Claudine Barretto files Temporary Protection Order against husband Raymart Santiago

Naghain ng petisyon para sa Temporary Protection Order (TPO) ang aktres na si Claudine Barretto laban sa kanyang asawa na si Raymart Santiago, bagamat hindi idinetalye ng kampo ni Claudine ang dahilan ng kanilang paghahain ng petisyon.


Nagsampa ng petisyon para sa Temporary Protection Order (TPO) si Claudine Barretto laban sa asawa nitong si Raymart Santiago.

Ayon sa ulat na nalathala ng dzmm.com.ph, sinabi ng abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio na isinampa nila ang request for TPO sa Court of Clerks ng Marikina Regional Trial Court kaninang umaga, July 29.

Ang kanilang petisyon ay para hilingin sa korte na pagbawalan ang aktor na makalapit kay Claudine at sa mga anak nilang sina Sabina at Santino.

Dagdag pa sa ulat, nanginginig at umiiyak pa si Claudine nang magsampa ng petisyon.

Confidential ang nilalaman ng kanilang inihaing reklamo kaya tumanggi si Atty. Topacio na idetalye ito.

Ngunit sabi ng abugado ni Claudine, “Matagal na pong nagtiis ang aking kliyente, 2005 pa po.

“She tried to make it work, ayaw niya sanang magreklamo at humantong sa ganitong aksyon, ngunit hindi na po niya kaya.

“Ito na lang po ang nakikita niyang paraan upang tumigil na po yung mga ginagawa po sa kanya at sa kanyang mga anak.”



EMOTIONAL STRESS. Habang nasa loob ng korte ay nag-breakdown pa raw si Claudine.

Kuwento ni Atty. Topacio, “She has been under intense and tremendous emotional stress mula pa noong Sabado na ipinatawag niya ako.”

Ngayon, umaasa raw ang kanilang kampo na mapagbigyan kaagad ng korte ang kanilang hiling para “hindi po magkaroon ng actual physical threat sa aking kliyente.”

Nakasaad din sa kanilang TPO petition na may mga armas daw si Raymart.

Sa pahayag naman ni Claudine sa DZMM Radyo Patrol, sinabi nitong: "Siyempre may pinagdaraanan and hindi okay.

"But of course, I’m trying my best to be okay for my children, to be strong for my children and for my family."

Tungkol naman sa kanyang inihaing TPO case laban kay Raymart, sabi ni Claudine, "Ayoko talagang magsalita... I’m not ready to talk, I don’t want to talk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just want to be protected. I just want my children to be protected.

"Yun lang masasabi ko."

Hiling daw ng aktres ngayon ang dasal para sa kanyang pamilya.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa panig ni Raymart kaugnay ng petisyon na inihain ni Claudine sa korte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN