataon lang na yun ang naisip ni Direk Marlon for me.

“Kumbaga, si Direk nga ang dapat sumagot kung bakit henya na. Kumbaga ako, sumunod lang sa kanya.

“Tapos gusto ko, kaya ginawa ko ito kasi sabi ko kung gusto kong magsolo uli [sa pelikula], gusto ko yung tumatak talaga sa manonood—astig, matapang, strong woman.

“E, ang ’Booba,’ kaya nag-work siya kasi naive, bata ako no’n, ganyan. Kaya hindi ko pa naiintindihan ang jokes ko.

“So, nag-work siya kasi inosente ako nung ginawa ko yun. Sunud-sunuran lang ako kung ano ang ipagawa. Ganun.

“So, parang nagmukha talagang tanga,” pagtatawa pa niya.

REINVENTING RUFA MAE. Ito nga ang dahilan kung bakit gusto niyang i-reinvent na rin ang kanyang sarili matapos ang ilang panahon na hindi siya gumawa ng solo movie.

Aniya, “Kaya sabi ko talaga, kung magsu-solo uli ako, ayaw kong gumawa nang kung anu-ano lang. Gusto ko ng kakaiba.

“Gusto ko action na nakikipag-upakan at strong na babae. Kaya yung iniisip ko na mga three years na siguro kaya ayaw kong mag-solo kasi ito ang gusto kong project na gagawin ko.

“Hindi ma-push-push kasi ngayon lang merong direktor na magdi-direk nito at nagkataon namang ang Viva ay willing mag-produce for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I love myself for this,” muli niyang pagpapatawa.

OWES A LOT TO “BOOBA” CHARACTER. Ibig ba nitong sabihin na mas mature, smarter at wiser na siya sa pagharap ng mga problema niyang personal at sa show business?

Pahayag ng komedyana, “Ang sa akin naman, kahit naman ano ang tingin nila sa akin ay okay lang basta ’wag lang akong bastusin. O, di ba?

“So, parang for me, hindi naman kailangan na magmukha akong matalino dahil si ’Booba’ ay mahal na mahal ko.

“Dahil sa kanya ay nandito pa rin ako at nakagawa ako at nasa harap niyo si ’Henya.’ Utang na loob ko kay ’Booba’ ang aking career. Love ko siya forever.”

DRAMATIC ACTRESS. Dito nga raw sa pelikulang ito ay mas lilitaw ang kanyang pagiging dramatic actress kaysa sa pagiging isang komedyana.

Paliwanag ni Rufa, “Ngayon lang ako nagkataon na marami na akong natutunan. Dati kasi hindi naman ako mature enough na magdrama-drama, di ba?

“Makaka-drama ka pero parang hindi ko talaga nararamdaman.

“Ngayon kasi, alam mo yun, marami nang pinagdaanan, parang alam ko na kaya ko na.

“Kasi, hindi naman ako yung artista na pasikat lang d’yan. ’O, maraming project na ginawa na kung anu-ano na.’ Ayaw ko ng ganun.

“I just love movies, I just love show business at yun ang passion ko. Yun lang yun. Yun ang kuwento. Try lang ako and everything.”

Dugtong pa niya, “Sa tingin ko naman, nabigyan ko ng justice. Kasi si Direk Marlon, di ba, siya yung nagdirek kay Eugene [Domingo sa Ang Babae sa Septic Tank].

“Kumbaga, hindi naman niya ia-approve na... ano e, nag-workshop pa ako, e. Talagang halos isang taon namin itong ginawa.

“Hindi lang basta drama, nag-action pa ako... boxing, Muay Thai, firing. So, hindi niya [Direk Marlon] pinayagan na yung usual ang lalabas.

“Kaya no matter what...actually nagkasakit nga kami lahat sa last day ng shooting. Ginawa talaga namin ito lahat ng wagas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talaga nga raw sineryoso niya ang dramatic scenes sa movie na ito.

Nangingiting saad ni Peachy (totoong pangalan n Rufa), “Heaviness talaga. Na-feel ko talaga kung paano ang totoong mag-drama.

“At talagang nagworkshop ako. Kumbaga, bago kami nagshoot, alam ko na kung paano ang buka [ng mga linya], bawal ang mga ganun-ganun. Talagang pinaghandaan ko siya.

“Siyempre, next level na ako, di ba? Kailangan, seryoso talaga. Wala akong false lashes dito na parang pamaypay, walang extensions ang buhok. Everything, you know.

“Dramatic actress talaga ang peg,” sabay tawa niya uli.

LOVE LIFE. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang kanyang lovelife.

Ipinagmamalaki niya na sa bawat naka-relasyon niya ay may maganda siyang karanasan, mula sa relasyon niya kina Eric Santos, Boy 2 Quizon at iba pa.

Aniya, “Yun nga ang gusto ko kasi lahat sila naging friends ko.

“Ang maganda kasi, bawat isa sa kanila ay may natutunan ako. May nakaaway ba ako?

“Like yung kay Boy 2 kasi nung nandy’an na uli siya, may namamatayan sa akin, so, hindi ko alam kung okay pa ba. I wanted pa ba?

“Hindi lovelife ang focus ko noon kundi ang Lola ko. So, yun ang nasa isip ko more than yung lovelife.”

Wala nama daw siyang worries na baka tumanda siyang dalaga o baka hindi na siya magkaanak.

Medyo nag-isip siya at saka nagsabi na, “Hindi rin, kasi sa ngayon ay marami ding puwedeng gawin.

“Wala rin akong problema. Yung sa anak, puwede na.

“Pero gusto ko yung talagang gusto ko. Hindi naman ako takot sa responsibilidad kasi, di ba, lahat halos ay naging responsibilidad ko sa pamilya ko.

“Kaya di ba, nag-lie low din ako? Hindi niyo ako masyadong nakita.

“Basta kung kelan darating yan, e, di fine.”

Totoo ba na sila ni Fabio ide ngayon?

Natawa lang siya, “Ay, no. Close lang talaga kami ni Fabio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, yung kabarkada niya ang gustong may ganap sa akin. Pero, walang naganap. Ha-ha-ha!.

“Ewan ko kung bakit. Bakit hindi niya na-carry kasi sobrang ganda ko, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN