Director Adolf Alix Jr. on Angel Aquino’s acting performance in Cinemalaya film entry, Porno: “Isa sa pinaka-daring niya!”

Direk Adolf Alix Jr. on why he decided to show Porno only at the CCP instead of letting it enjoy a commercial run: “Alam ko naman na R-18 yung material, so I decided na, sabi ko sa kanila, dito na lang sa CCP ipalabas. Okay lang sa akin. Walang problema. From the very beginning, alam ko namang yung subject matter is very sensitive. Sinabi ko sa kanila na kung puwede para wala nang maging major problem later, dito na lang kami sa CCP mag-screen ng pelikula.


Base sa audience turnout sa ginanap na gala night ng 9thCinemalaya Filmfest ay matagumpay na naitawid ng direktor na si Adolf Alix, Jr. ang kanyang film entry na Porno.

Ginanap ang nasabing special event, na pinakaunang screening din ng Porno, last Saturday night, July 27, sa CCP Main Theater.

Present sa screening ang direktor (Adolf Alix, Jr.), ang kanyang screenwriter (Ralston Jover) at cast members, kabilang sina Angel Aquino, Carlo Aquino, at Janvier Daily. Hindi naka-attend sina Rosanna Roces at Yul Servo.

Maraming manonood, mula sa showbiz industry at general public, ang nag-attend sa gala screening ng kontrobersiyal na Cinemalaya entry.

Kabilang dito sina Direk Brillante Mendoza, Direk Jeffrey Jeturian, Althea Vega, Markki Stroem, Luis Alandy, at iba pang mga direktor tulad nina Elwood Perez, Cesar Evangelista, Mike Sandejas, Dennis Marasigan, among many others.

Dalawang araw bago mag-opening ceremonies ang 9th Cinemalaya Filmfest, noong July 26, nasa post-production studio pa ang direktor na si Adolf Alix, Jr. para tapusin ang pelikula niya, na isa sa mga entry sa Directors’ Showcase category.

Nauna rito, nagkaroon ng ingay ang biglaang desisyon ng direktor na sa mga venue na lamang sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ipalabas ang kanyang obra.

Ibig sabihin, hindi na mapapanood ng publiko ang Porno sa mga commercial theaters na tulad ng Greenbelt 3, Trinoma Mall Cinema, at Alabang Town Center, na mga venues din ng Cinemalaya entries. Kaya at the last minute din, nagkaroon ng mga biglaang pagbabago sa screening schedules ng lahat ng entries.

Last-minute din ang pagpu-post-prod ni Direk Adolf. Kumbaga, tila “photofinish” ang Porno.

Pero nakaya ni Direk Adolf ang pressure. At the Cinemalaya opening, the award-winning filmmaker attended the ceremonies na mukhang masayang-masaya.

Hindi raw naman nag-suffer ang quality ng kanyang competition entry, sa kabila ng madaliang post-prod.

“Hindi naman po siguro,” nakangiting sambit ni Adolf sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang screening ng Porno kagabi, July 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-delay lang kami ng shoot. Dapat noong May [2013] kami magsu-shoot, tapos, biglang... I had to go to Cannes [Filmfest]..."

Napiling entry sa Un Certain Regard Section ng Cannes, last May, ang Death March ni Adolf Alix, Jr.

“Sabi ko kina Direk Mel [Chionglo, Monitoring Team Head] at kay Direk Laurice [Guillen, Competitions Director], when I come back, saka ako magi-start ng shooting.

“So, inayos lahat ng schedule, kasi yung mga artista ko [sa Porno]... yung 3, may soap lahat yun,” pag-inform din ng direktor ng obra.

Apat ang major (lead) cast ng Porno: Angel Aquino, Carlo Aquino, Rosanna Roces, at Yul Servo.

Sabi ni Adolf, “Si Angel, may Apoy Sa Dagat; si Carlo, may Anna Liza; si Yul, may Anna Karenina...

“So, kailangan kong i-block yung schedule nila.”

MTRCB PROBLEM. Within June 2013 natuloy ang shooting ng Porno.

“Inabot din kami ng six days; alternate, depende sa availability nila,” dagdag niyang detalye.

Nang matapos ang shooting, pati post-production, at about to be shown na as Cinemalaya 2013 entry, may usap-usapan namang magkakaroon ng problema ang Porno with the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Cinemalaya Filmfest is using the guidelines of the MTRCB para sa pagka-classify ng mga competing entries to be shown in venues outside of the CCP.

“Wala akong [naging] MTRCB problem [with Porno],” paliwanag ni Direk Adolf.

“Alam ko naman na R-18 yung material, so I decided na, sabi ko sa kanila, dito na lang sa CCP ipalabas. Okay lang sa akin. Walang problema.

“From the very beginning, alam ko namang yung subject matter is very sensitive.

“Dini-discuss [sa kuwento] yung underground porn industry.

“So, upon consultation kay Direk Mel [Chionglo], at saka kay Direk Laurice [Guillen], sinabi ko sa kanila na kung puwede para wala nang maging major problem later, dito na lang kami sa CCP mag-screen ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil ayoko namang gumawa ng version for the malls. Hassle pa yon,” rason din ni Direk Adolf.

“Ayoko na, kasi I had problems with them [MTRCB] before, ayoko na. So, sabi ko, kung puwede dito na lang.”

Nabanggit ni Direk Adolf sa interview ang naging problema niya noon sa mga pelikula niyang Aurora (2009) at Chassis (2010) na parehong nabigyan ng “X” rating ng MTRCB at hanggang ngayon ay walang commercial exhibition.

Bida sa Aurora si Rosanna Roces; bida naman sa Chassis si Jodi Sta. Maria.

FOR SELF-REGULATION. Marami sa industriya ang nagtataka kung bakit hindi muna niya hinayaang rebyuhin ng MTRCB Board ang Porno, at kung bakit niya agad dinisisyunang sa CCP na lamang ito ipalabas?

“Wala namang provision, e,” katwiran niya.

“Ayoko namang magkaroon ng problema dahil sa maselan na subject matter.

“Pinu-promote naman ng Cinemalaya yung self-regulation, kung ano’ng gusto mong rating for your film.

“So, sabi ko sa kanila, yun nga, dahil ’adult’ yung subject matter at may sobrang sensitive na eksena, na ang feeling ko, e, magiging point of discussion, di dito na lang sa CCP ipalabas. Para wala ng problema.”

Paano kung may planong ipalabas din sa commercial theaters ang Porno, after the Cinemalaya Filmfest?

"We’ll discuss it, kung paano yung magiging set-up.

“Si Arlene [Cuevas] naman yung producer ng pelikula, so bahala na kami, later.

“Pero, this time, sabi ko sa kanila [viewing public], manood na lang sila ng Porno dito sa CCP.

“Integral version ang mapapanood dito,” sabi pa ni Direk Adolf sa entry niya.

SENSITIVE,” NOT “SANITIZED.” Gaano nga ba ka-sensitibo ang mga eksenang “sekswal” ng Porno, na sa titulo pa lamang ay hindi na dapat pagtakhan kung bakit may mga sensitibong eksena.

“E, kasi, kailangan talaga, dahil yung kuwento speaks of certain aspects of the porn [pornography] business...

“Na na-involve yung apat [na lead characters],” patuloy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As far as one can remember, unang pagkakataong tinalakay sa isang pelikulang lokal ang subject matter ng porn, o pornography.

“Hindi ako familiar [sa subject matter]...” sabi ni Adolf, “pero nung nag-research kami, three years ago, 2008 nag-start, after Donsol [Alix’s debut film; a Cinemalaya entry, in 2006], dinivelop namin yung project.

“May na-discover na kaming mga nagda-dub ng pornography.

“From there, tinuluy-tuloy na namin yung research,” sabi pa ng direktor.

Ang kasama niyang writer, si Ralston Jover, ang sumulat ng screenplay, matapos i-present ni Adolf ang concept ng story.

“Last year lang kami nag-usap, kung gusto niyang sulatin ang kuwento,” ani Adolf.

ANGEL AQUINO, A TRANSGENDER. “Operada siya,” sabi naman ni Adolf tungkol sa papel na ginagampanan ni Angel Aquino.

Isang babaeng-babaeng aktres ang gumanap ngayon, bilang isang lalaking inoperahan sa ari, kaya naging babae.

“Operada siya, na nagtatrabaho sa Club Mwah,” pagtukoy din ni Direk Adolf.

“Uncomfortable” nga ba si Angel Aquino sa naging papel niya sa Porno?

“Well, ako, natutuwa ako na hindi siya kumportable,” ani Adolf.

“Kasi, ibig sabihin, yung anxiety na yon, dahil artista ka... you always have to put yourself into something na natsa-challenge ka.

“Nu’ng nabasa kasi niya yung script... kasi nga, ang tagal na naming napapag-usapan ito... so, nu’ng finally ito na, sabi ko sa kanya, eto na, nandito na... iba na yung dating sa kanya.

“Madalas kaming nag-uusap kasi on how she’ll attack the role.

“Tapos, yung constant exposure niya sa mga transgenders [helped]... you’d be surprised.

“Ayokong ako ang magsabi na maganda ang performance niya. Pangit na sa akin manggaling, kasi ako ang direktor.

Pero when they see it, I think they’ll be in for a surprise...

“I think it’s one of her [Angel’s]... isa sa pinaka-daring niya! Hindi dahil naghubad siya, or something, kundi dahil sa ginawa niya sa pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pag-interpret ng role, sa pagsasalarawan sa tauhan ng isang transgender, naging malaking challenge daw kay Angel Aquino ang ginawa niya sa Porno.

“Oo, to be able to translate [the character]... mahirap. Actually, mahirap!” pagtatapos ni Direk Adolf.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN