Kristoffer Martin on relationship with Joyce Ching: "Sana huwag kaming matulad sa mga naghihiwalay."

Sa dami ng celebrity couples na sunud-sunod na naghihiwalay, umaasa si Kristoffer Martin na hindi matulad dito ang relasyon nila ng kasinthang si Joyce Ching.


Magkatrabaho sa Sunday All Stars (SAS) at magkaibigan sina Kristoffer Martin at Mark Herras.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi nakasipot ang “Bad Boy ng Dance Floor” na si Mark sa SAS noong Linggo, July 28.

Kaya nang matiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa GMA Studios, inalam namin sa kanya ang tungkol sa “nawawalang” si Mark.

Ayon sa young actor, “Siguro may sarili talaga siyang dahilan, hindi ko rin alam.

“Close kami ni Mark, pero yung ganoong scenario ng kanyang buhay ay hindi niya naisi-share."

Ayon sa ibang kasamahan nila ay nagpapahinga pa si Mark dahil naapektuhan ito nang husto sa paghihiwalay nila ng longtime girlfriend na si Ynna Asistio.

Sabi ni Kristoffer, “Siguro, gusto niya na kanya na muna yun.

“Kami naman, nirerespeto namin yun, yun na lang muna.”

ON BREAKUPS. Mahina ba talaga ang karamihan ng mga lalaki pagdating sa usapin ng puso kapag naghihiwalay?

Sagot ng 18-year-old Kapuso actor, “Siguro nga, kasi ako, ganoon ako, e.

“I for one, mahina ako pagdating sa ganyan.

“Ako kasi yung klase ng tao na kapag alam mong deserve mo, ibibigay ko nang todo.

“For me, ganoon at kapag once na nabalewala, napakasakit."

Dagdag pa niya, “Yung sa relasyon kasi, lagi naman na ang trabaho niyan ay sa lalaki, di ba?

“Hindi naman siya mamahalin ng babae kung hindi nag-e-effort ang lalaki.

“So for me, sa sitwasyon nila [Mark and Ynna], kailangan lang muna siguro sila mag-grow, pero malay din natin, di ba?

“Pero, malay nga din natin na, in the end, silang dalawa pa rin pala.

“Kasi sayang, e... sayang yung ipinondo nilang panahon.”



SERIOUS GUY. Madali rin ba siyang maapektuhan ng problema sa puso?

Sabi ni Kristoffer, “Ako kasi, dati hindi ako ganoon kaseryoso sa mga ganyan.

"Pero noong naging kami ni Joyce [Ching, girlfriend niya], naging seryoso na rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging sensitive na ako about love.

“Ako kasi, more on giving ako, e. Hindi na ako nag-a-ask ng kung ano ang ibigay sa akin.

"Pero sana ay huwag lang sayangin.

“Sa ganoong bagay, kung ganoon ka naman ka-effort na lalaki, kung babalewalain lang, siyempre parang ang sakit naman noon—parang ginagawa kang tanga.

“Pero sa sitwasyon ko, wala namang ganoon.”

Kaya mas maingat daw si Kristoffer na hindi sila magkahiwalay ni Joyce, lalo na’t halos limang taon na ring tumatakbo ang relasyon nila.

“A, oo, kasi sayang din yung relationship, e.

“Lalo na kapag nakapagpondo na kayo sa isa’t isa at maayos naman yung foundation nito at hindi ka na dapat natatakot dahil matagal na kayo.

“Kasi, di ba? Kaya nga tumatagal ang isang relasyon dahil mahal na mahal mo yung girlfriend mo, tapos mapupunta rin pala sa wala?

“Sa akin kasi, kung puwedeng iwasan yung factors kung bakit nasisira ang relasyon, e, iwasan na hangga’t maaga.

“Nasa sa inyo rin talaga ‘yan, e.

“Dapat kayong dalawa, tina-try na i-work out kung ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari, di ba?”

Sa palagay niya, kaya ba ganoon kaapektado si Mark ay dahil sa tinagal-tagal ng relasyon nila ni Ynna ay hindi iningatan ang dapat sana’y solido nilang relasyon?

Kontra naman ni Kristoffer, “Mahirap magsalita tungkol sa sitwasyon ni Mark, e.

“Kasi wala naman ako sa sitwasyon niya, plus hindi naman siya nagsi-share about doon.

"So, wala akong karapatan magsabi ng kung anu-anong bagay.

“For me siguro ay may reason siya sa sarili niya kaya naging ganoon or kaya siya ganoon.”

TREND IN SAS. Pagbibiro namin kay Kristoffer na parang nauuso ang "hiwalayan" sa mga miyembro ng SAS?

Kahihiwalay rin kasi ni Christian Bautista sa kanyang girlfriend na si Carla Dunareanu.

At si Ogie Alcasid naman ay "humiwalay" na sa GMA-7 at tuluyan nang lumipat sa TV5. Dati ring kasama sa Sunday All Stars si Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, ano?" natatawang pagsang-ayon ni Kristoffer.

“Parang nauso nga, lahat na lang nauso, e. Ano ‘to, season?"

Pero aniya, “Ayokong makialam sa kanila, e, kasi, personal nilang buhay ‘yan.

“So far, ako, happy naman ako sa kung anong meron sa relationship namin ni Joyce, wala naman kaming problema.

“So, sana huwag kaming matulad sa mga naghihiwalay.

“At alam ko na hindi kami aabot doon sa present condition ng aming relasyon.”

Maya-maya ay nagbigay na rin si Kristoffer ng sariling saloobin tungkol sa paglipat ni Ogie sa ibang network.

Sabi niya, “Yun nga, e, isa pa ‘yan sa sad factors kasi since SOP ay pinapanood ko na sina Kuya Ogie.

“Siyempre, malaking disappointment din. Sa amin kasi, sayang na wala na siya, isa siya sa pinakamagaling.

“Parang hindi kumpleto ang show kung wala siya, kaya lang, desisyon niya yun, e.

“Siyempre, there comes a time sa buhay natin na we have to grow or move.

“Ako, hindi ko rin naman alam kung ano ang sitwasyon ni Kuya Ogie at siya naman ang nakakaalam kung ano ang mas nakakabuti sa kanya.

“Parang kami din ‘yan, di ba? Dati nasa ABS-CBN naman ako, tapos heto ako ngayon sa GMA.

"Kasi, may sarili rin akong reason kung bakit ako lumipat dito.

“Ganoon talaga, hindi natin alam kung ano ang puwedeng magpabago sa mga desisyon natin—whether sa lovelife ‘yan, sa career o sa anumang bagay.”



CHALLENGE. Pagkatapos nito ay napag-usapan naman namin ang tungkol sa performances ng grupo nila sa SAS.

Nangingiting pahayag ni Kristoffer, “Once pa lang kami nanalo, yung team namin nina Glaiza [de Castro].

“Pero masaya kami, kasi the other Sunday, ay ibinigay na naming lahat.

“Hindi man kami nanalo this Sunday, pero okay lang yun, marami pa namang pagkakataon.

“Kumbaga, mas natsa-challenge ang team namin to do better sa mga susunod pang episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, dapat pag-usapan pa namin nang husto yung concept namin, kailangan pang mag-research, group effort talaga.”

Competitive ba talaga siyang tao?

“Oo, lalo na sa sports,” mabilis niyang sagot.

“Kasi gusto ko na may lagi akong naa-achieve. Iba kasi kapag naa-achieve mo yung goal mo, di ba?

“Kahit sa maliit na bagay, gusto ko may something na... yung best ko maipakita ko.

“Alam ko kung hindi ako masyadong todo sa isang bagay na ginagawa ko, parang nadi-disappoint ako.

“Kaya ang tendency ko, sasabihin ko sa sarili na next time ay gagalingan ko na talaga. Yung tipong ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN