Mel Martinez slams issues against sister Maricel Soriano

Mariing ipinagtanggol ni Mel Martinez ang kapatid na si Maricel Soriano laban sa mga batikos dito. Sabi ni Mel: “Ikaw, mawalan ka ng mommy, mawalan ka ng Papa Dolphy, mawalan ka ng Wyngard Tracy—straight. Di ba? I cannot say anymore… Iyon na yun.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mel Martinez sa opening ng resto business niyang Cucina Ni Bunso sa Sct. Lozano, Tomas Morato, Quezon City, last week.

Ilan sa mga dumalo sa opening ng restaurant ni Mel ay ang ate niyang si Maricel Soriano, ang pamangkin niyang si Meryll Soriano, at ang kaibigan niyang si Marian Rivera.

Tinanong namin si Mel kung ano ang nararamdaman niya sa samu’t saring intriga na ipinupukol sa Ate Maricel niya.

Mabilis na tugon ng character actor, “Ano ba ‘yang intrigang ’yan? Sinabi rin kasi sa akin ‘yan, e, ni Nelson [Canlas ng GMA News].

“Wala akong time [makinig ng mga showbiz updates] kasi stay-in ako dito,” pagtukoy niya sa kanyang restaurant.

Sinabi namin kay Mel yung isyung dumaan sa depression stage si Maricel kaya sensitive ito sa mga hindi niya nagugustuhang galaw sa kapaligiran at sa mga katrabaho niya. May speculations pa na naglalasing o nagda-drugs daw ang Diamond Star.

Ano ang reaksiyon ni Mel dito?

“Kasi, nagkakasama kami lately, e. We just did Oh, My Mama Mia.”

Ito ang bagong pelikulang ni Maricel kunsaang kasama nila sina Eugene Domingo, Billy Crawford, at Andi Eigenmann.

Pagpapatuloy ni Mel, “Magkakasama kami palagi, so lahat ng mga ganoon, out yun, e, hindi ganoon.

“Alam mo, she’s just here to work and she’s just here to have fun… yung movie namin, nakakaloka.

“Kasi, yung mga batikos na yun, kasi nakakaloka.

“Sabi ko nga kay Nelson, meron daw… kasi hindi ko alam, e. Meron daw interviews na parang lutang si Maria or something.”

Ang sinasabing interview ni Maricel ay para sa O, My Mama Mia na in-upload sa YouTube, kunsaan may mga nag-comment na parang wala sa sarili ang Diamond Star at hirap ito sa pagsasalita.

Saad ni Mel, “Hindi ko napanood yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga kay Nelson, I have to look for it, kasi alam mo yun? Na baka yung ibang mga tao, nagmi-misinterpret, e.

“Baka may tinanong kay Ate na secret, nag-isip siya.

“So, etong mga taong ito, binigyan na ng meaning at kumalat na… na hindi naman yun.

“Maraming ganoon, e. A very small detail, one can make it big by putting issues on it, iba yung dating.

“Ang dami, e, so sabi ko, gusto kong makita yun."



NO CHANGE. Sabi pa ni Mel, sa pagdating ni Maricel sa opening ng kanyang restaurant, wala siyang nakitang kakaiba.

Sabi niya, “Nandito si Ate kanina, e. She gracefully graced this event, di ba, na masaya?”

Pinaninindigan ni Mel na maayos na maayos si Maricel.

“Super! Super okay siya, okay na okay siya lalo na ngayon.

“Kasi siyempre… kasi, alam mo, sa aming family, kahit sa akin ngayon, I’m grieving over my mother.

“Hindi na mawawala yun lalo na sa aming magkakapatid.

“Ako, every day I miss her, we miss her. Iba si Mommy Linda, iba yun. Dyusko, alam mo naman yun.

“Siya ang inspirasyon ko kung bakit ako nagkaroon ng ganito, in everything that I do, it’s my mom.

“I really lift this up to her, every blessing that I have, it’s for her.

“Ngayon, yung kay Mommy Linda at kay Maricel Soriano, mawalan ka ng Mommy Linda at ikaw si Maricel, life will never be the same.

“Kasi, that’s how much we love our mother.

“Ngayon, kung si Ate minsan nawala, ibigay natin sa kanya yun. Mommy ko yung nawala.

“Each one of us, kaming magkakapatid, people don’t know this, we try our best to make things happen.

“We try to be strong, we just try every day, pero hirap na hirap lahat kami hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Four years na since nawala si Mommy, pero parang yesterday lang sa aming magkakapatid. Hindi mo mababayaran yun, e.

“Sinasabi nilang move on? No, it will always be there, we love our mom.

“Mommy is very happy in heaven. Mommy’s like an assistant to Mama Mary na, e, devotee ‘yan, e.

“Hindi alam ng mga tao yung hurt na… pero okey naman kami.

“Pero nandoon na yun, e, every day, I miss her kapag napag-uusapan naming magkakapatid.

“Ang mga gamit pa ni Mommy, hanggang ngayon nasa amin pa.

“You know, every day, dumadalaw pa kami, I go visit her sa Heritage [Memorial Park]. Pagkatapos ko dito [resto], pupunta na ako doon.

“Pag Sundays, nandoon kaming lahat magkakapatid, walang patid yun, kahit si Ate.

“Kaya nga with these people, alam ninyo ba? Hindi ninyo alam, e, yung behind it.”

Gaano ba sila naapektuhan ng mga issues kay Maricel?

Sabi ni Mel, “Ako, deadma ako sa ganyan, e, sa mga issues, kasi unang-una, hindi totoo. Bakit ka papaapekto?

“Saka kami, naawa na lang kami doon sa ganyang klaseng issue.

“Kasi, hindi nila alam, e, kaya gumagawa silang issue, they don’t know what’s behind sa depression ni Ate.

“Ikaw, mawalan ka ng mommy, mawalan ka ng Papa Dolphy, mawalan ka ng Wyngard Tracy [Maricel’s former manager]—straight. Di ba?

“I cannot say anymore… iyon na yun.”



SHOWBIZ CAREER. On his acting career, tinanong naman namin si Mel kung ano na ang mangyayari ngayong busy na siya sa kanyang restaurant.

“Tuloy pa rin!” mabilis niyang sagot.

“Alam mo naman ako, jack of all trades. Pag blessing, blessing, kakarerin ko lahat ‘yan!

“Kasi, may mga tini-train naman akong mga cooks kahit wala ako, at least they’re here.

“Pero pag trabaho at waiting time sa shooting or taping, pag lunch or dinner, tumatakas ako, pumupunta ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want a hands-on, kasi sarado ako 3 to 6 [p.m.], lunch and dinner lang ako open.

“Pag sa trabaho, magtatanong na ako, ‘Direk, ilang sequences pa ba?’ ‘Four, tatlong oras pa ‘yan?’ Ayun, go na ako!

“Naku, thank you, Lord, kasi buti na lang, ang lalapit ng location, diyan lang sa Panay. Split lang ako, dito na ako, luto na agad ako.

“After niyan, close muna tayo, lipad muna ako sa taping or shooting—dinner na naman.

“Siguro nakaka-four times na akong gumagawa ng ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN