Rachelle Anne Go jokingly reacts to possibility of getting back together with Christian Bautista: “Tingnan po natin ’yan siguro in ten years kung ano ang magaganap!”

Rachelle Anne Go on her qualifications for her ideal guy: “Gusto ko sobra siyang in-love kay God. Basta gusto ko, maganda yung puso. At saka marespeto.”


Noong April pa nag-end ang contract ni Rachelle Anne Go sa GMA-7. Pero nitong Friday, July 26, lang siya pumirma ng panibagong kontrata sa Kapuso Network. Tatlong buwan ang lumipas bago siya nakapag-renew.

“Busy, e. Hindi… joke lang!” sabay tawang nasabi ni Rachelle nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kanina, Linggo, July 28.

“Pumirma ulit ako ng another three-year contract. Siyempre, dahil naramdaman ko naman na sobra akong welcome dito sa Kapuso.

“At saka naalagaan naman nila ako. Napamahal na rin sa akin yung mga katrabaho ko rin. At saka yung mga production staff. Naka-gain na rin ako ng mga friends.

“Halos same nung unang contract ko ang pinirmahan ko. Gano’n pa rin naman.

“So abangan na lang ninyo. Kasi sa ngayon, hindi ko pa masasabi kung ano talaga yung mga specific projects.

“Pero may mga nakaplano raw. May acting projects. Tapos musical variety na show, ganyan.

“Kung acting ang pag-uusapan, gusto ko… drama!” tawa ulit niya.

“Kaso, bagay ba sa akin? Ha-ha-ha!

“Pero… hindi ko alam. Depende sa kung ano ang ibibigay ng GMA.

“Tingnan natin kung kakayanin ko ‘yong… kung anumang role ‘yon. So, let’s see.”

Sa tantiya niya, ready naman siya na mapasabak sa heavy drama kung sakali?

“Uhm… hindi ko naman masasabi ’yon hanggang hindi ko nararanasan, e. Hangga’t hindi ko ginagawa, di ba?

“So… pag nandiyan na, wala akong choice kundi kayanin ang mga bagay-bagay.”

Gugustuhin din kaya niyang subukang mag-portray ng isang kontrabida role?

“Ha? Biglang tumaas ang kilay ko!” natawang biro ni Rachelle Anne.

“Ah… well, trabaho ’yon. Kaya naman siguro.

“Oo. Why not?” nangiti pa niyang sabi.

LOVE LIFE. Nananatiling zero pa rin ang kanyang lovelife. Pero blooming ang kanyang beauty.

“Masaya lang po talaga ako kahit walang lovelife. Kasi siguro, happy ako sa nangyayari sa buhay ko, sa family and friends, at sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka sobra akong thankful. Blessed ako.

“Kumbaga, ang daming blessings na ibinibigay sa akin ni God.”

Hindi naman siya takot na baka maging old maid siya?

“Wowwww!” tawa ulit na reaksiyon ni Rachelle Anne.

“Ipinagdadasal ko na hindi naman mangyari ’yan, ’no? Ha-ha-ha!

“Pero sa ngayon kasi, hindi ko pa nararamdaman. Wala pa naman pong dumarating. So… bakit ako magmamadali?”

Busy kasi siya lagi. Walang time na lumabas o makipag-socialize.

“Siguro isa rin ’yon. Iba yung focus ko ngayon.

“Marami rin ang nagtatanong kung ready na raw ba ako to fall in love again. Or baka hindi pa nga raw ako ready.

“Alam mo, hindi mo masasabi ’yon hangga’t hindi mo nakikita yung right guy.”

QUALIFICATIONS FOR IDEAL GUY. Anong qualification ba ang hinahanap niya sa isang guy na gugustuhin niyang sunod na maging boyfriend?

“Gusto ko sobra siyang in-love kay God. Kapag ’yon… okey na ’yon.

“Kasi, sunod-sunod na iyon, e. Kapag meron siya no’n, e.”

Yung looks naman, kagaya kaya ng ex-boyfriend niyang si Christian Bautista ba dapat ang peg?

“May peg talaga?” natawa na naman na tanong pa ni Rachelle.

“Wala, e. Physically, wala namang gano’n.

“Basta gusto ko, maganda yung puso. Okey ako do’n.

“At saka marespeto.”

CHRISTIAN BAUTISTA. Usap-usapan ngayon ang tungkol sa break-up nina Christian at ng Malaysian girlfriend nito na si Carla Dunareanu. Pero si Rachelle, asiwang magbigay ng komento hinggil dito.

“Naku, ayokong pag-usapan ’yan. Buhay na nila ’yan,” paglinaw niya.

Malay niya kung iyon pala ang senyales na baka manumbalik yung dating naging relasyon nila ni Christian?

“Hmmmm!” nangingiting reaksiyon niya.

“Okay!” natawa na lang siya.

“Hindi talaga ako makapag-comment! Ha-ha-ha!”

Puwede pa kayang ibalik yung dati sa kanilang dalawa?

“Tingnan po natin ’yan siguro in ten years kung ano ang magaganap!” biro pa ni Rachelle bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN