Rochelle Pangilinan on how Mark Herras is coping after breakup with Ynna Asistio: “Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito talaga. At hindi yun ang Mark Herras na kilala ko.”

Rochelle Pangilinan on her Sunday All Stars co-star Mark Herras: “Kilala ko kasi si Mark. At dedicated ang taong ito sa trabaho niya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito talaga. At hindi yun ang Mark Herras na kilala ko. Kinausap ko naman siya at kinumusta ko. Sabi naman niya na okey-okey na siya at nag-apologize naman siya sa nangyari. Sinabi ko naman sa kanya na kailangan namin siya—yung husay niya. Iba pa rin kasi si Mark Herras&mdash


Pangalawang beses nang makasama ng former Sexbomb Girl na si Rochelle Pangilinan sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine.

Tuwang-tuwa nga ang Kapuso actress-dancer dahil nakarating siya sa ginawang malaking event na ito ng YES! Magazine na ginanap sa Crowne Plaza Hotel last July 25.

Inamin ni Rochelle na natuwa siyang makasama ang ibang mga artista ng ibang TV networks. Bihira nga raw mangyari na napagsasama-sama sila sa iisang event.

“Proud ako siyempre na nakasama ulit ako sa listahan na ito.

“Last year, nasa list din ako. Hindi ko naman inaasahan na mapasama ulit ako.

“Kaya thank you sa YES! Magazine kasi parang umangat ang level ko, di ba?

“’Tsaka salamat din sa opportunity na makihalubilo kami sa ibang mga artista ng ABS-CBN at ng TV5.

“Though yung iba naman ay kilala ko sila at nakatrabaho ko na noong nasa iisang network pa lang kami.

“Ang saya lang na nagkikita-kita kayo ulit,” ngiti pa niya.

FOND MEMORIES OF KATHRYN BERNARDO’S EARLY YEARS IN SHOWBIZ. Nagkuwento nga si Rochelle tungkol sa isang tinanghal na cover girl ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 na si Kathryn Bernardo.

Minsan na palang gumanap ito bilang batang Rochelle sa afternoon drama series na Daisy Siete.

“Season 8 yata ’yon ng Daisy Siete na tungkol sa mga Igorota. Si Kathryn nga ang gumanap na batang ako kasi nga magkahawig daw kami.

“Kahit na hindi nga kami nagkatrabaho, knowing na dati ay gumanap siyang batang Rochelle, e, nakakatuwa naman.

“Ngayon kita n’yo naman, bukod sa sikat na sikat na siya, napili pa silang cover girl ni Julia Montes.

“Sa totoo lang, ngayon ko lang silang nakitang malapitaan at ang gaganda nila.

“Kasi nga sa mga TV commercials ko lang sila nakikita. Kaya nakakatuwang makita sila at makasama mo sila sa iisang event,” detalye niyang kuwento.

NEW SHOW. Wala pa ngang ibang pinagkakaabalahang show si Rochelle matapos ang Home Sweet Home. Pero may nasabi na raw sa kanya na may isang reality show na para sa mga bata ang kanyang lalabasan na bagong show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabihan pa lang naman ako tungkol diyan. Hindi ko pa sure kung kelan ito.

“Ako raw ang magiging dance instructor ng mga batang sasali.

“Okey naman ’yon kasi yun naman ang specialty natin, e.

“At for a change, mga bagets talaga ang tuturuan ko.

“Hintayin na lang natin kung ano ba ang show na ’yan. Kahit nga title hindi ko pa alam, e.”

SUNDAY ALL STARS. Ang Sunday noontime show na Sunday All Stars ang pinagkakaabalahan ngayon ni Rochelle, lalo na’t siya ang tumatayong leader ng kanilang team na Tropang Trending for the past two weeks.

Kung matatandaan ay biglang naging team leader si Rochelle nang biglang bumitaw si Mark Herras bilang leader dahil sa personal nitong problema.

Mabuti na lang daw at noong mag-takeover si Rochelle ay naipanalo nilang ikatlong beses ang Tropang Trending.

CONCERNED FOR MARK HERRAS. Nagpakita nga ng concern si Rochelle para kay Mark dahil masyado raw itong naapektuhan sa pakikipaghiwalay nito sa girlfriend na si Ynna Asistio.

Naiintindihan naman daw ni Rochelle ang pinagdaraanan ni Mark dahil dumaan din daw siya sa ganyan na nakipag-break at parang nawalan ng gana sa trabaho.

“Ayoko naman siyang i-pressure dahil alam kong mahirap ang ganyan.

“Natural lang na mapagdaanan natin lahat ’yan. Ako personally, naging ganyan din ako. Yung parang nawalan ka na ng ganang mag-work dahil malungkot ka.

“Kung emotionally ay hindi ka ready, paano ka nga naman makaka-function sa trabaho mo, di ba?” pagsimpatiya niya sa co-performer.

Pero mabilis naman daw naka-recover si Rochelle at pagkatapos niyang iiyak ang lahat, balik na siya agad sa trabaho.

“Hindi naman ako nagpapatalo sa problema, e.

“Lahat tayo may kanya-kanyang problema, pero kung magpapatalo ka diyan, walang mangyayari. Forever ka na lang malungkot.

“Ang maganda diyan ay magdasal tayo para sa ikatitibay ng damdamin natin and we move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isipin natin ang maging professional. May trabaho tayo, e. Hindi tayo hihintayin ng trabaho.

“Iwan muna natin sa bahay ang anumang personal na problema natin at harapin natin ang trabaho,” diin niya.

Kilala nga ni Rochelle si Mark bilang isang professional na tao. Kaya nagulat na lang ito na biglang parang sumusuko ito dahil sa kanyang personal na pinagdaraanan.

“Kilala ko kasi si Mark. At dedicated ang taong ito sa trabaho niya.

“Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito talaga. At hindi yun ang Mark Herras na kilala ko.

“Kinausap ko naman siya at kinumusta ko. Sabi naman niya na okay-okay na siya at nag-apologize naman siya sa nangyari.

“Sinabi ko naman sa kanya na kailangan namin siya—yung husay niya. Iba pa rin kasi si Mark Herras—Bad Boy on the Dance Floor pa rin siya. Hindi niya dapat makalimutan iyon.

“Three times na nananalo ang team namin, kaya hindi kami dapat makapante roon. Kailangan tuluy-tuloy lang. Tuloy lang ang laban, di ba?

“Nasabi ko rin kay Mark na bilang isang team, nandiyan kami para sa kanya. Mas maganda rin naman kung nandiyan din siya para sa aming lahat.” pangwakas na saad ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN