Heart Evangelista is on "speaking terms" with parents: “Everything’s well right now.”

Heart Evangelista on Sen. Chiz Escudero: “Sinusundo niya [ako] minsan sa work, he always has time to have dinner with me, ganyan. So it’s great. Again, ako nga yung erratic ang schedule, pero may mga small gestures [siya] that I really appreciate.”


Sabay na naging hurado sa Mutya ng Pilipinas coronation night last Friday, July 26 ang magkasintahang sina Heart Evangelista at Senator Francis “Chiz” Escudero.

Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekeend ng GMA-7 kahapon July 27, halatang kumportable na ang dalawa sa spotlight dahil sa sunud-sunod nilang mga public appearances.

Masaya raw si Heart sa piling ng senador kahit lagi silang binabatikos. Lagi rin daw silang may quality time kahit laging busy ang nobyo sa kanyang trabaho.

Kuwento pa ni Heart, “Sinusundo niya [ako] minsan sa work, he always has time to have dinner with me, ganyan. So it’s great.

“Again, ako nga yung erratic ang schedule, pero may mga small gestures [siya] that I really appreciate.”

Ikinuwento rin ni Heart na wala siyang balak na patagalin pa ang tampuhan nila ng kanyang mga magulang. Ngayon daw, hindi pa man masasabing tuluyan na silang nagkabati, on speaking terms na sila.

Aniya, “Everything’s well right now.”

Masakit man daw ang nangyari sa kanila ng kanyang mga magulang, marami siyang natutunan at umaasa siyang tuluyan na silang magkakaayos.

Saad pa ni Heart, “I realized personal life is… must be private.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN